DAVE Pagkatapos niyang ihatid ang kapatid niya sa silid nito ay agad siyang tumungo sa silid nila ni Nadia. Napaisip siya. Sana pagbalik nila ng Maynila ay walang gulong magaganap. Nakagawa na naman siya na nagpapasakit sa ulo Ng mga magulang niya. Hangga't maaari ay ayaw niyang mapahamak si Nadia. Alam niyang mali na itago ang relasyon nila, pero hindi niya kayang bitawan si Nadia. Nang nasa tapat na siya ng sliding door ay agad niyang binuksan ito, at pumasok na sa loob. Narinig niya ang lagaslas ng tubig galing sa loob ng banyo. Napangiti siya. Sinara niya ang sliding door upang walang makapasok, at pati na rin ang kurtina. May liwanag naman ang silid nila dahil sa floor lamp. Gusto niyang daluhan ang nobya sa pagligo kaya agad niyang tinanggal ang butones ng suot niyang polo, at sinu

