KALIBO, AKLAN.......
Unknown POV
"KAMUSTA na po manang?,"
"Ok lang iha, ikaw kamusta ka na,? Narinig ko kay lily na inatake ka nanaman kahapon ah, kamusta pakiramdam mo,?"
"Okay na po ako ngayon manang, Wag na po kayong mag alala,"
" Ganun ba... O, Sige maiwan muna kita dito iha, may mga kailangan pa akong gawin sa baba,"
" Sige ho, Manang... Maraming salamat po sa paglilinis ng kwarto ko af ng buong bahay,"
Isang napakagandang dalaga ang amo ko para itong isang buhay na manika kung pagmamasdan mo. Maging ang katawan nito ay napakaperpekto. Ngunit may Brain tumor ito, Stage 4 kaya ilang buwan na lang ay mamaalam na ito. Napakasakit isipin na sa murang edad nito ay maaga itong mawawala sa mundo.
"Manang, galing po ba kayo sa itaas?"
" Oo iha, kagagaling ko lang doon. Ikaw san ka pupunta?,"
" Aakyat rin po kasi ako manang para painumin na ng gamot si senorita, Gising po ba sya?,"
"Ganun ba, Sige na umakyat kana para mainom nya na yang gamot na dala mo habang gising pa sya,"
" Sige po manang mauna na po ako,"
Nang makarating sa silid ng aking amo ay kumatok muna ako ng ilang beses bago tuluyang pumasok sa loob. Nakita ko ang aking amo na nakatitig sa isang larawan habang umiiyak. Palagi na lang ganoon ang kanyang amo pag nakatingin sa larawan na hawak nito. Nakahahabag ang itsura nito. wala na itong buhok kaya itinatago na lang nito sa bonet ang ulo nito. Napakapayat din at nanlulubog ang mga mata, napakaputla din nito ngunit napakaganda pa rin kahit na ganoon ang itsura nito.
"Senorita, kailangan nyo na pong uminom ng gamot,"
Mabilis itong nag punas ng mga luha bago sumulyap sa gawi ko at ngumiti
"Lily andyan ka na pala. Halika, lumapit ka sa'kin akin na yang gamot ko,"
Lumapit naman ako sa amo at inilapag sa bedside table nito ang hawak kong tray na may lamang baso ng tubig at mga gamot nito. Napatingin ako sa larawan na nasa tabi nito. Iyon ang larawan na palagi nitong tinitingnan sa tuwing umiiyak. Larawan iyon ng amo ko noong hindi pa ito nag kakasakit may katabi itong napakagwapong lalaki, Na nahulaan ko agad na iyon ang kasintahan ng aking amo ko.
Nakarinig ako ng pag tikhim. Agad naman akong kumilos upang maiabot dito ang mga gamot na dala ko.
"Salamat," Sambit nito at ininom na ang mga gamot na inabot ko dito.
Nang matapos ito sa pag inom ng gamot muli itong nag pasalamat sa'kin at sinabihan na akong iwan na itong mag isa.
--------------
Tiningnan kong muli ang larawan na nasa tabi ko at hinawakan iyon. Muli nanamang umagos ang masagang luha ko dahil sa pag kakaalala sa lalaking minamahal ko. Kamusta na kaya sya? Okay lang kaya sya ? Masaya kaya sya? Ano na kaya ang ginagawa nya sa mga oras na ito ? Naaalala nya pa kaya ako?..... O kinalimutan nya na ako??? Siguro nga kinalimutan nya na ako. Sa ginawa kong biglaang pag iwan dito ng walang pasabi siguro nga galit na sa'kin ang lalaking mahal ko at nag mahal na ng iba.
Lalong lumakas ang pag iyak ko nang dahil sa naisip kong may iba na itong minamahal.
Bakit ba kasi ako? Ba't ba kasi nangyare ito? Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito?? May nagawa ba akong mali? Nakagawa po ba ako ng malaking pag kakasala sayo panginoon? Naging mabait naman po ako ah..... Pwede po bang wag ako?? Pwede po bang iba na lang?? Jusko, nakikiusap po ako panginoon sa iba nyo na lang po ito ibigay..... Sa taong kakayanin itong pinagdaraanan ko. Napapagod na po kasi ako panginoon, hindi ko na po kaya..... Ni hindi nyo pa nga po naibibigay sa'kin ang matagal ko ng pinagdarasal sa inyo na makita ang tunay kong mga magulang.. Ang tunay kong pamilya.... Tapos ngayon pinabayaan pa ako ng mga taong kumupkop at nag aruga sa'kin ng maraming taon ng dahil sa sakit ko. Jusko.... Ayaw ko po sa sakit na ito... Gusto ko pa pong mabuhay.... Nagmamakaawa po ako...... Gusto ko pa pong makasama ang lalaking pinakamamahal ko.....
Napahawak ako sa dibdib ko pakiramdam ko nahihirapan akong huminga kaya pinagsusuntok ko iyon ng malakas. Napakabigat ng nararamdaman ko..... Ang sakit-sakit... Sobrang sakit.... Parang... Parang sinasaksak.... parang pinipiga.... parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit......
Sumigaw ako ng malakas...... HAAAAHh!!!!
"Sigeeeee... Kunin nyo na po ako.... kunin nyo na lang po ako kung pahihirapan nyo po ako ng ganito... Hindi ko na kaya...... Hirap na hirap na po ako... Nakikiusap po ako.... Sobrang sakit pooooo.... Gusto ko ng magpahinga..."
Matapos kong isigaw ang lahat ng iyon. Biglang kong nahugot ang aking pag hinga, tumirik ang mga mata ko, nanigas ang buong katawan ko at unti- unting nanginig.
"Jusko senorita, inaatake nanaman po kayo. Manaaaaaang..... Manang... Manang.."
May naramdaman akong lumapit sa'kin at hinawakan ako... Nakarinig din ako ng pag sigaw ngunit hindi ko na naintindihan ang sinisigaw nito. Unti unti na akong nawawalan ng ulirat....
" L-Lu-uiz......." Mahinang sambit ko bago ko nawalan ng malay.
"Manaaaaaang.... Manang... Jusko... Senorita... senorita... Manaaaaaang,"
Bumukas ang pinto.
"Manang.... si senorita po inaatake nanaman po,"
Umiyak ang matanda...
"Jusko... Nawa'y kaawaan ka ng dyos..... Lily bilisan mo lumabas ka tumawag ka ng ambulansya.. humingi ka na rin ng tulong,"
Agad namang tumakbo palabas ang dalagang inutusan at humingi ng tulong....