CHAPTER 04

1222 Words
ZENNAH’S POINT OF VIEW Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya o hindi. Kilala ko ang mukha niya, pamilyar sa akin dahil ilang beses ko na siyang nakikita sa labas ng university. Siya rin ang lalaking nagpahiram sa akin ng payong nang nakaraang araw. “H-Hindi ka ba talaga isa sa kanila?” halos bulong kong tanong, naroon pa din ang panginginig ng tinig ko. Agad na kumunot ang noo niya, at bahagyang ngumiti. Hindi iyon tipong ngiti na nakakaaliw, kundi ‘yong uri ng ngiti na kukumbinsihin ka. Maya-maya pa ay muling sumeryoso ang mukha niya at nag salita. “If I was one of them, do you think you’d still be here and breathing?” aniya, mababa at buo ang boses. Nakagat ko ang labi ko. May punto siya. Pero may parte pa rin sa akin na nag-aalangan. “Paano ako makakasiguro na hindi ka nga isa sa kanila?” mariin kong tanong, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Bahagya siyang yumuko at nilapit ang mukha niya sa akin. Halos maramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking noo. Muling sumilay ang ngiti niya kanina, af pagkatapos ay bumoses siya. “Because if I wanted to hurt you…” iniwas niya ang kanyang tingin sa mga mata ko, nakita kong maingat siyang gumalaw upang bahagyang lumayo sa ‘kin, “…I would have done it already.” Parang may malamig na kuryente na dumaloy sa katawan ko sa sinabi niya. At kahit ayaw ko, nakaramdam ako ng kakaibang ginhawa sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit, pero naniniwala akong hindi siya kabilang sa mga lalaking humabol sa akin. Dahan-dahan akong tumango at humakbang palayo sa sulok kung saan ako nagtago. Hinawakan ko ang dibdib ko, sinusubukan pakalmahin ang mabilis na t***k ng puso ko. Pagkalabas ko sa pinagtataguan ko ay agad kong sinipat ang paligid. Wala na ang apat na lalaking kanina ay humahabol sa akin. Ang madilim na kalye ay tila naging tahimik, at ang tanging maririnig ay ang mahina kong paghinga. “W-Wala na sila…” mahina kong sambit, ramdam kong gumaan na ang dibdib ko, kahiy paano ay maibsan na ang panginginig ko kanina. Napatingin ako sa lalaki. Nakatayo siya sa di-kalayuan, nakasandal sa poste, at nakatingin lang sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. “See? I told you, you're safe,” mahinahong wika niya, ngunit ang titig niya ay nananatiling matalim. “Huwag ka nang umuwi mag-isa sa ganitong oras. Not anymore,” paalala niya. Napalunok ako at bahagyang umatras, hindi dahil natatakot ako sa kanya, kundi dahil ramdam ko na parang may bigat sa bawat salita niya, bigat na hindi ko kayang maipaliwanag dahil hindi naman pakiramdam sa akin ang ganitong pakiramdam. Halos mabuwal ako pag-atras ko at kung hindi lang siya kaagad nakalapit upang hawakan ako ay bumagsak na ako sa lupa. “Easy,” bulong niya, hawak-hawak ang braso ko. “I told you, relax. You’re safe with me.” Aniya. Hindi ko matagalan ang tingin niya kung kaya ay agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong maglakad upang maghanap ng nasasaktan dahil wala pa rin ang sunod ko. Tahimik kaming naglakad palabas ng madilim na eskinita. Ang tanging tunog ay ang mahina kong mga yabag at ang malamig na ihip ng hangin na sumasalubong sa amin. Paminsan-minsan ay nililingon ko ang paligid, umaasa akong may taxi nang susulpot sa harapan namin nang sa gano'n ay makauwi na ako. Sa bawat hakbang ko ay hindi ko mapigilan ang mga mata kong palihim itong sulyapan. Nasa unahan siya ng kaunti, mabagal lang ang lakad, para bang sinisiguradong makakasabay ako. Ang mga kamay niya ay nakalagay lang sa bulsa ng coat niya, at kahit simpleng paglalakad lang ay may kung anong aura ng kumpiyansa at kapangyarihan na lumilitaw sa paligid niua. Habang pinagmamasdan siya ay lihim akong napapalunok. Ang matikas niyang panga, ang matangos na ilong, at ang paraan ng pagkakatitig niya sa kanyang dinadaan ay sobrang lakas ng dating, at hindi ko mapigilang ang sarili kong mapahanga sa kanya. “Ano ba ‘to, Zennah?” bulong ng isip ko. “Ito talaga ang isiipin mo ngayon? Muntik ka ng mapahamak, pero kalandian pa rin iniisip mo!” Napayuko ako, pinipilit pigilan ang sarili ko, pero sa bawat pagkakataong sumasagi ang liwanag ng ilaw na nadadaanan namin ay lalo kong nakikita ang kanyang matitigas na features. Para siyang isang tauhan sa mga story at movies, nakakatakot, pero nakakaakit din. “Stop looking at me like that,” bigla niyang sambit, malamig ang tono. Nanlaki ang mga mata ko at agad kong iniwas ang tingin, halos mapatakip ng palad ko ang mukha ko sa sobrang hiya. “H-Hindi naman ako—” putol kong sagot, nanginginig ang boses ko. Bahagya siyang lumingon, at may bahagyang kurba ng ngiti sa gilid ng labi niya. “Relax. I’m not offended.” Aniya at ibinalik agad ang tingin sa kalsada. “It’s just… dangerous to stare too long at someone like me.” Hindi ko alam kung bakit, pero lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Napalunok ako, at nagdesisyong manahimik na lang. Pero kahit anong pilit kong umiwas, nariyan pa rin ang kuryenteng dumadaloy sa dibdib ko tuwing aksidenteng magtatama ang paningin naming dalawa. Sa wakas, matapos ang halos sampung minutong paglalakad, may humintong taxi sa tapat namin. Halos gumaan ang dibdib ko, at pakiramdam ko ay ligtas na ligtas na ako sa wakas. “Go straight to your house, Lady,” malamig pero mahinahon niyang sabi, habang siya mismo ang tumawag ng taxi para sa akin. Nang nasa harapan na namin ito at Siya mismong ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan at para bang natural lang sa kanya ang ginagawa niya kahit hindi ko siya kilala, para bang obligasyon niyang siguraduhin na makakauwi ako nang maayos. “Salamat,” mahinang sambit ko, bahagyang yumuko. Naramdaman kong namula ang pisngi ko, kaya mabilis kong iniwas ang tingin at akmang papasok na sa loob ng sasakyan. Pero bago tuluyang sumakay, hindi ko mapigilang lumingon muli sa kanya. Para bang may humahatak sa mga mata ko pabalik sa kanya. At nang magtama ang paningin namin, Nahuli niya ako. Nakasalubong ko ang matalim ngunit misteryosong titig niya, at sa gilid ng labi niya ay may gumuhit ang isang nginis na Koara bang inaasar niya ako. “You should stop that habit of yours, lady,” aniya, mababa ang tinig at puno ng panunukso. “It’s really inappropriate to stare at strangers." Nanlaki ang mga mata ko, at mabilis kong ibinaling ang tingin ko palayo, para bang nahuli akong may ginagawang bawal. Bago pa siya makapagsalita ulit, agad akong sumakay sa taxi, halos isara ko na agad ang pinto. Pero bago tuluyang umandar ang sasakyan, napatitig ako sa bintana. Nandoon pa rin siya, nakatayo lang sa gilid ng kalsada, nakapaloob ang parehong palad sa magkabilang bulsa ng kanyang coat at nakatingin sa gawi ko. Hindi nagtagal ay umandar na ang taxi, at habang papalayo ako sa kanya ay isang tanong ang patuloy na umikot sa utak ko. At ‘yon ay kung ano ang pangalan niya? Mahigit isang oras kaming magkasama, pero hindi ko man lang nagawang itanong ang pangalan niya. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD