PAGKALABAS ng operating room ay idinerestyo na agad si ate Soraia sa magiging private room nya. Inirekomenda na kasi ng doctor na dito na sa ospital mag stay si ate para daw oras na atakehin ulit ang kakambal ko ay agad daw na may darating na doctor at iyon din daw ang mas nakabubuti sa kalagayan ng ate ko. " Dad, may tinawagan na akong tao para kumuha ng mga kakailangin nating gamit dito sa ospital. I also called manang to get some personal needs for you and mommy." " Thank you baby...." " And dad sorry, I have to go. May mga kailangan pa po kasi akong asikasuhin sa kompanya." " Go ahead anak, paalam ka na sa mommy mo," Tumingin ako sa mommy kong kalalabas lang mula sa banyo. " Mom, I have to go." Sambit ko at niyakap ko ang mommy ko. " Sige anak mag iingat ka sa pag da- drive a

