After two months... Nandito ako sa counter ng supermarket malapit sa Ospital. Bumili lang ako ng mga kailangan at pagkain para kay Mama at kay Isay. Wala ng nangyaring masama kay Pat ng magdagdag ako ng seguridad para sa kanya. Marami ng mga pulis ang nagbabantay sa kanya kaya medyo panatag na ang loob ko. Tuloy pa rin ang kaso niya, halatang sanay ang gumawa nito sa kanya dahil nahihirapan silang makakita ng ebidensya. After ko magdagdag ng seguridad ay bumalik na ako sa trabaho dahil maraming tao rin namang umaasa sa'kin. Iisang ospital lang naman ang pinagtatrabahuhan ko at kung nasaan si Pat. Pagkatapos ko sa duty ay aakyat naman ako para bantayan ang Asawa ko. Hindi ko na rin binigyang pansin ang accusations ni Cindy kay Isay. Dahil kilala ko si Isay, hindi niya magagawa 'yon. Ku

