ZENNAH'S POINT OF VIEW
“Zennah, anak! Male-late ka na sa klase mo!” sigaw ni mama mula sa dining area.
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko at nag-aayos. Makalimot ang ilang sandali ay nakuntento na ako sa ayos ko, ngumiti ako habang nakaharap sa malaking salamin, pagkatapos ay tumalikod ako at inayos ang laman ng bag ko.
Hindi ko na kailangang magdala ng maraming gamit dahil second year college, naman na ako. Sinuguro ko lang ilagay sa bag ko ang importanteng gamit, at isa na doon ang sketchpad ko.
Nang maayos na lahat ay agad na akong lumabas ng kwarto, malawak ang ngiti habang naglalakad sa hagdan pababa at dumiretsyo na ako sa dining area. Dumiretsyo ako kay Mama at pagkatapos ay pinatakan ko ng halik ang pisnge nito.
“Good morning, Mommy,” banayad ang aking boses nang batiin ko siya.
Nginitian niya lang ako at pagkatapos ay sumenyas na maupo na sa silya nang makapagsimula na akong kumain. Agad ko naman iyong ginawa at tahimik na pinapak ang pagkaing nakahain sa harapan ko.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag mula sa aking likuran, bago ko pa man iyon tuluyang malingon ay inunahan na ako ng yakap ni Daddy at sunod-sunod nitong hinalikan ang ulo ko na para bang isa akong bata.
“Daddy,” nakangusong asik ko, tumawa lang ito at agad na naupo sa upuan na nasa tapat ko.
“You're still my baby, Zennah. Don't stop me when I'm giving you a lot of kisses,” nakangiting aniya.
Sa tabi niya ay naupo si Mama at nakita ko ang pagtango nito para sang-ayunan si Daddy.
“But Dad, I'm already Nineteen, second year college na at nakakahiya naman kapag bini-baby niyo pa din ako,” reklamo ko.
Mas lalong lumakas ang halakhak ni Daddy, hindi siya sumagot sa reklamo ko kaya mas lalo lang bumaba ang aking nguso.
Sa kalagitnaan niyon ay biglang nagsalita si Mama, kung kaya ay bumaling sa kanya ang atensyon ko.
“Wala kang balak mag-shift ng course? I know you love drawing, why don't you try fine arts? You know we will still support you in that, Anak,” mahinahong ani nito.
Isa talaga sa mga pinagpapasalamat ko ay nagkaroon ako nang ganitong klase ng mga magulang. They're too supportive of me, at ni isang beses ay hindi sila nagreklamo tungkol sa mga bagay na ginagawa ko.
Umiling ako at ngumiti. “No, Ma. It's really okay. I can still draw while studying business at the same time,” mahinang sambit ko.
Ang ngiti ko ay naging tawa nang makita ko ang ekspresyon sa mukha ni Dad. Iyong ekspresyon niya ay parang nagyayabang na sobrang proudly dahil sa sinabi ko.
Well, saan ko ba naman nakuha ang talino ko, e sa kanila lang din naman.
“That's my girl.” Wika nito at patuloy pa din sa pagngiti.
Hanggang doon na lang ang pag-uusap namin ng natapos na akong kumain at nagpaalam na aalis na. Tumango lang sila at naglakad na ako palabas ng bahay, at doon ay nakita ko si Manong Tony, ang aming family driver at laging naghahatid sa ‘kin sa school.
“Good morning, Manong Tony. Tara na po,” nakangiting bati ko, bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay nakita ko pa ang pagtango nito sa 'kin.
Pagkasara niya ng pinto ng sasakyan ay umikot na siya patungo sa driver's seat, pagkapasok niya sa loob ay agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurut na iyon papunta sa university.
*****
Lumipas ang mahigit kalahating oras ay nasa tapat na kami nang gate ng campus. Nang mapansin kong baba si Manong Tony, para pagbuksan ako ng pinto ay pinigilan ko siya.
“Okay na ako dito, Manong. Pwede ma po kayong umuwi. Balik na lang po kayo mamaya kapag tapos na ang klase ko," kalmadong saad ko, isinara ko ang pinto at agad na tumalikod.
Second year ko na sa campus na ‘to, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gano'n kabisado ang bawat sulok. Isa kasi ang university na ito sa pinakamalaking university sa buong Pilipinas. Hindi siya private school, pero halos lahat ng estudyante rito ay may kaya, at masasabi kong kabilang na din ang pamilya ko doon, pero hindi lang talaga ako mahilig magyabang.
Mas gusto ko iyong simple lang para makihalubilo din sa akin yung ibang Estudyante.
Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang biglang umalingawngaw sa pandinig ko ang isang matinis at pamilyar na boses. At nang lumingon ako sa direksyon iyon ay hindi ako nagkamali.
Nakita ko si Cassandra, masayang tumatakbo papalapit sa akin.
“Kanina ka pa?” agad niyang tanong, nang makalapit na siya sa ‘kin.
Bahagya akong tumango bilang sagot, at gano'n na lang din ang gulat ko nang ipinulupot niya ang braso niya sa akin at halos kinaladkad na niya ako papunta sa building namin.
“Alam mo ba? May transferee at sa department natin papasok. Girl, ang pogi niya.” Saad niya, at halos tumili na siya habang naglalakad kami sa hallway.
Hindi ko ba alam kung papaano ko naging kaibigan ang isang ‘to, basta ang naalala ko lang at nilibre niya ako ng street food at kinabukasan ay close na kami.
Habang naglalakad kami ay natigilan ako nang mapansin ko ang iilang lalaki sa hallway, nakatingin ito sa kanya habang kumakaway na para bang naglalandian lang sila.
Bumaling ako kay Cassandra, at kaagad na nagsalubong ang kilay ko nang makita kong nag-flying kiss siya sa mga lalaki.
“Galing mo talaga, dalawang linggo pa lang nang mag simula ang klase, pero may mga fans ka na agad.” hindi makapaniwalang saad ko.
Lumingon siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata, “Sus, kung ganito ka lang din mag-ayos tulad ko. Mas madami ka pang lalaki kesa sa akin,” aniya at napangiwi ako.
Hindi talaga ako gano'n kahilig sa mga lalaki o kaya sa love life, love life na yan.
“Tch, tigilan mo ‘ko, Cassandra. Masyado akong abala para sa ganyang bagay.” Asik ko at tumawa lang siya.
Ilang sandali pa ay agad na making nakarating sa aming building, magkatabi pa rin kami sa sitting arrangement. Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay bigla niyang hinila ang braso ko dahilan para agad akong mapalingon sa kanya.
“Ano ba?!” Asik ko, habang siya ay nakatingin sa pintuan na animo'y may nakitang artista o kung ano.
“Tingnan mo… Yan ‘yung sinasabi kong Transferee,” aniya at agad naman akong tumingin sa may pintuan.
Kakapasok lang ng isang lalaki at masasabi kong gwapo nga siya, pero hindi siya iyohg tipo ko. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang aking atensyon sa sketchbook para mag-drawing. Nasa kalagitnaan ako nang pagpi-flip ng pages sa sketchbook nang kusang tumigil ang mga kamay ko at tinitigan ang isang drawing na ginawa ko, two years ago.
Mukha ito ng isang lalaki na minsan ko nang nakita sa isang event na dinaluhan ng pamilya ko. Isang beses ko pa lang siyang nakita, but I already memorize some of his feature. Hindi kumpleto itong drawing ng mukha niya sa sketchbook ko.
Kalahati lang ito ng mukha niya at makikita rito ang tattoo na nasa kanyang leeg. He look so intimidating, at kahit sa drawing ay gano'n pa din. At sa loob ng mahigit dalawang taong ay umaasa ako na muli kong makikita ang lalaking ‘to.
Hindi ko alam kung bakit, but the moment I saw him, something inside me woken up. Para bang may koneksyon ako sa kanya kung kaya hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa alaala ko ang imahe niya.
Malalim akong bumuntong-hininga at gamit ang palad ko ay hinaplos ko ang mukhang nasa sketchpad, pinaglandas ko ang palad ko roon habang mahinang binibigkas ang mga salitang,
"Show yourself to me... again..."
TO BE CONTINUED…