MADILIM NA ang kalangitan ng makarating ako sa penthouse ni Cain dala ang mga gamit ko. Hindi ako nagsabi sa parents ko na lilipat na ako sa penthouse ni Cain. Ang sabi ko lang ay sa condo ko muna ulit ako tutuloy dahil nasanay na akong mag isa lang, Alam kong na disappoint sila sa pagalis ko ulit sa mansion dahil nga gusto nila magkakasama lang kami buong pamilya at dahil na rin sa kalagayan ng kakambal ko. Nakokonsensya man ay mas pinili ko pa ring makasama si Cain, Naisip ko rin kasi na tama lang ang pagalok sa akin ni Cain na tumira ako sa penthouse nya kasi sa tingin ko ay magiging maayos ang relasyon namin kapag magkasama kami palagi at mapakita ko sa kanyang kung gaano ko sya talaga kamahal. May narinig akong ingay mula sa labas ng kwarto. Mukhang dumating na si Cain kaya itinig

