PROLOGUE: 🌑🌑🌑
[ 📚: ZAKARIN VITTORIO CORVINO: OBSESSION IN CHAINS L.O.D.O S#1]
ZENNAH'S POINT OF VIEW
“ZENNAH, AYAW MO TALAGANG SUMAMA?!” sigaw ni Cassandra, kasalukuyan nagbibihis sa loob ng banyo.
Walang ingay akong umiling kahit na alam kong hindi niya iyon makikita. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo, sandali akong lumingon doon at nakita kong nakabihis na ito nang alis.
“Ano ba gagawin mo dito sa bahay? Sobrang boring dito, Zennah.” Aniya.
Tipid kong ngumiti, kasunod niyon ay muli kong nilingon ang ginagawa ko at ipinagpatuloy ito. Habang nag-aayos si Cassandra, ay nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Maya-maya pa ay muli itong tumayo sa harapan ko, dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Do I look good?” aniya at iminuwestro ang kabuuan niya.
Bahagya akong umismid para pag-aralan ang itsura niya, at nang makuntento Ako ay nag-thumbs up ako sa kanya. Ngumiti siya at agad na nagpaalam na aalis na at tumango lang ako.
Nang tuloyan na siyang nawala ay muling bumalik sa pagiging tahimik ang paligid. Agad akong nagbaba ng tingin, nakatitig ako sa aking sketchpad. Sandaling huminto ang kamay ko habang hawak-hawak ang lapis sa parteng panga ng iginuguhit ko.
Kagaya nang dati, hindi ko tinapos ang buong detalye, walang mata, walang labi. kalahati lang at parang multo ng nakaraan na pilit kong tinatakasan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang burahin.
Maya-maya pa ay biglang naagaw nang atensyon ko ng mag-vibrate ang aking cellphone. Medyo alanganin pa akong sagutin iyon dahil hindi naka-register ang numero nito sa aking cellphone.
Pero sa bandang huli ay inabot ko rin iyon at kaagad na sinagot.
“Hello?” usal ko, at kaagad namang sumagot ang nasa kabilang linya.
“Good afternoon, Miss Zennah?” isang pormal na boses ng lalaki ang narinig ko. “I’m calling from the gallery. Isa po sa mga portraits ninyo ang nabili ngayong araw.”
Napahinto ako saglit, “Nabili? Pwede bang magtanong kung alin sa mga portraits ko?” pormal kong tanong.
“The sketch of a man’s side profile.. the one you titled Unfinished Silence.” ani nito.
Bahagya akong natigilan at ramdam ko ang matinding panlalamig ng kamay ko.
Unfinished Silence. Ang guhit na ginawa ko sa gabing halos mabaliw ako dahil sa mga bangungut ko pa tungkol sa kanya.
“Pwede… pwede ko bang malaman kung sino ang bumili?” mahina kong tanong.
Sandaling katahimikan ang naghari sa kabilang linya bago ito muling sumagit.
“He didn’t leave much detail, Miss. Pero, if you will agree, gusto raw po sana kayong makausap in person. He wants to introduce himself to you,” mahinang usal nito.
Hindi ako kaagad nakasagot, ilang beses pang tinawag ng lalaki na nasa kabilang linya ang oangakan ko bago ako nakabalik sa reyalidad. At kahit nag-aalangan ako ay sumang-ayon ako, dahil bihira lang may pumansin sa mga portraits ko ay gusto ko lang magpasalamat sa kung sino man ito.
******
Pagkapasok ko sa mismong art gallery, ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air conditioner, ngunit hindi iyon nakatulong para pakalmahin ang kaba sa dibdib ko. Sa bawat hakbang ko pakiramdam ko ay lalong bumibigat ang mga paa ko na parang pinipigilan ako ng katawan ko na huminto at umuwi na lamang.
Pero may kung ano sa utak ko na gustong tumuloy, nababalutan ng kyuryusidad na makita kung sino man ang bumili ng portrait ko.
“Miss Zennah?” Isang babaeng staff ang biglang lumitaw sa harap ko, may ngiti sa labi at may bahid ng excitement sa boses niya.
“Welcome po. The man who bought your portrait… he’s already here. Kanina pa po siya naghihintay sa inyo.” Saad niya at nakangiti pa din.
Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Napatingin ako sa paligid, sa mga nakasabit na obra ng ibang artists. Mga kulay na dapat nagbibigay ng ginhawa, pero sa oras na iyon ay tila ba mga mata silang nakamasid sa akin, na hinihintay ang magiging reaksyon ko.
“Where… where is he?” mahina kong tanong, pilit na pinapakalma ang boses.
Nakangiting itinuro ng babae ang isang direksiyon at sinundan ko iyon nang tingin.
“He’s inside the private viewing room. Gusto raw po talaga kayong makilala personally. If you’re ready, I’ll lead you there.”
Napalunok ako. Ang kamay ko ay lumamig at nanginig bigla, mahigpit na nakakapit sa strap ng bag ko.
Tumango ako, kahit na kumakabog pa ein ang dibdib ko. “Sige… dalhin mo ako roon.” Tugon ko at nagsimula na kaming lumakad.
Habang papalapit kami sa pintuang iyon, ramdam kong bawat hakbang ko ay parang nagbabalik ang mga alaala, nang isang taong matagal ko nang sinusubukang kalimutan.
I slowly pushed the door to the private viewing room open, and the first thing that greeted me was the broad back of a man seated firmly, leaned back against the sofa as if he owned the entire place.
Hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya, pero halos bumagsak na ako sa sahig dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Kilalang-kilala ko ang likod niyang iyon, dahil hindi ito ang unang beses na makita ko ito.
And I couldn’t be wrong. I knew him too well. He was the man I had been running away from for so long. At ngayon ay muli itong nasa harapan ko.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at parang tumigil ang oras nang unti-unti itong gumalaw, dahan-dahan siyang umikot paharap sa akin at sa mga sandaling nakita ko ang kanyang mukha, ay dumoble ang panlalamig ng buong katawan ko.
Zakarin Vittorio Corvino.
“Hello, sweetheart… I didn't expect to see you here,” malamig pero banayad ang tono ng boses niya, nakakapangilabot at sobrang pamilyar. “It’s been a long time…”
Sunod-sunod akong napa-atras, nanginginig na umaatras papalayo sa kanya..
Hindi nagtagal ay nakita kong tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo, ang bawat hakbang niya papalapit sa akin ay parang kadenang kumukulong sa pagkatao ko.
“I’ve been looking for you…” tumigil siya sa harap ko, ang mga mata niya ay diretsyong nakatingin sa akin, “…And right now, you’re here. In front of me.”
Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko, umaambang tatakbo palabas, pero huli na para gawin ko iyon dahil tuluyan na niya akong nahawakan.
At sa muling pagkakataon ay muli akong makukulong sa mundo niya.
TO BE CONTINUED…..