CHAPTER 29

930 Words
SHANAIA POV MAGTATATLONG buwan na ang nakalipas simula ng mawala si Cain sa buhay ko.... Pero heto pa rin ako nagkukulong sa loob ng banyo umiiyak at inaalala ang lahat ng mga sandaling kasama ko pa ang binata.. Ginawa ko na lahat para matanggap na wala na talaga sya... Na iniwan nya na talaga ko... Pati si Luiz ginagamit ko... pinapaasa ko para lang makalimut... Alam kong mali pero wala akong pakiaalam basta mawala lang ang put*******g sakit na nararamdaman ko. Magpakamatay na lang kaya ako para mawala na ang sakit na nararamdaman ko.. Linubog ko ang buong katawan ko sa bathtub na punong- puno ng tubig... Mauubusan na ko ng hininga ng biglang may dalawang brasong nag angat sakin mula sa ilalim ng tubig.... " My god, Shanaia magpapakamatay ka ba ?" Umiyak ako ng malakas habang habol ang hininga... Lumingon ako para makita kung kaninong mga braso ang nakayakap sa katawan ko... Mukha ni Cain ang nakita ko kaya sumigaw ako ng malakas at itinulak ko sya palayo..... " Bakit ba pinahihirapan mo ko.... Ang sakit-sakit... Sobrang sakit..... Ayoko naaa..." Sigaw ko sa kanya at kinuha ang mga boteng ginagamit pampaligo para ibato isa isa sa kanya.... " Hirap na hirap na ko.... Iniwan mo na ko di baa... kaya please wag ka ng magpakita sa'kin.... Masyado mo na kong sinasaktan.. Tama naaa...." Sigaw ko pa rin habang binabato pa din sya... Nang maubusan ako ng pambabato sa kanya umiyak na lang ako ng umiyak.... " Pagod na pagod na ko Cain...Ginawa ko naman lahat para kalimutan ka at tanggapin ang nangyari sayo... pero bakit hindi ko magawa..... " Nanghihina kong sabi sa pagitan ng mga hikbi ko. " I'm so sorry baby... I'm sorry... I'm back.. And I will never leave you again.." Narinig kong sabi nya bago ko naramdaman ang mahigpit na yakap nya... " No... You're not real.... " Mahinang sabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.... ------ NAGISING AKO na may katabi sa higaan ko..... Hindi ko na nilingon dahil alam ko namang si Luiz iyon. Bumangon ako at lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.. Nanunuyo at nananakit kasi ang lalamunan ko. Kumuha lang ako ng isang bottle water sa ref at naglakad na ulit papuntang kwarto.. Nakita kong gising na si Luiz, Nakaupo na kasi sya sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko para magkakitaan kami ng maayos.... Ganun na lang ang gulat ko dahil hindi si Luiz ang nakaupo sa kama ko kundi si Cain... nabitawan ko tuloy yung tubig na hawak ko at nabuhos sa sahig.... " Baby...." Sambit nya kaya napasigaw ako ng malakas. Nakita ko kung paano sya biglang napatayo at nataranta sa pagsigaw ko... Hindi nya alam ang gagawin nya. Uupo ba ulit sya.... Tatayo lang... O lalapitan ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko... Totoo ba to? Hindi ba ko namamalik mata? O baka nananaginip lang ulit ako tulad kanina nung nasa banyo ako.... Teka.. Pano nga pala ako nakalabas ng banyo at napunta sa higaan ko...?!! Naramdaman kong may yumakap ng mahigpit sakin... " Baby, I'm sorry...." Narinig kong sabi nya... " Totoo ka ba..? Hindi ka ba panaginip lang?" Mahinang sabi ko. " I'm so sorry baby... Sorry sa pagkawala ko.. Sorry kung ngayon lang ako nakabalik... Sorry kasi nasaktan ka..." " You're real... Right..?!" " Yes baby. Patawarin mo ako," Napaiyak na ko ng malakas.... " Don't leave me again...." " Never... Baby halos mabaliw ako kanina ng makita kita sa banyo ng ganun.. kaya hindi ko na hahayaang mangyari sayo yon," " Promise me..." Sambit ko at umalis sa pagkakayakap nya. " Mangako ka sakin Cain, that you won't leave me again.. " sambit ko sa kanya habang nakatingin sa mukha nya. " I'll promise baby... I won't leave you again," He said and kiss me passionately. " I miss you.... " Sabi nya sa pagitan ng halik nya. Nahinto kami sa paghahalikan dahil naramdaman namin na may nakatingin. Lumingon kami sa pintuan para makita kung sino iyon.... F*ck, It was Luiz.. Nakakuyom ang mga kamao nya habang nakatingin samin. " You're here... Anong ginagawa mo dito Luiz..?" Narinig kong tanong ni Cain. Biglang naglikot ang mga mata ko... Nataranta ako sa kaloob-looban ko.. Parang may mga naghahabulang daga sa dibdib ko sa sobrang kaba ko... Alam kong nakikita ni Luiz ang reaksyon ko. Anong gagawin ko? Ano sasabihin ko...? " You're alive... Kailan ka pa nakabalik? Well, kaya ako nandito para bisitahin si Shanaia... Sobra kasi syang nasaktan nong nawala ka.... You know...! I'm just trying to help.." Sambit ni Luiz kaya napatitig ako sa mukha nya. " Ganun ba... " " Yes, Actually hindi lang ako ang bumibisita sa kanya.. Si Zack din, Madalas ding pumunta dito." " I'm glad na may tumitingin- tingin kay Shanaia nong mga panahon na nawala ako. Thank you bro," " You're always welcome bro, Malakas kayo sakin eh," Sabi ni Luiz habang sakin nakatingin. " Mag luluto ako...dito kana kumain," Yaya ni Cain kay Luiz. " Pass Bro, Naalala ko may pupuntahan pa pala ako..." " Ganun ba... Sige, Hatid na kita sa pinto," " Ikaw bahala..." " Baby, Wait lang.. Hahatid ko lang sya sandali," " Sure," Sambit ko at pinilit ngumiti. Sumulyap ako kay Luiz... Nakita kong titig na titig sya sakin bago tumalikod para mauna ng mag lakad kay Cain. Hinalikan naman ako ni Cain sa noo bago sumunod na kay Luiz. Nang mawala sila sa paningin ko parehas.. Tumakbo agad ako sa banyo para mag hilamos..... F*ck! F*ck! F*ck! Ano na gagawin ko ngayon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD