CHAPTER 10

1525 Words

NADIA Kakababa pa lang nila sa taxi nang makita niya ang pulang sports car na malapit sa apartment nila. Napatingin siya sa plaka nito. Napakagat-labi siya. Hindi ba nito naintindihan na ayaw niyang makipag-usap dito? Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Bakit ba gusto pa rin siya nitong makausap kung ginawa lang naman siyang tanga? Pinagmukha lang siya nitong isang babaeng pampalipas oras lang. "Nadia, parang kilala ko iyang sasakyan na iyan," pagtatakang untag ni Grace nang tumabi ito sa kinatatayuan niya. Sinong hindi makakilala sa sasakyan nito kung palagi naman nitong ginagamit ang pulang kotse sa club? "Dave," pagod niyang banggit sa pangalan ng lalaki. “Gusto mo ba siyang makausap? Kung hindi ay ako na ang kakausap sa kanya, at papaalisin siya.” Napaisip siya. Siguro, kaila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD