I'm Ready. Handa na akong kausapin ang Asawa ko. Kung hindi niya ako kilala then ipapakilala ko ang sarili ko sa kanya at ipaparamdam ko yung mga bagay na pinaramdam ko sa kanya noon. Liligawan ko siya ulit. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pamilya namin, hindi lang para sa'kin kundi para rin sa anak namin na si Via. Handa akong ipagtanggol s'ya ulit sa pamilya n'ya. Lalo na ngayon na wala s'yang maalala. Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto ni Pat. Pumasok ako at bumungad sa'kin si Pat na kumakain ng prutas. She put her apple down and gave me a sad look. "How are you?" tanong ko. Pilit siyang ngumiti sa'kin, "Can we talk?" she asked. "Gustong gusto kita makausap. I'm so messed up, hindi ko alam kung anong nangyayari. Para bang may nagtutulak sa'kin na kausap

