CHAPTER 30

1486 Words
SHANAIA POV MAY ISANG waitress na lumapit sa akin pagkapasok ko sa loob ng restaurant. " Welcome, How may I help you ma'am..?!" Nakangiting bati sakin nito. " I have reservation under Cain Alpuerto," May meeting kasi ngayon ang pamilya naming dalawa ni Cain para mapagusap ang about sa kasal namin. " Give me a seconds ma'a---," " Ms, Cuevas, You already here.. Pasensya na po bago lang po kasi tong waitress namin kaya po hindi kayo nakilala," Putol nang may-ari ng restaurant sa sinasabi ng waitress. Nakita ko kung paano namutla ang waitress dahil sa paglapit ng amo nito sa amin. " It's okay, Don't mind it," " This way please.. Ako na po ang maghahatid sa iyo sa VIP Room," Sambit nito na bahagyang yumuko pa bago nagpatiuna ng maglakad. Nang makarating kami sa VIP Room pinagbuksan nya lang ako ng pinto at hindi na ito pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Daddy at si Cain na seryosong nag uusap. Hindi manlang napansin ng mga ito ang pagpasok ko. " Nandito na pala kayo," Sambit ko para makuha ang atensyon ng mga ito. Sabay silang lumingon sa kinatatayuan ko. Agad namang ngumiti si Cain at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi samantalang si Daddy ay seryoso pa din ang mukha. " Dad, may problema ba?!" " Wala anak.. Okay lang ako," Nakangiti ng sabi nya. Pinaghila naman ako ni Cain ng upuan sa tabi ng daddy ko para makaupo ako. " Thank you," Sambit ko pagkaupo ko. Ngumiti lang sya at pumunta na sa sariling upuan kaharap ng sa akin... Sakto naman pagupo nya ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok nila Mommy Cynthia, Daddy Tiago at Zack. Muli kaming tumayo at lumapit sa kanila para makipagbeso. " Hi, Shanaia.. As always napakaganda mo pa rin iha," Sabi ni Daddy Tiago bago umupo kaharap sa upuan ni daddy. " Of course, She's my soon to be daughter," Nakangiting sabi naman ni Mommy Cynthia at umupo na rin sa tabi ng asawa nya. Nahihiyang ngumiti lang ako at lumapit kay Zack para guluhin ang buhok nitong nakaayos. " Lagi mo na lang trip ang buhok ko," Reklamo ni Zack sa'kin bago ako inakbayan at pinaupo na rin. Tawa lang ang sagot ko at nagkibit balikat. Ngayon ang nasa tapat ko na ay si Mommy Cynthia na pinagitnaan ng mag amang si Daddy Tiago at Zack sa upuan. Samantalang si Cain naman ay nasa tabi ko na pinagitnaan rin nila ko sa upuan ng daddy ko. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pintuan ng VIP Room at may mga pumasok na ilang waitress dala ang iba't ibang pagkain at nilagay iyon sa table namin. " Mom, Dad, nakaorder na pala kami ni Tito Steve ng mga pagkain para sating lahat," Si Cain. Tumango lang ang mag asawa. " Pasensya na kayo Steven, hindi makakarating ang mga elders masyado kasi silang maraming ginagawa," Si Mommy Cynthia. " Ok lang, Naiintindihan ko." Tumikhim muna si Daddy Tiago bago nag salita. " Ngayong nakabalik na ang anak kong si Cain itutuloy na natin ang naudot na kasalan ng mga anak natin..." " At tulad pa rin ng dati gusto kong engrande ang kasalang magaganap," Daddy. " Of course, My son is an Alpuerto and Shanaia is a Cuevas, they both come from well -known families so it is only natural for their wedding to be grand." Mommy Cynthia. " Kung ganun.. Sa A's Resort naten gaganapin ang kasal nila... Isang pribadong resort iyon na tanging mga Alpuerto lang ang pweding magpunta doon.. At iyon ang pinakamalaking resort na pag-aari naming mga Alpuerto." Daddy Tiago. Tumango naman si Daddy at Mommy Cynthia... Marami pa silang napag-usapan about sa kasal namin. Napapabuntong hininga na nga lang kami ni Cain dahil kami dapat ang nagpaplano at nag dedesisyon para sa magiging kasal namin pero ang mga ito na ang nag plano at nagdesisyon ng lahat. " Excuse me, I'm just going to the bathroom," Paalam ko sa kanila dahil natapunan ako ng konting wine sa damit. Tatayo sana si Cain para samahan ako pero pinigilan ko ito. " It's okay baby, Sandali lang naman ako," Pumayag naman ito.... Nakayuko ako habang naglalakad dahil pinupunasan ko ng tissue ang damit kong nadumihan ng biglang may humatak sakin papasok sa isang pang VIP Room na nasa gilid ko. Sisigaw na sana ako pero nagsalita ang taong humatak sa'kin. " Honey, It's me," Sambit nito habang nakahawak sya sa bewang ko. " Luiz, Anong ginaga---," " I miss you so much.." Hindi na nya ako pinatapos mag salita... Niyakap nya na ako at hinalikan sa labi. Saglit lang akong nabigla sa ginawa nya. " F**k Luiz, Anong ginagawa mo... Mamaya may makakita sa'tin," Sambit ko habang tinutulak sya... Pero hindi nya pinansin ang sinasabi ko at mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap sa bewang ko. " Luiz, Ano ba... Please..." Galit ko ng sambit. Tumigil naman sya sa paghalik pero nakayakap parin ang mga braso nya sa bewang ko. " Why...! I just missed you..." Mahinang sabi nya bago pinagdikit ang mga noon namin. Tumingin ako sa mukha nya... Nakapikit lang sya... " Luiz, Ikakasal na ako.." " I know," " Pero bakit mo ginagawa ito?!" " I know you're getting married...but I don't care, I just want to be with you... I need you..." Mahinang sabi nya. " But I can't do this... I love him so much.. You know that.. Right?!" Nakita ko kung paano bumagsak ang mga luha nya habang nakapikit pa din ang mga mata nya. Pinunasan ng dalawang palad ko ang mga luhang nagladas sa pisngi nya. Umiling sya.. "It's okay, But please honey.... Just please... Let me love you," Humahagulgol nyang sambit. Bumuntong hininga ako... " Luiz, Look at me..." Utos ko sa kanya. Agad naman itong dumilat pero hindi nya pa rin tinatanggal ang mga braso nya sa bewang ko. " Honey, Listen..... Akala mo lang mahal mo ako kasi kamukha ko ang ex-fiancee mo. Pero nagkakamali ka... Masyado ka lang nakahawak sa mga alaala nya dahil hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin sya... And Luiz I'm sorry kasi ginamit ko ang pagmamahal mong yon....para mabawasan ang sakit na naramdaman ko noong nawala si Cain..." Humugot ako ng malalim na buntong hininga. " Luiz, Let her go....Alisin mo na sya dyan sa puso mo kasi iniwan ka na nya at hindi na sya babalik....Then after that mare-realize mo na you don't really love me....." Matapos kung magsalita hindi sya umimik...nakatitig lang sya sa mukha ko na parang may inaalam. " Yes Mr, Alpuerto.. How may I help you?!" " Did you see my fiancee? Sabi nya kasi pupunta lang syang restroom pero nung pinuntahan ko sya don... Hindi ko naman sya nakita doon," Narinig kong sabi ni Cain sa labas kaya bigla akong nataranta... kaya naitulak ko si Luiz at mabilis na lumabas ng VIP Room. Nagulat naman si Cain ng bigla akong sumulpot sa harap nya. " Cain..." Kinakabahang banggit ko sa pangalan nya. " Baby, I've been looking for you for a while.. Saan ka ba galing?!" Nakakunot-noo nitong tanong. " Nakita ko kasi yung kakilala ko nakipagusap lang ako sandali," Wala sa loob kong sambit. Bumuntong hininga na lang sya. " Let's go, Uuwe na tayo," " Paano sila daddy and yung parents mo?" " Nasa parking na sila hinihintay tayo," Sabi nya at hinapit ako sa bewang bago nag simulang maglakad. Nag lakad na din ako at pasimpleng sumulyap sa pintuan ng VIP Room na pinanggalingan ko... Pigil ang hiningang napakagat ako sa ibabang labi ko ng magbukas iyon at lumabas si Luiz... Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya.. Basta nakatingin lang sya samin habang papalayo kami. " Baby, May pupuntahan tayo bukas.." Sambit ni Cain habang nag lalakad kami kaya nawala kay Luiz ang paningin ko at napunta sa kanya. " Saan tayo pupunta?" Tanong ko bago ko pasimpleng bumuga ng hangin. " Ask tito Steve about that," Hindi na ako nag tanong.. Naglakad na lang ako hanggang sa makarating kami parking lot. Nakita kong nakatayo sina daddy at Zack sa labas ng mga sasakyan nila. " Nasaan na sila Mom and Dad?" Tanong ni Cain kay Zack. " Nauna na silang umalis may pupuntahan pa daw silang dalawa eh," Sambit ni Zack. " Shanaia anak sa mansion ka muna uuwi ngayon maaga tayong aalis bukas," Sabi ng daddy ko at tumingin muna kay Cain bago pumasok sa loob ng sasakyan nya. " See you tomorrow baby," Sambit naman ni Cain bago ako hinalikan sa noo. Ngumiti lang ako at tumingin kay Zack na nakatitig lang sakin...Ginulo ko ang buhok nito bago ako nag salita. " Mauna na ako sa inyo.. Bye," Paalam ko sa magkapatid at sumakay na sa sasakyan kung saan sumakay si Daddy. Nakita kong hinintay pa ng magkapatid na makalayo ang sasakyan namin bago sila sumakay sa kanya-kanyang sasakyan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD