CHAPTER 02: 👌❤️❤️

1332 Words
ZENNAH'S POINT OF VIEW “Hello!” Kaagad akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon, agad na sumalubong sa akin ang mukha ni Joseph at iilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa akin. “Mm,” tanging sambit ko at agad na iniwas ang tingin sa kanya. Ibinalik ko ang aking atensyon sa pagdo-drawing sa aking sketchpad. Wala ang professor namin ngayon at dahil wala akong nagawa ay nag desisyon akong nagtungo sa quadrangle at doon mag-drawing. “Oh, you're good at what you were doing. Why don't you take fine arts course?” muling aniya at naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, saglit pa akong napatingin sa kanya nang sumilip siya sa sketchpad ko. Siguro ay napansin niya ang pagtingin ko sa kanya at inangat niya ang tingin niya sa ‘kin. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at kasunod niyon ay bahagya siyang lumayo at naglipat ng tingin sa kung saan. Habang nakatingin ako sa kanya ay napapaisip ako kung bakit lapit siya nang lapit sa akin? Mag-iisang buwan pa lang magmula nang maging magkaklase kaming dalawa, siya iyong transferee na tinutukoy ni Cassandra. “You know, it's not a good habit to stare at someone?” banat niya bigla, at kumunot ang noo ko nang ibalik niya sa akin ang kanyang tingin at ‘yung ngiti niya ay parang aabot hanggang tainga. “I'm stare at you not because I like it, but because I was wondering what's going on inside your mind, we're not close but you're sticking at my nose like we had known each other since elementary.” Usal ko. Nakita ko kung papaanong mas lalong lumaki ang ngisi niya, napangiwi naman ako at inalis sa kanya ang aking tingin para muling maipagpatuloy ang pagda-drawing ko. Akala ko ay hindi na siya magsasalita, pero nang narinig ko ang sumunod niyang sinabi ay napamaang ako. Sandaling naka-angat sa ere ang kamay Kong may hawak na lapis at hindi makapaniwalang muli siyang nilingon. Agad na nagtama ang paningin naming dalawa at ang kaninang malokong mukha niya ay maging seryoso habang nakatingin sa akin. “Are you f*cking kidding me?” asik ko. Nakita ko kung papaanong napalitan nang pagkaalarma ang ekspresyon niya dahil sa reaksyon ko. Napapikit siya habang tinatampal ang kanyang noo, kitang-kita ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga bago muling iminulat ang mga mata niya. “Of course not! I'm serious Zennah. I'm asking you to be my prom date.” Aniya. Naningkit ang mga mata ko at kasabay niyon ang pag-angat ng sulok ng aking labi. Nilipat ko ang aking tingin sa harapan at dahan-dahang isinara ang sketchpad ko. “Sa dami kong pwedeng pagtripan ay ako pa talaga ay pinili mo, ginag*go mo ba ako?” umiiling kong sambit. Ipinirme ko ang tingin ko sa harapan, na kahit muli siyang nagsalita ay hindi ako nag-abalang humarap sa kanya. Dahil wala akong balak sayangin ang oras ko sa mga kalokohan, tulad nang ginagawa niya. “Zennah, I'm being honest. Hindi mo lang alam kung ilang beses ko itong pinag-isipan. Ilang gabi rin akong hindi makatulog nang maayos dahil tinitimbang ko ang mga desisyon ko, kung sasabihin ko ba lahat nang ‘to sa iyo o hindi,” paliwanag niya. Puno nang pagsusumamo ang kanyang boses, pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ako magawang makumbinsi. Yumuko ako habang inililigpit ang gamit ko, inilagay ko iyon sa aking bag at pagkatapos ay mabilis akong tumayo para umalis. Pero bago ko ginawa iyon ay nilingon ko muna siya, “Si Cassandra ang yayain mo, Joseph.” Wika ko at pagkatapos ay kaagad siyang tinalikuran. Habang naglalakad ako sa mahabang hallway patungo sa gate ay pasilip-silip ako suot kong relo. Nang makita ko kung anong oras na ay humigpit ang hawak ko sa suot kong bag, sandaling tumigil sa paglalakad at….. mabilis na tumakbo, ngunit! Nang malapit na ako sa gate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan para mapadabog ako at lumiko sa Isang waiting shed. “Bakit ba ang malas-malas nang araw na ‘to?!” asik ko habang pinagpag ang suot ko at ang bag ko. Binuksan ko pa iyon para silipin qng sketchpad ko at nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong ayos lang ito. “Mabasa na lahat ng paperworks ko, huwag lang ang sketchpad ko,” sa isip ko. Ako lang mag-isa ang nasa waiting shed, walang ibang estudyante at sa tingin ko ay nasa loob pa sila ng classrooms dahil sa biglaang pagbagsak ng ulan. Nang naramdaman ko ang pananakit ng binti ko dahil sa matagal kong pagtayo at lumingon ako sa likuran para tingnan ang bench, pero nadismaya ako nang makita kong basa na rin iyon dahil sa malakas na ulan. “Wrong timing talaga…” ***** Sa bawat minutong lumilipas ay palakas nang palakas ang ulan, napabuntong-hininga ako at muling binuksan ang bag ko. Kinapa ko ang loob nito, umaasang may notebook na pwedeng ipangtakip sa ulo ko. Hinahalukay ko na halos lahat ng laman niyon at sa huli ay nairita lang ako. “Come on… kahit panyo man lang,” bulong ko, parang may milagro akong hinihintay. Habang nakayuko ako at abala sa paghahalungkat, biglang umalingawngaw sa likuran ko ang isang baritono at malalim na boses, sobrang lalim na ramdam ko ang bigat ng bawat salita. “Do you want to borrow my umbrella?” saad nito. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mabilis kong isinara ang zipper ng bag at marahang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ko ang isang hindi pamilyar na lalaki, matangkad, nakasuot ng simpleng dark jacket at may suot na cap dahilan para hindi ko makita nang malinaw ang kanyang mukha. “W-what?” tanging nasabi ko, halos napaatras sa gulat. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya, o baka guni-guni ko lang dahil natatakpan ng anino ng sumbrero ang halos kabuuan ng mukha niya. “I said… you can borrow this. Unless you’d rather stay here until the rain stops.” Aniya at napatingin ako sa payong na inilahad niya sa harapan ko. Napakurap-kurap ako, hindi makasagot agad. Ang totoo, ayoko talaga sa pakiramdam na may biglang lalapit nang ganito lalo pa at hindi ko siya kilala. Pero habang pinagmamasdan ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas, ay wala na talaga akong ibang choice. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko, bago ako muling nagsalita. “Why… would you lend me your umbrella? When we don’t even know each other.” Wika ko. ….. “Maybe that’s the point. We don’t know each other yet,” kaswal niyang sagot sa akin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon na halos natatabunan ng suot niyang cap. Gusto kong magtanong pa, pero parang hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ngunit bago pa man ako makapagdesisyon ay bahagya siyang yumuko, saka marahang inilapag ang hawak niyang payong sa ibabaw ng basang bench sa loob ng waiting shed. And as he finally walked past me, that’s when I noticed a tattoo covering almost half of his neck. Black, bold lines etched deeply into his skin, hindi ko gaanong makita ang disenyo niyon dahil bahagya iyong natakpan ng kwelyo nang suit niyang jacket. And before I could get a better look, he was already gone. Just like the rain, he slipped away, walking down the drenched hallway until the shadows and the pounding storm swallowed him whole. I was left staring, my gaze fixed on the black umbrella resting on the bench. Bumigat ang dibdib ko, hindi ko mapangalanan kung ano ang eksaktong nararamdaman ko, kung takot, gulat o kung ano man. “Who… was that?” I whispered to myself, humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag. Ang tingin ko ay muling tumuon sa kung saan ko siya huling nakita, pero Wala na talaga akong nakitang kahit anino Kiya man lang sa direksyon na iyon. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD