SHANAIA POV
" DAD, SAAN BA KASI TAYO PUPUNTA..?! Bakit kailangang kasama pa natin si mommy?," Pangungulit ko kay daddy habang nasa loob kami ng sasakyan.
Tiningnan nya lang ako ngunit hindi nag salita.
Kagabi ko pa sya tinatanong kong saan ba talaga kami pupunta pero ayaw nyang sabihin sa'kin.... At simula nong naabutan ko sila ni Cain na seryosong nag uusap sa restaurant kagabi lagi na lang napapatulala si daddy at hindi mapakali... Alam kong may mali sa mga kinikilos nya pero hindi na ko nag tanong kung ano iyon dahil alam kong hindi nya rin naman sasabihin... Ang sa'kin lang ay itong biglaang pagalis namin na dapat kasama pa si mommy...
"Dad, Paano kung bigla na lang atakihin si mommy habang papunta tayo sa pupuntahan natin. Nag aalala lang ako sa mga pweding mangyari.."
" Shanaia, kailangang kasama natin ang mommy mo. Sa ngayon hindi pa ako sigurado kaya hindi ko pa masabi sayo ang lahat...kaya please.... Intindihin mo na lang muna." Seryosong sabi nya.
Natigilan ako. Madalas magalit sa'kin si daddy noon dahil sa mga kalokohang ginagawa ko pero ni minsan hindi sya naging ganito ka seryoso. Bigla tuloy akong kinabahan sa pupuntahan namin.
Nanahimik na lang ako ako sa byahe hanggang sa makarating kami sa private plane na sasakyan namin... Nakita ko naman agad si Cain na matamang naghihintay lang samin sa labas ng plane at may mga kasamang naka black suit na damit.
Nag tatakang tumingin ako kay Cain. Nagets naman nya naman agad kung bakit nagtataka ako.
" Don't mind them baby, Mga private bodyguards sila ng mga Alpuerto's" Sabi sa'kin ni Cain bago binati si daddy at hinalikan naman sa pisngi ang mommy ko.
Napakagwapo nito sa suot nitong Dark blue suit na naka bukas pa ang ilang butones nito sa bandang dibdib kaya kitang kita talaga ang matipunong dibdib nito.
Hmm, Sobrang hot nya talaga!
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pagkakahapit nya sa bewang ko palapit sa katawan nya habang paakyat kami sa plane na nakapagpainit sa buong katawan ko at nakapagpamasa ng anik ko down there.
Narinig kong mahina syang tumawa.. Napansin nya siguro ang pagkagat ko sa ibabang labi ko.
" Miss me...?" Bulong nya sa'kin.
Nahihiya akong yumuko na kinatawa nya ng malakas buti na lang nauna ng makapasok sila daddy sa loob ng plane kung hindi makikita nya ang pamumula ng pisngi ko ngayon.
Matagal ng walang jurbahang naganap samin ni Cain... Last time na may nangyari saming dalawa ay noong panahong bago pa ito nawala dahil sa pagsabog ng sinakyan nitong helicopter.
" I miss you more baby, Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik sayo at nagpipigil na wag kang angkinin nitong nagdaang mga araw... You make me crazy," Mahinang sabi nya at bahagya pang pinisil ang bewang kong hawak nya.
Inirapan ko lang sya.. Bakit kasi kailangan nya pang mag pigil.
Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng plane.. Agad kong nakita ang isang doctor at dawang nurse na nakaupo malapit sa tabi ng mommy ko kaya napatingin ako kay Cain.
" Baby, Thank you.."
" You're always welcome baby," Nakangiting sambit nya at inalalayan muna akong makaupo bago tumabi sa tabi ko.
" Kahit hindi ko talaga sabihin sayo, ay alam mo na ang mga bagay na kailangan o inaalala ko.." Sambit ko at hinilig ko ang ulo ko sa balikat nya.
" I love you so much," Sambit nya at hinalikan nya ako sa ulo.
" I love you too..."
ISANG TWO STOREY VILLA ang pinuntahan namin sa kalibo, aklan.. Pagkapasok namin isang dalagita ang humahangos ang sumalubong sa amin sa loob.
" Pogi, Si senyorita... Si senyorita.." Natatarantang sabi nito.
" Bakit, Anong nangyari kay Mira?" Tanong ni Cain.
" Si senyorita..." Umiiyak ng sabi nito.
Hindi na hinintay ni Cain makapagpaliwanag ang dalagita bigla na lang itong tumakbo paakyat sa Second floor.
" Iha, Anong nagyayari? " Tanong ng daddy ko sa dalagita.
Lumingon naman samin ang dalagita na wari ngayon lang napansin na may mga kasama si Cain. Nagulat pa ito at natutop ang bibig ng makita ang mukha ko na tila hundi makapaniwala sa nakikita.
" Senyorita..." Mahinang sabi pa nito habang nakatingin sa mukha ko.
" Lily, tumakbo ka sa labas ipahanda mo ang sasakyan," Sigaw ni Cain.
Napatingin kaming lahat sa hagdanan kung saan narinig namin ang boses ni Cain. Nagmamadaling itong bumaba at may buhat itong isang payat na babae. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae dahil nakaharap ang ulo nito sa dibdib ni Cain... May isang matandang babae rin ang umiiyak na nakasunod kay Cain at tulad ng reaksyon ng dalagita nang makita ako kanina ganun din ang nagung reaksyon ng matanda ng makita ako.. Gulat na gulat itong nakatingin sa mukha ko.
Gulat man ang dalagita sa pagkakita sa akin, Mabilis pa rin itong tumakbo palabas ng marinig ang sigaw ni Cain.
" Anong nangyari?" Tanong ng daddy ko ng makalapit ito kay Cain.
" Tito, Inatake nanaman sya.."
" Anaaaak..."
Gulat kaming lahat na napatingin sa mommy ko na bigla na lang sumigaw sa tabi ko.
" My daughter... " Umiiyak na sabi ni mommy habang nakatingin sa babaing buhat ni Cain.
Parang magic na nawala ang pagiging tulala nito at biglang nakapagsalita.
Wala sa loob na napatingin ulit ako sa babaing tinitingnan ni mommy... Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang itsura nito. Kamukhang- kamukha ko ang babae... Sa mata, sa ilong, sa bibig, sa lahat... Para lang akong nananalamin habang nakatingin sa mukha nito. Oo, payat ito at lubog ang mga mata pero hindi mo mapagkakaila na iisa lang ang itsura namin.
" Pogi, Nasa labas na ang sasakyan.." Hinihingal na sabi ng dalagita nang makabalik ito sa kinaroroonan namin.
Mabilis na nag lakad si Cain palabas ng bahay.
" Shanaia, Alalayan mo ang mommy mo at sumunod kayo sa amin,"
Gulat man at naguguluhan sa mga nangyayari tumango na lang ako at itinulak na ang wheelchair kung saan nakaupo si mommy para sundan sila daddy.
Marami ng doctor at nurse ang nag hihintay sa labas ng hospital ng makarating kami... Agad nilang inasikaso at ipinasok sa loob ng hospital ang pasyenteng kasama namin.
" Don't worry tito, Galing pa sa ibang bansa ang mga doctor na iyon na ipinatawag ko dito para asikasuhin si Mirajane," Narinig kong sabi ni Cain kay daddy.
Napatingin ako sa mommy ko...Hindi na ito tumigil sa pagiyak simula ng makita nito ang babaing kamukha ko.
" Mom..." Mahinang sabi ko sa kanya.
Umiiyak syang tumingin sa akin pero hindi nagsalita...Hinawakan nya lang ang dalawang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman kong niyakap nya ko kaya napaiyak ako. Lumapit naman sa amin si daddy at hinalikan ako sa noo bago niyakap kaming dalawa ni mommy.