LUIZ POV GULAT at hindi makapaniwala ang itsura ng babaing nakahiga sa harap ko. Nakita kong bumuka ang bibig nya ngunit walang namutawing salita.. Muli nya lang itinikom ang mga labi at nag iwas ng tingin. " Mag usap kayo Luiz, Para marinig mo ang paliwanag nya," Narinig kong sambit ni Cain. Napatingin ako sa kanya. Nasa gilid nito si Shanaia na matamang nakatingin lang sa akin. Gusto kong lapitan ito at umiyak ng malakas habang yakap ito ng mahigpit at sabihin sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. " Paano... Maiwan na muna namin kayo," Paalam ni Cain kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakaramdam ako ng matinding kirot ng makita kong hinawakan ni Cain ang isang kamay ni Shanaia bago masuyo nitong hinila palabas ng kwarto ang dalaga. " I'm sorry..." Muli akong tu

