MASAYANG nagtatawanan sina Ysabelle at ang mga kaibigan niya habang naglilibot sa SM Centerpoint sa Sta. Mesa.
Hindi niya napansin ang grupo ng mga kalalakihan na nakatayo sa Quantum.
Masyado kasi siyang masaya dahil napipikon na naman si Nickie sa kanila kaya nang magdire-diretso siya'y nabangga niya ang isa sa mga lalaking naroon.
"Aray!
Ano ba?" pagtataray niya sa kung sinumang poncio pilatong nakaharang sa dinaraanan niya.
Alam niyang lalaki iyon dahil bukod sa matigas ang katawan nito'y napakabango pa nito. Lalaki lang ba ang mabango, Ysabelle?
Tanong ng isip niya.
"Sorry, Miss--uy, Ysabelle!
Ikaw pala 'yan?
Pasensya na kung nakaharang ako rito 'ha?
Hindi ko naman kasi alam na dadaan ka." sabi sa kanya ng lalaking nabangga niya.
Hindi na siya magtataka kung ang mukhang mabubungaran niya ay ang mukha ni Zack.
Ang pamilyar kasi na boses nito ang narinig niya.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito nang hindi siya umimik.
"Ang bango mo, ah.
Ano'ng perfume mo?" sa halip ay usisa niya.
Ang sarap kasi sa ilong ng amoy nito.
Hindi makati sa ilong.
Mayroon kasing ganoong pabango na sa sobrang tapang ng amoy ay masakit na sa ilong.
Pero hindi ang pabango ni Zack, napakabango nito at nanunuot iyon sa kanyang ilong.
Hindi nito inaasahan ang kanyang tanong kaya nabigla ito.
Bahagya nitong nakamot ang likod ng tainga nito.
"H-ha?
Eh... downy lang 'yan."
"Talaga?
Ang bango kasi, eh.
Parang perfume." diskumpiyado siya sa sagot nito.
"Hi, Zack!
Nandito ka rin pala." bati rito ni Lorraine.
Agad na umaliwalas ang mukha nito nang mapansin si Wilter na kasama ng una.
"Magkakakilala kayo?" tanong nito na ang kausap ay si Wilter.
Ang apple-of the-eye nito.
Napansin niyang kasama rin ng mga ito sina Kevin at Jacob.
"Obvious ba?"
supladong tugon ni Wilter.
Napailing siya.
Kahit kailan talaga'y hindi na naging maganda ang pakikitungo sa kanila ng lalaking ito.
Lalo na sa kaibigan niyang si Lorraine.
Simula kasi nang magpakilala ito sa kanila bilang educator nila ay suplado na ito.
Ni minsan ay hindi niya nakitang tumawa ito o ngumiti manlang.
At kapansin-pansin dito ang pagiging mailap sa kaibigan niyang patay na patay rito.
"Pagpasensyahan niyo na iyang si Wilter." singit ni Jacob.
"Masungit talaga 'yan.
Meron kasi." Si Jacob naman ay schoolmate nilang Business Management ang kinukuha.
Nakilala nila ito dahil kay Nickie.
Inaanak daw ito ng mama ng huli kaya magkakilala ang mga ito.
Ugali na nitong laging buwisitin ang kinakapatid dahil ayon dito--nang minsang tanungin nila ito'y nag-e-enjoy daw itong inisin ang kaibigan nila.
"Shut up, Jacob."
"Paano kayo nagkakilala?" usisa niya sa mga ito.
Ngunit parang si Zack na lang ang kausap niya.
Nagkanya-kanya na kasi ng pinagkakaabalahan ang mga kasama nila.
Wilter is busy driving away Lorraine from his sight.
Kevin is now having a chat with Sharmaine.
And Jacob is having a verbal sparring with Nickie...again.
Naging hobby na ng dalawang ito ang mag-iringan sa tuwing nagku-krus ang mga landas ng mga ito.
"Ah... E-eh--" nauutal na sambit ni Zack.
Tila hindi alam kung ano ang isasagot nito sa kanya.
Lumingon pa ito kay Wilter upang saklolohan ito.
Nagtaas siya ng kilay.
Minsan talaga'y kakaiba ang lalaking ito.
Napatingin siya kay Wilter na nilagpasan si Lorraine para sagutin ang tanong niya.
"We're dormmates." saad nito.
That's it?
Iyon lang ang dahilan kung bakit nahirapan si Zack na sagutin ang tanong niya?
What's wrong with that?
Ikinakahiya ba nitong malaman na magka-dorm ang mga ito at isipin niyang bakla
ang mga ito?
Ano namang koneksyon no'n?
Eh, kahit isang hint nga ng kabaklaan ay walang mababakas sa mukha nito, eh.
Napatangu-tango na lang siya.
"I'm going." paalam ni Wilter sa kanila.
Nilagpasan na sila ng lalaki. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin nila.
Hindi niya napansing sumunod ang kaibigan niyang si Lorraine dito.
"Sorry kung hindi kita agad nasagot.
Akala ko kasi nililihim iyon ni Wilter kay Lorraine." paliwanag sa kanya ni Zack.
Hindi naman nito kailangang magpaliwanag pa sa kanya.
Ang totoo'y wala naman siyang pakialam sa bagay na iyon.
Naitanong lang niya para may mapag-usapan sila.
Pinagmasdan niya ito nang mabuti.
Lalong tumibay ang konklusyon niyang hindi talaga ito mukhang driver sa halip ay mukha pa itong anak-mayaman.
Kunsabagay, marami nga naman ang nagagawa ng porma.
He is wearing a plaid polo with an orange tee beneath, cropped pants and a red seude shoes.
Bagay na bagay sa panahon ang suot nito.
Hot.
Everything he's wearing looks branded.
She got curious again.
Simula nang makilala niya ito ay napukaw na nito ang curiousity niya.
Ginagamit ba nito ang mga kinikita nito sa pamamasada para sa pangporma sa mga babae nito.
She felt a bit of pain suddenly stirred in her heart with that thought.
Para saan iyon? nagtatakang tanong niya sa sarili.
"Nice outfit." komento niya rito.
"Thanks.
Kay Jacob 'to.
Pinahiram niya sa akin." pag-e-explain nito na hindi naman kailangan.
Nagtaka na naman siya kasi parang dito lang nababagay ang suot nito.
It seems like the clothes were especially made for him.
At parang hindi hilig ni Jacob ang mga ganoong damit.
Jacob was the boy-next-door type while Zack was the nice guy type.
"So, what's the verdict?
Bagay ba sa'kin?" tanong nito nang mapansing pinagmamasdan niya ito.
Pinamulahan siya ng pisngi.
"Oo.
Ang gwapo mo. Mukha kang artista." sabi na lang niya para mapagtakpan ang naramdamang pagkapahiya.
Hindi niya kasi maiwasang titigan ito.
Masyado itong kaakit-akit sa paningin niya.
Wala ba itong ideya na napakalakas ng appeal nito?
Maging ang mga babaeng napapadaan lang sa kanila'y hindi na maalis ang mga tingin dito.
May boyfriend man o wala.
Siya pa kaya na nasa harap na nito at kinakausap pa siya?
"Talaga?"
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon pero parang biglang nagliwanag ang mukha nito.
Napangiti ito.
It made her heart beat faster.
Parang gustong tumalon palabas.
She was mesmerized with his simple but gorgeous smile.
She got confused with the sudden reaction from her heart.
Maybe because she wasn't expecting that he could smile that way or maybe because she never thought that he possesses a mouth-watering, heart-thomping and libido-inducing smile.
His eyes are also smiling at her.
Noon lang niya napagtantong maganda pala talaga ang mga mata nito.
Noong nasa dyip kasi sila'y napansin na niyang may kakaiba sa mga mata nito.
But she didn't know that it was that expressive.
She can see in his eyes that he looked happy.
Like he acquired something he really liked.
His beautiful brown eyes is shining like a star. Parang palagi itong nakangiti.
She smilingly nodded at him.
"May sakit ka ba?" pabirong tanong nito sa kanya.
"Wala.
Bakit?"
"Kanina mo pa kasi ako pinupuri, eh.
Baka lang kako may sakit ka.
Nakakapanibago kasi, eh." nakangiting turan nito.
"Ayaw mo ba?" masaya siya dahil parang na-appreciate nito ang simpleng papuri niya rito.
"Hindi, ah.
Kahit na alam kong guwapo ako, iba pa rin kapag ikaw na ang pumuri sa akin.
Nakakalaki ng ulo." nakangiting saad nito.
"At nagyabang na po siya." sabi niya habang nakatingala waring kinakausap ang kung sinumang nasa langit.
"Inangat na nga ang bangko mo, tumuntong ka pa sa lamesa. Ang lakas tuloy ng hangin." biro niya.
"Zack, may Hydrosepalus ka na!
Tingnan mo ang laki na ng ulo mo." singit ni Jacob sa usapan nila.
Tapos na pala itong makipag-iringan kay Nickie kaya pala nang-iistorbo na ito.
"Tumigil ka nga r'yan, Jacob.
Kahit hindi ako purihin ni Ysabelle, ngumiti lang siya superinflated na ang ulo't puso ko."
She got flattered kahit na bola lang iyon.
"Praning." pabirong inirapan niya ito.
"Tara na nga--Nasa'n na 'yong dalawang goliath?" tanong niya kay Nickie na ang tinutukoy ay ang dalawang matatangkad na babaeng sina Sharmaine at Lorraine.
Sa kanila kasing magkakaibigan silang dalawa lang ni Nickie ang hindi naambunan ng height nang magpaulan ang Diyos noon kaya kinulang sila ng taas.
"Kanina pa sila nagpaalam. Niyaya kasing magdinner ni Kevin si Sharmaine kaya sumama na 'yong isa.
Si Lorraine naman, as usual, bumuntot na naman kay Sir Wilter." maiksing pagsasalaysay nito sa kanya.
Napailing siya.
Hindi na kasi maipinta ang mukha nito at kung mayroon mang pintor na magtatangkang ipinta ito ay mabu-bwisit lang.
Malamang ay napikon na naman ito kay Jacob.
"Ikaw, kung hindi ka sasabay sa'kin ay sabihin mo na para makalayas na ako rito.
Nasusuka na kasi ako sa amoy rito." saad nito.
"Amoy tuyo."
"Aba't--" sambit ni Jacob.
Akmang babanat na naman ito kaya mabilis na siyang nagpaalam.
"Sige na.
Aalis na kami.
Bye!" paalam niya sa dalawang lalaki habang ipinagtutulakan ang kaibigan palayo sa mga ito.
Mukha kasing nagsisimula na namang umapoy ang galit nito at ni Jacob.
"DO you like her?" usisa kay Zack ng kaibigan niyang si Jacob habang papalabas sila ng mall.
Nagkibit balikat lang siya.
He doesn't really have any idea.
Hindi naman talaga siya driver ng dyip.
He is the son of the country's most famous business tycoon, Don Juanito De Castro na siyang namamahala at ang mismong may-ari ng DC Empire. Maraming hawak na iba't ibang businesses ang kompanya nila.
Malapit na ngang ilipat sa kanya ang pamamahala no'n dahil nagbabalak nang mag-retire ang kanyang ama kung hindi lang nito sinabi sa kanya na gusto siya nitong ipakasal sa anak ng kaibigan nitong si Faye.
Faye was pretty, alright.
But he doesn't want to settle down that early.
Isa pa, hindi niya gustong maging asawa ito.
Wala na kasi itong ginawa kundi ang magpaganda at mag-shopping.
Kahit na mabait ito ay hindi ito ang ideal wife niya kaya tinakbuhan niya ito.
Lumayas siya sa kanila at nangakong hindi babalik hangga't hindi binabawi ng kanyang ama ang desisyong ipakasal siya sa babaeng iyon.
He's only twenty-three for pete's sake!
Hindi pa siya handang magpakasal at kahit man maging handa siya'y hindi ito ang babaeng gusto niyang pakasalan.
Sinabi niya sa pinsan niyang si Kevin ang problema niya at sinabi nitong sa condo na muna nito siya manatili.
Tutal naman daw ay hindi nito iyon ginagamit dahil kauuwi lang ng ina nito galing sa Amerika at humiling na makasama ito.
Kaya ngayon ay sa bahay ng mga ito nananatili ang pinsan niya.
Noong araw na may lakad sila ng mga kaibigan niya'y napansin nga niya si Ysabelle.
Dahil nangingibabaw ang maliit na height nito sa mga kaibigang kasama nito.
He like petite women.
Kaya marahil napukaw nito ang atensyon niya.
Maliit din si Nickie pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin.
Bukod pa kasi sa nabanggit na ito ng kaibigan niyang si Jacob sa kanya nang minsang malasing ito at nakita niyang may larawan ni Nickie sa wallet nito ay mas nakaagaw talaga ng atensyon niya si Ysabelle.
Lalo na nang makita niya ang kakaibang excitement sa mga mata nito nang makita nito ang isang dyip na gume-gewang ang pag-andar.
He was amused.
May mga babae kasing napipikon sa mga driver kapag nagugulo ang mga buhok ng mga ito o nasisira ang poise kapag napapabilis ang pagpapaandar sa dyip.
But Ysabelle was different.
Kaya nag-isip siya ng paraan para mapansin nito.
Masyado kasi siyang nabighani rito.
She was pretty and at the same time cute.
At ang napili nga niyang paraan para magpapansin ay ang magmaneho ng dyip.
Ayos lang naman sa kanya kasi nayayamot na rin siyang tumambay ng tumambay sa condo ng pinsan niya at maglaro ng play station nito.
Mukhang mag-e-enjoy pa siya dahil mahilig siyang magmaneho ng kahit na ano basta may gulong.
Masusubukan talaga ang galing niya sa pagmamaneho.
Kaya kinausap niya ang isa sa mga may-ari ng dyip at pumayag naman ito.
Libangan naman kasi nilang magkakaibigan ang pagmamaneho at mahilig din siya sa iba't ibang sasakyan sa katunayan nga'y marami siyang koleksyon no'n sa bahay nila.
At sa tuwing mababagot sila ng mga kaibigan niya'y ang magkarera ng kotse ang ginagawa nila.
Effective naman ang ginawa niyang pagpapapansin dahil napansin siya ng dalaga.
"Eh, ikaw.
Do you like her?" balik-tanong niya rito.
"Si Ysabelle?"
"You know I wasn't talking about Ysabelle, Jacob."
Natigilan ito.
"Wala akong gusto kay Nickie, pare." kapagkuwa'y sagot nito.
"Nakita mo naman kung gaano ako kaasar sa kanya.
Kung hindi nga lang babae 'yon, baka nasapak ko na 'yon."
Napailing siya.
In denial pa rin talaga ang kaibigan niya.
Hindi kasi nito natatandaang minsan na nitong isinawalat sa kanya ang pagtingin nito sa kinakapatid daw nito.
"Bakla ka ba, pare?
Pati kasi babae pinapatulan mo." sita niya rito.
"Eh, kung nililigawan mo na lang e'di na-impress pa sa iyo 'yon." suhestiyon niya rito.
"Gago. Ang guwapo ko namang bakla.
Isa pa, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi mo maiisip na ligawan o magkagusto manlang do'n.
Atsaka, pare, hindi babae 'yon!" mahabang litanya nito.
"Alam mo bang ganyan daw ang love story ng lolo't lola ko?"
Napailing na lang siya nang manahimik ito.