NADIA “Good noon, ma’am, and sir!” bati sa kanila ng staff pagkapasok nilang dalawa ni Sir Raul sa restaurant. “Table for two?” Nakasuot lamang siya ng yellow dress na tenernuhan niya ng puting flat doll shoes. Ito ang suot niya dahil nakakahiya naman sa suot nito na formal na formal. Nakasuot kasi ito ng long sleeve na itim, at puting jeans. Bagay na bagay dito ang suot, at para nga itong hinugot galing sa men’s magazine. Walang tulak kabigin ang mga Lazaro. Lahat ang lalakas ng dating. “I have reservation under Raul Lazaro,” nakangiting tugon nito sa waitress. “This way, sir,” malugod naman silang iginiya ng waitress sa table nila. Nauna na itong maglakad, at sumunod sa waitress. Siya naman ay sumunod na rin, at nasa likuran lamang siya nito. Tahimik lamang siyang nakasunod dito. H

