Mugto ang mga mata kong bumangon kinabukasan. Hindi ako makatulog ng maayos kagabe kakaisip sa nangyare. Ang hirap pa namang matulog ng mabigat ang dibdib. Mabuti na lang at Weekend ngayon, walang pasok kaya hindi ko pa kailangan mamroblemang makita siya.
Bumaba ako para mag-almusal. Hindi ako nakapagdiner last night kaya gutom ako.
"Abay bumaba na rin sa wakas ang disney princess," urat na untag ni Mommy nang makita ako. "Ang akala po ba naman wala ka ng balak pang bumangon sa kama mo—"
"Darling naman, kakagising lang ng anak natin. Huwag mo munang simulan," pagpapatigil rito ni Daddy. Napaismid si Mommy dahil dito. "Goodmorning, sweety."
Mabuti na lang at nandito si Daddy, kung hindi ay baka hindi na ako tinantanan ng mala-military tank na bibig Mommy na walang kapagurang manermon.
"Goodmorning po, Daddy, Mommy."
Naupo ako sa tabi ng mga ito. Nakaupo si Daddy sa pinakadulo ng table habang busy sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Mommy. Nakaupo naman si Mommy sa harapan ko at nagsisimula ng kumain. Minsan ay sinusubuan siya ni Daddy ng pagkain.
Sa subrang sweet ng dalawa ay pakiramdam ko lalanggamin na kami. Nagmukha akong thirdwheel kapag kasama ko ang mga ito.
I actually admire my parent's relationship. Kahit na parehas na silang mga gurang ay nagagawa pa rin nilang magflirt na parang hindi man lang mauumay sa isa't isa. Kahit wala na yatang asim go na go pa rin. No expiration and time limit kumbaga.
That's the type of relationship I wanted. A love where time can't change the bond.
Nagsimula akong magsandok ng pagkain sa plato ko. Sausage at egg lang ang kinuwa ko tyaka dalawang pirasong bread. Nagsimula akong sumubo ng pagkain ng biglang magsalita si Mommy dahilan para maka-ilang beses na maubo-ubo sa sariling laway
"Kamusta naman ang grade mo, Elaiza? Siguraduhin mo lang na wala akong makikitang palakol jan, a," simula niya.
"Eli," pagpapatigil ni Daddy.
"Huwag mo ngang kinukonsenti yang anak mo, Harold! Kaya nasasanay dahil sa 'yo," inis na turan ni Mommy. "May ipapakilala ako sa 'yong tutor. Baka mamaya-maya ay nandito na siya. Sigurado akong kilala mo na siya dahil sa university niyo rin siya nagtatrabaho. Sabi ng mga kumare napakagaling daw na magturo ng professor na 'yon baka sakaling mapataas niya ang palakol mong grado."
Napakamot na lang ako sa sariling batok at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong magagawa kapag si Mommy na ang nagdesisyon dahil boss ito sa bahay, at parehas kami ni Daddy na under niya.
Ngunit hindi pa ako natatapos sa pagkain ng panibagong kamalasan ang dumating.
Pare-parehas kaming napatigil sa pagkain ng lapitan kami ng isang maid. "Madam El, nandyan na po sa labas ang kinuwa nyong tutor para kay Miss Elaiza," aniya ng maid.
"Really? Perfect! I will go and meet him myself." Agad na tumayo si Mommy para puntahan ang tutor ko na sinasabe nito. "Where is he, yaya? Tell him to come inside."
Hindi ko lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Si Daddy ay napabuntong hininga lang, hindi na rin makontrol si Mommy. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito si Mommy, graduate kasi ito ng valedictorian kaya mataas ang standard nito pagdating sa grade ko. Nasa dugo na namin ang pagiging matalino kaso yong akin nanatili sa dugo.
Inantay ko na makabalik si Mommy kasama ang tutor na sinasabe nito. Gusto ko sanang magshoping kasama si Natasha pero si Mommy na mismo ang gumawa ng plano ko sa araw na ito kaya wala na 'kong takas pa.
"Oh my god! Totoo nga ang sinasabe ng kumare ko. Ang gwapo mo nga talaga!" malakas na tili ni Mommy, akala mo ay boboy lang na kinakatay kung makatili siya.
Agad na nakuwa non ang atensyon ni Daddy, nainis sa pagcompliment ni Mommy sa ibang lalake. "Eli, si Elaiza ba ang itu-tutor o ikaw?"
Pumasok sa loob ng living room si Mommy, nasa likod nito ang tutor na tinutukoy niya. Natigilan ako ng makita ang pamilyar nyang mukha. Nabulunan pa yata ako ng makita ito.
H-Huwag mong sabihing siya ang new tutor ko? No! Hindi! Ang akala ko pa naman ay pwede na rin akong makalayo sa problema dahil weekend ngayon pero mismong problema na nag-adjust at lumapit sa akin.
"It's nice to finally meet you, Mr.Fernandez. I am your daugther's new tutor; Lawrence Madrigal" pakilala nito kay Dad, parang nakikipagkilala lang sa magiging byanan nito.
Nakipagkamay naman dito si Daddy. "Nice to meet you too, Mr.Madrigal. I hope you would take a good care to my lovely daugther."
Hindi ako makapaniwala sa nangyayare. Para akong pinagbagsakan ng sangkatutak na problema na itago na lang natin sa pangalang Lawrence Madrigal. Ang ex-boyfriend ko lang naman ang magiging new tutor ko! Sinong hindi sasakit ang ulo sa nalaman?!
"Aren't you planning to welcome your new tutor, Elaiza Maive?" bakas ang pagbabanta sa boses ni Mommy. "Why don't you stand up and greet Professor Lawrence Madrigal?"
Wala akong choice kung 'di ang tumayo at batiin ang kupal na bago kong tutor bago pa sumabog sa inis si Mommy. Hindi ko man lang ito matignan sa mata dahil naaalala ko lang ang halik na pinagsaluhan namin.
"G-Goodmorning po, Prof," bati ko.
Ngumiti siya. "Goodmorning, Ms.Fernandez."
God knows how hard I restrained myself from erasing that develish smile on his lips. Kung maarte siya ay parang hindi niya inanakaw ang first kiss ko kagabe. This damn nerd!
"You look shocked, Elaiza. Have you meet Prof.Lawrence before?" father asked.
"H-He's my math teacher," I answered.
"What a small world it is! Mas maganda na rin na si Prof.Lawrence ang maging tutor mo total ay siya rin pala ang teacher mo," aniya ni Mommy na tila kinikilig na teenager. Hindi naman obvious na may crush siya rito.
Bakit sa rame ng kukunin niyang tutor ay bakit ang lalaking ito pa? Imagine ang daming lalake sa mundo pero gustong gusto talaga ni Mommy na mahirapan ako. Baka nga kinuwa niya lang ang lalaking ito hindi dahil sa galing magturo kung 'di dahil sa face card.
And since when did Prof.Lawrence become a tutor? Wala akong matandaan na nagtu-tutor pala ito, ang alam ko lang ay Professor siya sa paaralan namin at business man.
"Nag-almusal ka na ba, Prof? Sumabay ka na sa amin," paanyaya rito ni Mommy.
"It's my pleasure," pagpayag ni Prof.Lawrence na ikinalaki ng mata ko. Pumayag siya? Bakit siya pumayag?! Wala ba siyang hiya?
Ninakaw niya ang first kiss ko kagabe at ngayon naman makikikain siya sa amin? Abay sumusobra naman na yata siya!
Pinaupo niya si Prof.Lawrence sa mismong tabi ko at binigyan ito ng plato para makakain. Habang nasa hapag ay walang tigil si Mommy sa pagdadaldal rito. Si Daddy ay nakikinig lang habang kumakain habang ako naman ay hindi makapakali sa upoan ko.
Gustong gusto ko nang umalis sa hapag pero hindi ko magawa dahil magagalit si Mommy. Ayaw kasi nitong may family member na umalis sa hapag habang hindi pa natatapos ang iba. Kabastusan raw kasi yon sa pagkain.
"I hope you can help my daugther with her grades. Hindi ko ba alam dyan kay Elaiza kung saan nagmana. Parehas naman kaming magna at c*m laude ng ama niya noong nag-aaral pa kami kaya hindi ko maintindihan kong bakit hindi siya samin nagmana."
Gusto gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa mga sinasabe ni Mommy. Totoo naman pero nakakahiya na mismong ang lalaking nilande ko pa noon ang makakarinig.
Baka isipin nito ay magaling lang akong lumande pero sa acads shunga shunga.
"It's alright. We have different level of intellegence. Maybe she's having a hard time with other subject but there are also subjects that she's exceeding like arts. Your daugther is very good with paintings and drawings."
Napayuko ako. I didn't think he would notice that. Sa totoo lang ay gusto kong maging isang comic artist but I need to be practical that's why I choose accountancy. I can't choose my passion over practicality.
Gulat akong binalingan ni Mommy. "Marunong kang magpainting, Elaiza?"
Dahan dahan akong tumango. Nagulat si Mommy sa narinig. Tinignan lang ako ni Daddy na para bang may gusto siyang sabihin pero piniling huwag na lang.
"I didn't know that," bulong ni Mommy sa kaniyang sarili. "You didn't tell me, Elaiza."
"H-Hindi naman po ako magaling tyaka it's just a hobby so I didn't tell you guys."
"Right. Anyway, hindi mo rin naman magagamit yan sa future kaya mas magandang magfocus ka na lang sa studies mo kesa sa painting painting na yan."
Inaamin kong nasaktan ako sa sinabe ni Mommy pero tumango na lang ako. She's right anyway. This talent is useless.
Pilit kong inubos ang pagkain ko kahit sa totoo lang ay nawalan na ako ng gana dahil sa dalawang bagay, una sa sinabe ni Mommy at pangalawa sa taong nasa tabi ko na ganadong ganado sa pagkain.
Natigilan ako ng maramdaman ang paang sinasadyang banggain ang paa ko. Inis kong tinignan si Rence. Ngumisi lang siya. Nagulat ako ng ilagay nito ang kamay niya sa legs ko.
Tinabig ko ang kamay niya pero ibinabalik niya lang iyon sa dating pwesto. Pinanggigilan sa pagpiga ang legs ko.
"W-What are you doing?" bulong ko, siniguradong kami lang ang makakarinig.
Mabuti na lang at hindi kita ang kamay niya dahil mataas ang mesa at busy sila Mommy at Daddy sa pag-uusap kaya hindi ng mga napansin na ang kamay ng bagong tutor na hinire nila ay nasa legs na nang anak nila.
"I miss you, my love," he whispered.