NADIA Isang linggo na ang nakalilipas. Isang linggo siyang hindi nagpakita o may kinausap. Kinimkim na lamang niya ang sakit dahil wala rin naman siyang magagawa. Isang linggo na absent siya, at ito nga ay bumalik siya sa trabaho. Ngunit, pagbalik niya ay nakita niya ang bagong kasal. Tanaw ni Nadia si Dave mula rito sa bar counter. Kasama nito ang asawa nitong si Patricia, at ang kaibigan nitong si Nathaniel. Hanggang tanaw lamang siya sa mga ito dahil hindi siya pwedeng lumapit kapag nandito ang asawa ni Dave. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili, at sa iba, ibaling ang atensyon niya, pero nasasaktan pa rin siya sa kanilang sitwasyon. Humugot siya ng malalim na hininga upang maibsan ang kirot na nararamdaman niya. “Nadia, relax. Tandaan mo, ikaw ang mahal ni Dave. Hindi ang babae

