"Wag kang makulit dito, ha? 'Wag mong pasasakitin ang ulo ni lolo at lola ha." I patted her head bago ito tumango sa'kin. Madalas akong napapalapit kay Pat at hindi nawawala sa isip ko ang banta ni Mama sa'kin na kapag pinagpatuloy ko ang paghahabol kay Pat ay may rason s'ya para idamay si Via sa gulo. I can sue her dahil sa sinabi n'ya pero wala akong ebidensya para gawin 'yon, at alam kong maari pang maging rason 'yon para mas lumaki pa ang lamat ng relasyon namin ni Pat. "Hindi ka na ba kakain?" bahagya akong umiling kay Mama bago ako humalik sa kanyang pisngi. "Kumain na kami ni Via kanina bago umalis. Hinatid ko lang talaga s'ya rito tapos balik na rin ako sa pampanga, Ma." sagot ko kaya tinapik naman ako ni Mama sa braso. Mag-aalas nueve na ng gabi at hindi pa rin nagrereply

