Bahagyang gumalaw ang kamay ni Piper, mahinang naririnig ni Piper ang tunog ng isang bagay na umugong sa tenga niya. beep… beep… beep… Mahina lang pero malinaw niyang na ririnig at parang na ririnig siya sa paulit-ulit na tunog kaya napakunot na ang noo niya. Unti-unti siyang nagdilat ng mata at sinalubong siya ng malamlam na liwanag. Madilim ang paligid at hindi siya sigurado kung nasaan siya kaya pinakiramdaman niya ang sarili at napagtanto niya na nasa hospital siya. Nakahiga siya sa kama, may nakakabit pa rin ang IV sa braso, may oxygen support sa ilong, at mga sensor sa dibdib at daliri. Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa hallway ang bahagyang pumapasok sa loob ng silid na nag mumula sa maliit na window na may salamin sa pinto. Napapikit ulit si Piper at napapangiwi, at si

