Pagmulat pa lang ng mata ni Piper kinabukasan. Gusto na niyang ipikit ulit. Masakit lahat, masakit ang lalamunan niya—parang nasunog sa kakasigaw kagabi. Ang bawat paglunok niya parang may dumadaang liha sa loob. Ang katawan niya—parang binugbog. Mabigat, makirot at may mga parte na parang hindi na niya maramdaman. At higit sa lahat ang tiyan niya, napahawak siya roon, napapapikit siya habang dahan-dahang napangiwi. “Aray ko…” Mahina niyang ungol. Hindi lang mabigat ang tiyan niya, may nararamdaman pa siyang pag-galaw. Masakit parang may sumusungkit sa internal organ niya. Ramdam na ramdam niya parang may kung anong gumagalaw sa loob. Hindi lang basta galaw. Parang… may nag-iinat. Parang may sariling buhay na nagre-react sa bawat kilos niya. “Sh*t…” napasinghap siya ng biglang gumalaw ul

