DAVE Pagkagising niya ay agad siyang napasapo sa kanyang ulo dahil parang martilyo na pinukpok ang ulo niya. Bumangon siya, at umupo muna sa gilid ng kama. Tinukod niya ang kanyang siko sa kanyang tuhod, at sapo pa rin ang ulo niya. Nagtataka siyang napatingin sa kanyang suot. Wala siyang matandaan na nagpalit siya. Napailing na lang siya, at pumasok na sa banyo upang maghilamos, at magsipilyo. Nang makapasok siya sa banyo ay agad siyang naghilamos, at nagsipilyo. Napatingin siya sa salamin, at napaisip siya kung ano ang nangyari kagabi. Hindi niya rin alam kung paano siya nakauwi. Nang matapos siya ay agad siyang lumabas sa banyo. Kakalabas pa lang niya sa banyo ay bigla na lamang kumatok ang pintuan, at sumungaw ang ulo ni Lani. “Sir, kain na po kayo, at uminom na rin ng gamot.” Kumu

