A Pulse of Hope

1649 Words

Hindi na alam ni Jeric kung naka ilang dasal na siya mula pa kanina ng ipasok si Piper sa loob ng OR. Malamig ang hangin sa labas ng Operating Room, pero hindi dahil sa aircon kundi dahil sa kaba. Kanina pa sila hindi mapakali, dahil ngayon na ilalabas ang baby Ginger nila ni Piper. Kaya kabado talaga silang lahat, naroon na rin ang ama ni Piper na si Mang Pipo at ang Tito Larry aka Tita Lorie na kapatid ni Mang Pio. Noong una hindi nag papansinan ang dalawa pero sa huli nakita ni Jeric nag-uusap na ang dalawa na parang natanggap na ni Mang Pio ang kapatid nitong bakla. Nakaupo si Jeric sa metal chair na naraoon sa hallway, bahagyang nakayuko, magkahawak ang dalawang kamay niya na parang doon niya pinipilit ikulong ang sarili niyang takot. Halos maputi na ang mga knuckles niya sa higpit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD