CHAPTER 13

1070 Words
SHANAIA POV ILANG oras na ang lumipas mula ng lumabas si Cain mula sa loob ng cabin na kinaroroonan ko. Ilang oras na din akong umiiyak. Sobrang namamaos na ako at humahapdi na din ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumigil sa pag agos ng mga luha ko pinipilit ko namang wag ng umiyak pero hindi ko magawa dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nang makita ko kanina si Cain na may kahalikang ibang babae nadurog ang puso ko. Pakiramdam ko may malaking bato ang dumagan don dahilan upang mag kadurog-durog ang puso ko. Ang gag**g yon sinabihan akong hindi pumapatol sa isang b***h, Yon pala may kas*x buddy na b***h, F*ck them! Umiiyak parin ako ng biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok ang kapatid ni Cain na si Zack kasama nito ang pinsang si Kharlo at inaalalayan ng mga ito si Cain sa paglalakad dahil lasing na lasing ito halos hindi na nga makalakad dahil sa kalasingan. "What.... happened?," Paos na boses tanong ko sa mga ito. Tuluyan na talaga akong napaos dahil sa kakaiyak ko. " I don't know, Pag balik nya samin kanina pagkatapos nyong mag usap tumungga na lang sya ng tumungga ng alak ni hindi nga kami kinakausap eh, nag inom lang ng nag inom, kaya ayan lasing na lasing," Zack. Pagkasabi non ay agad na nitong inalalayan si Cain palapit sa'kin upang maihiga ito sa kama kung saan ako nakaupo. "Dito namin sya dinala kasi sabi nya ibalik daw namin sya kung saan kayo nag usap kanina. Nakita namin na dito kayo pumasok kanina kaya dito namin sya dinala," Kharlo. Tumango lang ako at pinagmasdan ang mukha ni Cain na ngayon ay nakahiga na sa kama. " Paano ikaw na bahala kay kuya, Iiwan na namin sya sayo," Zack. " Yung.... mga kaibigan ko pala... napansin nyo ba..... sila sa labas,? Paos na boses ko paring tanong sa mga ito. "Kasama namin silang nag kakasiyahan sa labas," Kharlo. Tinanguan ko sila. Hinawakan naman ako ni Zack sa balikat bago sila tuluyang lumabas para iwan kami ni Cain. Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Cain. May makapal na kilay, mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, Napakagwapo talaga nito. Bumuntong hininga muna ako bago ako tumayo at pumasok sa cr na nasa loob lang ng cabin. May nakita akong towel sa loob agad ko iyon binasa at bumalik kung saan nakahiga si Cain, Hinubad ko ang suot nitong V-neck tshirt at khaki short bago sinimulan kong punasan ang mukha sa leeg pababa sa katawan nito. Mahina itong napapaungol habang pinupunasan ko ang buong katawan nito. Napahinto ako sa pagpunas rito ng bigla ako nitong kabigin palapit sa katawan nito at siilin ng halik. Sa pagkagulat ko ay hindi ako nakagalaw sa ibabaw ng katawan nito. Nanlalaki ang mata kong nakatitig lang sa mga mata nitong nakapikit habang hinahalikan ako. "You're so sweet, Baby, hmmm," Mahinang sabi ni Cain bago pinagapang ang mga kamay nito sa bewang ko, sa tyan paakyat sa dibdib ko. Nang mahawakan nito ang dibdib ko napapikit ako at mahinang umungol ng bahagya nito pinisil at masahihin iyon. Dahan-dahan ako nitong hiniga sa kama at kinubabawan nito. "F*ck," Napasigaw ako ng biglang sumuka ito. Nagkalat tuloy ang suka nito sa dibdib ko pati sa tyan. Marahan ko itong itinulak pahiga sa kama at bumagsak ang buong katawan nito sa tabi ko. Sinulyapan ko ito. Mahimbing na itong natutulog sa tabi ko. Bumuntong hininga naman ako bago tumayo at pumunta sa cr para makapaglinis ng katawan at malabhan ang suot kong puro suka ni Cain. Nang matapos, bumalik agad ako kung nasaan si Cain. Nakatihaya itong nakahiga sa higaan kaya kitang kita ko ang namumukol nitong p*********i sa suot nitong boxer brief. Napalunok ako dahil napakalaki ng dinadala nito. Na kay Cain na talaga ang lahat ng katangian na gusto ng mga babae. Gwapo, mayaman, matcho at higit sa lahat napakalaki pa ng hinaharap nito. Ang yummy talaga! Lumapit ako dito at humiga sa tabi nito kinuha ko ang comforter at tinakip iyon sa hubad na katawan ko. Hihiga muna ako habang pinapatuyo ko pa ang mga damit na nilabhan ko. Dahil sa paghihintay hindi ko na namalayan na nakatulog na din pala ako. ************ CAIN POV NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Nakahiga akong inaalala ang nangyare kagabi. Oo nga pala, nag pakalango ako sa alak kagabi nang dahil kay Shanaia. F*ck that woman, Masyado na syang nakadikit sa sistema ko. Hindi na sya mawala-wala sa isip ko. F*ck, t*ng**a, Galit na galit ako kagabi dahil nakita ko itong umiiyak ng dahil sa'kin. Sa sobrang taranda ko sa pag iyak nito napasuntok tuloy ako sa dingding. Dumilat ako at tumingin sa paligid nasa isang cabin ako. Ibig sabihin nasa yate pa rin ako, Nakiramdam ako...... mukhang hindi na umaandar ang yate siguro nakabalik na kami sa dalampasigan ng resort. Akmang tatayo na ako nang biglang may yumakap sakin. Sh*t! May katabi ako! Tumingin ako sa gilid ko at inangat ang comforter sa tabi ko. T*ng**a si Shanaia, Paanong nandito ngayon ito sa tabi ko? Nanlaki ang mga mata ko ng makita itong walang kahit na ano mang saplot sa katawan. Napatingin naman ako sa katawan ko, sh*t! Nakaboxer brief lang ako. What the f*ck! Anong nangyare kagabi? May nangyare ba sa amin? F*ck, Ba't hindi ko maalala?! Gusto kong maalala ang nangyari samin! Napatingin ulit ako kay Shanaia na mahimbing paring natutulog. Ito ang unang pagkakataon na magising ako ng may katabing babae, And it was so good to feel na ito ang katabi ko sa pag gising ko. Napangiti ako. Pakiramdam ko tuloy para kaming bagong kasal at ngayon ay nag hihintay akong magising ang aking magandang asawa. Bigla akong natigilan dahil sa naisip. Ano ba yang mga naiisip mo Cain! Hindi tama! Mali yang pumapasok sa isip mo! hindi ganyang babae ang karapatdapat iharap sa dambana lalo pa't isa kang Alpuerto, ikaw ang susunod na clan leader kaya dapat lang na matino at kagalang-galang ang mapapangasawa mo. Napailing ako. Kailangan ko ng umalis. Kailangan ko ng lumayo kay Shanaia. Hindi kami pweding magsama dahil nararamdaman kong hindi maganda ang mangyayari pag napalapit ako sa dalaga. Dahan-dahan ko munang tinanggal ang braso nitong nakayakap sa'kin bago tumayo at makapagbihis upang makaalis na palayo sa dalaga. Hindi ko na hahayaang mag kita pa tayong muli... Shanaia Cuevas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD