SHANAIA POV
"WHAT!!!" Napasigaw ako ng malakas ng marinig ko si Samantha nang sabihin nitong mag papakasal na ito sa isang Alpuerto. Samantalang si Ashley at Lyka naman na nasa tabi ko ay hindi nakapagsalita at laglag lang ang pangang na nakatingin kay Samantha.
"I said, I'm getting married," Simpleng ulit lang nito sa sinabi nito kanina.
"But..., How ? Paanong nangyari? We don't even know na may karelasyon kang isang Alpuerto na isa sa mga pamilya ni Cain,"
Speaking of Cain, ilang linggo na kaming hindi nag kikita. Simula ng sukahan ako nito noong nasa yate pa kami. Nagising na lang ako kinabukasan na wala na si Cain sa tabi ko. Sobrang nag init din ang buong mukha ko no'n dahil sa sobrang pagkapahiya ko sa sarili ng magising ako na wala nga pala akong saplot dahil nga nilabhan ko ang lahat ng suot ko na puro suka ni Cain kagabi. Ang ibig sabihin nakita ako ni Cain na hubo't hubad ng magising ito. And who knows kung ano ang inisip ng lalaking yon ng makita akong nakahuhad sa tabi nya, Siguro naisip nyang pinagsamantalahan ko sya or something. Kaya siguro ayaw nya na akong makita, kasi kahit anong gawin ng secretary kong pag alam kung nasaan ito o kung ano ang ginawa nito ay wala ng makita pa na para bang may nang haharang na malaman nito kung nasaan ang lalaki. And i know na si Cain ang may kagagawan no'n.
" Basta bigla na lang nangyari, Wag na kayong mag tanong,"
Napakunot noo naman ako sa sinabi nito. Paanong bigla na lang nangyari?, Nahihiwagaan man ay hindi na ako nag tanong dahil alam kong hindi naman nito sasagutin ang mga tanong ko. Ganun naman talaga ang kaibigan naming si Samantha parang marami itong secreto na hindi sa amin sinasabi pero hinahayaan na lang namin dahil nararamdaman naman namin na mabuti itong tao.
"So, kailan ang kasal,? Tanong na lang ni Ashley dito.
"Tomorrow, At kayo ang brides maids ko ko,"
"What.....," Nagulat nanaman kami sa sinabi nito.
" Bakit parang ang bilis naman?," Lyka.
"Well, Gusto na naming mag pakasal agad eh,"
Napapailing na lang kami habang nakatingin kay Samantha. Nginitian lang kami nito bago nag paalam ng umalis dahil mag kikita pa daw ito at si Chance na husband-to-be nito.
"I can't believe it na ikakasal na si Samantha at sa isang Alpuerto pa..... Guy's do you even know how rich and well -known the Alpuerto people are, Oh my god, Hindi ko maipaliwanag....." Sambit ko ng makaalis na si Samantha.
Nakatingin at nakikinig naman ang mga kaibigan ko sa sinasabi ko.
"Do you know Gregorio Alpuerto?," tanong ko sa mga kaibigan.
"Of course, Naging presidente naten sya ng pilipinas eh," Lyka.
" Well, Sya lang naman ang lolo ni Chance Alpuerto,"
" Really..." Hindi makapaniwalang sambit ng mga ito.
"Yes, Isipin nyong lahat kung sino- sino ang may mga apelyidong Alpuerto dito sa pilipinas"
" Si Santiago Alpuerto ng AFP?"
" He is Cain's father at ang tatay ni Chance na si Victorio Alpuerto na isang Police colonel ay mag kapatid. So, He's Chance uncle, And the Alpuerto Empire na may hawak ng malalaking companya sa loob at labas ng bansa ay pag aari nila, See, they are not ordinary people,"
Namilog naman ang mga mata nila dahil sa narinig.
" Paano mo naman nalaman ang lahat ng yan?" Ashley.
" Well, Alam nyo naman pareho na gusto kong mag higanti kay Cain dati kaya pina-imbestigahan ko sya kaya nalaman ko ang lahat ng tungkol sa mga Alpuerto,"
"So, kaya pala bigla ka na lang patay na patay kay Cain dahil nalaman mo kung gaano sya kayaman," Lyka.
"Nope, Of course not, kuntento na ako sa yamang meron kami ng pamilya ko kaya yung pagkabaliw ko kay Cain ay walang kinalaman yung mga kayamanan ng mga Alpuerto don. Biglaan na lang ang nangyaring pagkakagusto ko kay Cain."
Tumango tango naman ito.
Marami pa kaming napagkwentuhan magkakaibigan bago nakapagdesisyong mag punta sa spa para mag pamassage at mag paganda para fresh bukas pag punta naming kasal. Kailangan kong maging maganda dahil baka mag kita kami ni Cain bukas sa kasal ng pinsan nito.
*******
KINABUKASAN araw ng kasal. Ganun na lang ang pagkadismaya ko dahil sa buong seremonya ng kasal ay hindi ko nakita si Cain maging anino nito ay walang dumating.
"Shai, kanina ka pa nakasimangot dyan kahit nung nasa simbahan pa tayo nakasimangot ka na." Lyka said.
Nasa reception na kami ng mga oras na yon.
" Alam ko kung bakit," Nakangiting sabi ni Zack, kasama kasi namin sa table ang ibang pinsan ni Chance.
Umirap lang ako at nginusuan ito.
" Syempre, kanina nya pa hinahanap si kuya Cain pero hindi nya makita," Zack.
"Bakit ba kasi wala sya dito? Di ba kasal to ng pinsan nyo.. Dapat nandito sya..." Nakasimangot kong sabi sa mga ito.
"Shai, Baka naman kasi busy lang kaya hindi nakapunta," Lyka
" Ang alam ko din Zack, Aattend si Cain, Bakit hindi sya pumunta?," Kharlo
" Pupunta yon hintayin nyo lang... Baka kasi nakabaon pa kaya wala pa hanggang ngayon," Tumatawang biro ni Zack.
Tumingin naman ako dito ng masama.
"Hey, I'm just kidding. Galing pa kasing ibang bansa yon kaya siguro wala pa dito," Zack.
" Ibang bansa,? Tanong ko rito.
"Last week kasi pumunta syang Macau para asikasuhin ang mga investors namin don tapos nung nakaraang araw naman sa China," Paliwanag ni Zack.
Tumango -tango lang ako.
"By the way kuya Zack, Bakit hindi ko rin nakikita si kuya Luiz?," Santi.
" He's on his way na Santi, kakatawag nya lang sa'kin ngayon. Hindi sya nakapunta kanina sa simbahan kasi late na syang nagising dahil sa kalasingan nanaman kagabi," Kharlo.
" Who's Luiz?," I asked.
"He's also our cousin, And he's broken hearted dahil tinakbuhan sya ng babaing papakasalanan nya," Raye.
" Is she beautiful?," I asked again.
" We don't know... Kahit isa samin ay wala pang nakakakita sa fiancee ni kuya Luiz even his family." Agus.
"How about her family? Nakausap nyo na ba sila?," I asked again. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong na curious sa babaing tinutukoy nila.
" No, Ang alam lang namin ay sa Italy nakilala ni Luiz si Mirajane kung saan nakatira ang buong pamilya ng babae. Never pang dinala dito ni Luiz sa pilipinas ang fiancee nya. Palagi lang na si Luiz ang pumupunta sa Italy para makita ang fiancee nya. That's why we don't know her at all," Kharlo.
Tumango na lang ako. Bakit kaya i feel something connection on her..... Umiling ako... Imposible, kung yung pamilya nga ng Luiz na yon hindi iyon kilala, Ako pa kaya.... !
"Excuse me, Where's the restroom?," Tanong ko sa waiter na dumaan sa likod ko.
Itinuro naman nito kung saan banda ang restroom.
"Thanks," Matapos kong mag pasalamat sa waiter ay umalis na ito.
" Sissy, Punta lang akong restroom ah," Paalam ko sa katabi kong si Ashley.
" Gusto ko mo bang samahan na kita,"
"No, It's ok, kaya ko naman mag isa,"
Tumango naman ito.
Tumayo ako at nag excuse sa mga kasama ko sa table bago tuluyang nag lakad papuntang banyo. Nakayuko ako habang nag lalakad dahil nakatingin ako sa suot kong sandals na nabili ko kahapon sa mall. Pagkatapos kasi namin sa Spa kahapon ay dumeretsyo na kaming mall para bumili ng susuotin namin sa kasal. Gandang ganda talaga ako sa suot kong sandals kaya hindi ko mapigilan ang sarili na pagmasdan yon habang nag lalakad. Hindi ko tuloy napansin ang lalaking nasa harapan ko at nabunggo ako doon dahilan upang ma-out off balance ako. Babagsak na sana ako sa sahig buti na lang nahapit ako sa bewang ng lalaking nakabunggo ko.
" I'm so sorry, hindi ko sinasadya," Hinging paumanhin ko dito habang nakayuko. Bahagya ko itong itinulak para mapaghiwalay ang katawan namin. Hanggang ngayon kasi nakahawak pa rin ang lalaki sa bewang ko na para bang wala itong balak bitawan ako.
"Mirajane....?!"
Tumingala ako para tingnan ito. Titig na titig ito sa mukha ko.
" Mira, Honey, It's you...." Pagkasabi no'n ay agad akong nitong niyakapan ng mahigpit.
"Honey, I thought iniwan mo na talaga ako..... I miss you so much,"
Napakunot noo ako sa mga pinagsasabi nito.
"Honey, Don't leave me again... I'm begging you... ikamamatay ko pag nawala ka ulit sa'kin, Mahal na mahal kita."
Mag sasalita na sana ako, pero bigla ako nitong kinabig sa ulo para halikan. Nagulat ako sa ginawa nitong paghalik sa'kin, Pero mas nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa lalaking humalik sa'kin.
"Saan mo sya dadalhin?" Narinig kong tanong ng lalaking humalik sa'kin.
Wala sa sariling napatingin ako sa lalaking may hawak sa braso ko. It was Cain, Galit ang mukha nitong nakatitig sa lalaking humalik sa'kin.
"Tinatanong kita Cain saan mo sya dadalhin?" Sigaw ng lalaki kay Cain At hinawakan ako sa kabilang braso ko.
"Bitawan mo sya," Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Cain sa braso ko.
"Bakit ko naman gagawin yon,"
" Bitawan mo sya," Ulit ni Cain sa sinabi. Mababa lang ang boses nito ngunit may diin sa bawat salitang binibitawan.
" Ba't mo sya ilalayo sa'kin,"
" Luiz, Inutusan kita." Dumagundong ang boses ni Cain. Natakot ako.... Ano bang nangyayari?? Ang sakit na ng mga braso ko dahil sa pagkakahawak nila.
"I can't do that, She's mine,"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Cain sa braso ko. Bago humakbang papunta sa lalaki. Hahablutin na sana ito ni Cain pero biglang may mga humarang sa harap nito.
" Nakikiusap ako Luiz, Bitiwan mo si Shanaia, Hayaan mo muna sya kay Cain," Kharlo.
" NO," Matigas na sabi ng lalaki habang nakikipagtagisan ng tingin kay Cain.
" Luiz, Sumunod ka na. Bitawan mo na .ang babaing yan. Ayokong magkagulo dito Luiz, Ayokong magdilim ang paningin ko." Narinig kong sabi ng isang lalaki na papalapit na sa kinaroroonan namin. Kahawig iyon ng lalaking humalik sa'kin kanina.
Naramdaman ko namang lumuwag ang pag kakahawak sa isang braso ko. Agad naman akong hinila ni Cain palayo nang mapansin nitong wala ng nakahawak sa'kin.