NADIA Napagtanto na niya, kung bakit. Bakit hindi niya naisip iyon noon? Hindi naman talaga siya ready na magpakilala na nobya ni Dave dahil nahihiya siya. Nahihiya siya na magpakilala bilang nobya ng binata dahil wala siyang natamo sa buhay. Malaki ang agwat ng pamumuhay nila. Kung pagbabasihan ay langit ito, at siya ay nasa lupa. Mahirap lamang siya, at wala siyang maipagmamalaki kung ‘di ang trabaho niya bilang manager ng club. Simula ng naging sila ni Dave ay hindi pa siya nito pinapakilala sa buong pamilya nito. Ngunit, ngayon na nagkita nga sila ng mga magulang ni Dave ay kasamaang-palad ay hindi siya tanggap bilang nobya ng binata. Iba ang gusto ng mga ito na mapangasawa, at iyon ay si Patricia. Lumabas na siya sa silid, at dumiretso kaagad sa sala. Hinanap kaagad ng kanyang mg

