NADIA Nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata nang makita niya si Dave na nakaluhod. “Patricia…” Napapalibutan ng pulang rosas sina Dave, at nagngangalang Patricia na sinasabi nila. Hawak-hawak ni Dave ang pulang kaheta. Nawalan na siya ng pag-asa nang makita niya si Dave na nakaluhod sa harapan ng isang babae. May hawak pa itong microphone, at tinapat nito sa bibig. “Alam kong mabilisan ito, pero I need to make sure na ako ang papakasalan mo. Tinawanan mo pa ako, kung seryoso ba ako sa sinasabi ko sa harap ng pamilya natin. Sabi ko oo, papakasalan kita kasi iyon ang dapat. “ Gago ka, Dave! Gusto niyang sigawan ito, pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Para siyang sinampal sa katotohanan. Ito na ang totoo na hindi siya ang babaeng papakasalan ni Dave. Naliwanagan na

