NADIA Napahinto siya sa 'di kalayuan sa bahay ni Dave. Tumingin siya sa kawalan habang tigmak ang luha sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahan na ngayong gabi na ito ay malalaman niya na itatakda na itong ikasal. Kaya ba hindi siya pinaalis dahil gustong ipakita ni Gobernador Lazaro na hindi siya ang babaeng papakasalan ni Dave, at ipamukha sa kanya na hindi siya nararapat sa anak nito? Marahas niyang pinunasan ang mukha niya, at humugot ng hangin. Sumisikip ang dibdib niya dahil hindi niya inaasam na ganito ang kinahihinatnan ng relasyon nila. Inhale at exhale ang kanyang ginawa upang mawala itong sakit na nararamdaman niya ngayon. Ngunit, kahit anong gawin niya ay nanunuot pa rin ang sakit sa dibdib niya. Napatakip siya sa kanyang mukha, at tahimik na umiyak. “Babe…” Napasinghap na l

