"Aray naman!" Daing ni Dax nang sadyain kong bitawan siya habang papalapit sa kama at matumba sa sahig. Natawa naman ako sa expression ng mukha niya habang nakadapa sa sahig. Ngayon ko lang siya nakitang nalasing ng ganito. Parating napaka angas niya sa paningin ko at ngayon ay katawa tawa siya. "Parati mo na lang talaga akong sinasaktan." Nakasimangot niyang sabi na parang batang nagtatampo. Sinubukan niya tumayo pero bumagsak at napaupo uli siya sa sahig. "Gaano ba kasi karami 'yung nilaklak mong alak at nalasing ka ng ganyan?" Nakapamewang na sabi ko sa harapan niya. "Ewan ko! Ikaw lang kasi ang nasa isip ko!" Mapungay ang mga mata niyang sabi habang nakatingin sa akin na hindi ko alam kung dala ba ng kalasingan o dahil sa pagkagusto niya sa akin. "Macy, sagutin mo na kasi ako!" It'

