Naglalakad na ako sa hallway papunta sa kwarto ni Pat ng bumungad sa'kin ang mga pulis na kalalabas lang ng kwarto ng Asawa ko at kasama nila si Mama. Binilisan ko na ang lakad ko dahil baka may dala na silang impormasyon tungkol sa aksidente ni Pat. "Oh ito na po pala siya." imik ni Mama. "Mr. Reyes, pwede po ba namin kayong makausap?" bungad nitong tanong sa'kin. Bahagya akong tumango bilang tugon sa tanong niya. Medyo lumayo siya sa kanyang mga kasama pati na rin kay Mama kaya sumunod ako sa kanya. "Naimbestigan na namin ang aksidenteng nangyari sa inyo pong Asawa. Naimbestigahan na rin po namin ang kotse ni Mrs. Reyes." sabi nito sa'kin na ikinuot ng aking noo. "Kotse?" "Opo. Nalaman namin na nawalan ng preno ang sasakyan ng inyong Asawa habang ito'y minamaneho niya. Napanood n

