Chapter twenty-seven I simply stretched my body dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung ano ba ang mga nagawa ko kahapon. Siguro nadala nalang ako ng inis at galit ko kay Miguel, gusto ko lang naman makabawi, e. Pinili ko munang pumunta sa balkonahe ng aking kwarto, at bahagyang napa-isip nang mahagip ng aking mata ang pasamano ng balkonaheng ito. Naalala ko tuloy ang halik na 'yon. Ano ba! Galit ka nga d'ba. At saka bakit ko pa iniisip ang halik na 'yon? "Ay, halik!" gulantang kong sabi nang marinig ko ang boses ni Papa. Agad ko s'yang nilingon at bumungad sa'kin ang marami n'yang bitbit na paper bag. "Halik?" tipid na tanong ni Papa. Bahagya nitong nilapag ang mga paper bags sa kama ko bago ako lapitan para humalik. "Oh ayan." dagdag ni papa

