Habang nagpipiyesta ang media sa pinakabagong insidente ng pagpatay, ay lumapit ang reporter sa lugar ng krimen. Kasama niya ang kanyang camera man, upang makapag-ulat at makakuha ng eksaktong detalye. Sa kanyang harapan ay makikita ang d*g*ang bangkay ng babaeng pinakabagong biktima.
“LIVE tayo ngayon dito sa Barangay Latina, kung saan natagpuan ang isa na namang bangkay ng kaawa-awang babae. Ang biktima ay kinilalang si Lara Del Cruz, 26 taong gulang, ayon sa mga pulis ay ito na ang pangalawang kaso ng pagpatay na isinasangkot sa isang hinihinalang serial killer na gumagala sa lugar, na ngayon ay binansagang The Cleaner dahil sa malinis at halos walang bakas ng krimen na kanyang iniiwan. Maliban dito, may kakaibang marka siyang iniiwan sa bawat biktima: isang tissue na inilalagay sa dibdib ng bangkay, kung saan ay may nakasulat na mensaheng, “Linisin ang marurumi” sa bawat bangkay na natatagpuan ay nag iiwan ng mga tanong. Sino siya at bakit niya ito ginagawa? Patuloy parin ang imbestigasyon, at nananawagan ang mga otoridad sa publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa ikalulutas ng kaso”.
Wika ng reporter habang nakatingin sa camera. Sinubukan din ng reporter na interbyohin si Detective Shara ngunit agad itong tumanggi.
Samantalang sa Penthouse. Sa kanyang sekretong opisina ay nakaupo sa kanyang swivel chair ang lalaking naka itim na hoodie habang nanonood sa malaking screen ng kanyang television. Mapait ang mga ngiting sumilay sa kanyang mga labi habang pinanonood niya ang balita sa TV
“Biktima? Kawawa? Hindi sila biktima, at lalong hindi sila kawawa,” bulong niya sa kanyang sarili habang hindi inaalis ang mga mata sa creen ng TV. “Sila ang mga babaeng nagtatago sa malalaswang kasuotan, nang-aakit, gamit ang maamong mukha. At mapanglinlang na anyo. Pero ang totoo, sila ay marurumi! Ubod ng dumi! At ako ang lilinis sa kanila.”
At mula sa creen ng TV ay kinuhanan niya ng larawan ang isang babae – Si Detective Shara Valmores, na nahagip ng camera. Nakita na niya itong nag iimbestiga sa mismong crime scene ng kanyang unang biktima.
Mataman niyang tinitigan ang imaheng nakuha niya, Detective Shara Valmores,” sambit niya, puno ng panglalait sa kanyang tinig. “Kinokonsente mo ang mga babaeng nagbebenta ng aliw at sumisira ng pamilya… Marumi ka din! Lilinisin kita!” At isang makahulugan ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Isang mapanganib na plano ang agad niyang nabuo.
Samantala, habang nagmamaneho ng kanyang kotse si Detective Shara para pabalik sa opisina, ramdam parin niya ang bigat ng mga nakaraang araw. Katulad ng nakasanayan, uuwi siya saglit sa kanyang tiniterhan upang makatulog ng ilang oras bago muling bumalik sa kanyang trabaho. Sa kabila ng pagod, alam niyang hindi siya maaring makampanti dahil alam niya na nasa paligid lang ang killer na nagmamasid at naghahanap ng panibagong bibiktimahin. Ngunit hindi paman siya nakakarating sa prisento ay nakarinig siya ng mga putok ng baril sa di kalayuan. At bilang alagad ng batas, hindi na siya nagdawalang isip. Agad niyang pinuntahan ang direksyon kung saan nangagaling ang putokan. Pagdating niya sa lugar, nakita niya ang isang lalaki na may hawak na baril, tumatakbo habang hinahabol ng mga pulis.
“Tigil!” sigaw ni Shara kasabay ng pagpapaputok ng baril, pero tila balewala iyon sa lalaki at nagpatuloy ito sa pagtakbo. Ang ibang mga pulis ay nakipagpalitan ng putok sa kanya. Maya-maya pa ay sumakay ang lalaking kriminal sa nakaabang na sasakyan, kasama ang kanyang mga kasamahan ay pinahaharorot ang kanilang sasakyan palayo.
Agad namang bumalik si Shara sa kanyang sasakyan upang habulin sila.
“Pucha!” malakas na mura ni Shara ng mapansing flat ang gulong ng kanyang sasakyan. Sakto naman ang pagdaan ng mamahaling kotse, kaya agad niya itong pinara. Itinaas niya ang baril at humarang sa daanan. Wala nang nagawa ang driver kundi ang huminto.
“Detective Sha – “
“Look! I don’t care who you are and what your job is! Can you just leave me alone? I have a flight to catch!” inis na sigaw ng lalaki, pero hindi na siya pinatapo ni Shara.
“H’wag mo akong ma-englis-english ah! kung may flight kang hinahabol, ako may mga kriminal na hinahabol. Buhay ang nakataya rito, hindi lang eroplano!” mataray na tugon ni Shara saka mabilis na pinausog ang lalaki at siya ang umupo sa sa driver’s seat.
Agad niyang pinaharorot ang kotse, mabilis na hinabol ang sasakyang sinasakyan ng mga kriminal… habang nagpapaputok si Shara para pahintuin ang mga ito, ang lalaki naman ay hindi na natigil sa pagrereklamo.
“Are you insane?! This is kidnapping! You can’t just hijack my car!”
“Shut up!” sigaw ni Shara habang hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.
“I could sue you for this!”
“Shut your English mouth or my bullets will do the talking for you!” sagot ni Shara. Saka mabilis na inirapan ang lalaking katabi. “Don’t English me ah! I’m tagalog! Filipino! No English!”
“Your insane!” galit pang wika ng lalaki.
“At mas lalo pa akong mababaliw kapag nakatakas itong mga kriminal na ito at pag hindi ka tumigil ng kaka English mo! my bullets will do the talking for me. so, you better shut up or jump off! Kala mo ah! English din yon!” sagot ni Shara na kahit nasa panganib na ay tila nag-eenjoy pa sa pang aasar sa lalaking may ari ng mamahaling sasakyan na sapilitan niyang pinara.
Makalipas ang halos isang oras ng habulan ay sa wakas ay nagawa ni Shara na patamaan ang gulong ng kotseng sinasakyan ng kanyang mga kalaban dahilan upang mawalan ito ng direksyon at tuloyang bumanga sa poste. Agad namang bumaba si Shara at walang takot na tinutokan ng baril ang tatlong lalaki na noon ay papalaban ng sinasakyan nilang kotse. Sugatan ang driver ng kotse samantalang ang dalawa naman nilang kasama ay halatang nahihilo pa dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng sasakyan sa poste.
“Itaas ang kamay! luhod!” matapang na utos ni Shara sa dalawang lalaking kriminal. Samantalang ang driver naman ay halos hindi na gumagalaw sa labis na pinsalang natamo. Samantalang mabilis namang romesponde ang mga pulis na nasa likod na nila at tumulong sa pag aresto ng mga suspect.
Nang makasakay na ang mga kriminal sa mobile patrol, agad na napalingon si Shara sa direksyon kung saan niya ipinarada ang mamahaling sasakyan ng lalaking sapilitan niyang pinara at isinama sa kanyang operasyon. Lihim siyang napangiti nang makita ang lalaki—salubong ang kilay, nakasimangot, at nakasandal sa likod ng kanyang kotse—halatang hinihintay siya.
“Sos! Kunwari pang nagrereklamo at naiinis sa akin. Pero hindi naman ako magawang iwan!” mahina niyang bulong sa sarili, pinipilit pigilan ang ngiti at itago ang kilig na kanyang nararamdaman.
“Oh! Ba’t di ka pa umaalis? Akala ko ba hinihintay ka ng eroplano? Kunwari ka pa, eh hinihintay mo naman talaga ako dahil gusto mo pa akong makasama at makatabi sa sasakyan mo!” diretsong wika ni Shara, habang hindi mapigilan ang matamis na ngiting namumutawi sa kanyang mga labi. Napailing siya sa sarili, tinatanong kung bakit bigla na lang siyang naging “feelingera” at malandi.
“Excuse me! I don’t want to be with you, I just don’t have a choice! You got my key, idiot! So how can I drive my car without it?!” inis na tugon ng lalaki, at sa isang iglap ay nawala ang ngiti sa labi ni Shara. Oo nga naman—paano nga ito makakaalis kung nasa kanya pala ang susi?
Inirapan na lang ni Shara ang lalaki upang itago ang pagkapahiya.
“Kung gusto mong mabawi ang kotse mo, ihatid mo muna ako sa presinto,” aniya, habang walang pagmamadaling naglakad papunta sa sasakyan. Mapanuksong sumakay siya sa passenger seat. Wala nang nagawa ang lalaki kundi sumunod—nauna na kasi si Shara sa loob ng kotse.
“Are you still mad?” tanong ni Shara habang nagmamaneho na ang lalaki. Nakasimangot pa rin ito at hindi maipinta ang mukha.
“Yes! Definitely. Very mad! In fact, I’m considering suing you for putting my life in danger!” galit na sagot ng lalaki.
“Go ahead,” nakangiti namang tugon ni Shara. Iwan ba siya—pero aliw na aliw siyang asarin ang lalaking ni hindi niya pa rin alam ang pangalan.
“But you might want to give me your number first, para may contact ka kung kailangan mong makipag-settle,” dagdag pa niya, may nakakalokong ngiti sa labi.
“That was smooth for a carjacking cop. But no! I’m not gonna give you my number because I don’t want to see you again!” masungit na tugon ng lalaki sabay preno ng sasakyan.
Tahimik lang si Shara, at mataman siyang nakatitig sa lalaki. Napansin niyang kahit iritable ito, may kakaibang ningning ang mga mata nito. Hindi niya namalayang naaliw na pala siya sa pagtitig sa gwapong mukha ng lalaking ni hindi niya pa alam ang pangalan.