DAVE Nakatulalang napatitig si Dave sa hawak niyang baso na may alak. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang lahat. Kung bakit ganito ang kalalabasan ng relasyon nila ni Nadia. Ang bigat ng dibdib niya ngayon. Hindi niya alam kung paano pa niya ito haharapin. Para siyang nasa isang kulangan na hindi niya alam kung paano makalabas. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa baso habang iniisip niya kung gaano niya nasaktan ang dalaga. Hindi niya maintindihan. Bakit ayaw ng kanyang mga magulang kay Nadia? Hindi ba sila masaya na masaya siyang kasama si Nadia? Bakit gusto nilang putulin ang masasayang pagsasama nila ng nobya niya? “Go to the VIP Room, sir, if you want some privacy,” rinig niyang suhestiyon ni Alexander. “Tumigil ka na rin sa pag-inom ng ilang bote na iyang ininom mo

