Tahimik at walang imik ang tatlong lalaking nakaposas sa loob ng mobile patrol. Para silang mga maamong tupa—malayong-malayo sa mayabang at aroganteng asal na ipinakita nila kanina sa loob ng club. Nakayuko sila, halos hindi makatingin kay Detective Shara, na kasalukuyang nakaupo sa tapat nila, matalim ang mga mata at kita sa mukha ang galit. Kung hindi dahil sa tatlong ito—mga bastos at walang modo—ay natuloy sana ang plano niyang pag-iispy. Kanina, inaasahan niyang magpapakita roon ang matagal na nilang tinutugis na serial killer, ang kilabot na tinaguriang The Cleaner. Pero dahil sa gulong ginawa ng tatlong manyak na ito, tuluyang nabulilyaso ang operasyon. Inis na inis si Shara. Pakiramdam niya’y umuusok ang kanyang ulo sa sobrang pagkainis. “Hayaan mo na muna, Detective Shara,” ani

