SHANAIA POV
" HEY, SHAI, WHAT MAKES YOU SO LONG, kanina pa kami nag hihintay sayo sa ibaba," Naiinis na sambit ni Ashley nang makapasok sa loob ng kwarto ko nakasunod naman sa likod nya si Lyka kasama ang boyfriend nito.
Nasa loob ako ng kwarto ko sa mansion ng mga sandaling iyon.
" Wow, Shanaia, You're so beautiful," Namamanghang sabi naman ni Lyka.
" Yeah, So beautiful," Halatang wala sa loob na sambit ng boyfriend ni Lyka, Bahagya pa itong nakanganga habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
Well, Sino ba naman ang hindi mapapanganga sa ayos ko, I was wearing black deep v-neck, mermaid split evening gown kaya halos makita na talaga ang bilugang dibdib ko dahil sa baba ng line na umabot sa kalahati ng tyan ko, maging ang mahaba kong legs ay kitang- kita din dahil sa split ng gown.
" Anong beautiful ka dyan, Baka nakakalimutan mo kaibigan ko yang tinitingnan mo,"
Nahihiyang napakamot na lang sa ulo si Bryan dahil sa sinabi ni Lyka.
" Shai, Marami ng mga bisita sa baba samantalang ikaw nandito pa. Hindi porket party nyo to malalate ka na," Ashley.
" Sorry, Medyo na late kasi tong si Star kaya late na akong naayusan," Tukoy ko sa kaibigan kong baklang makeup artist.
" Sorry guys, kasalanan ko," Hinging paumanhin ni Star.
" Haynako, halika na marami ng naghahanap sayo na bisita," Sambit na lang ni Ashley at hinila na ako palabas ng kwarto ko.
" Dumating na ba si Cain?," Tanong ko sa kanila ng makarating kami sa hardin ng mansion kung saan dinaos ang party celebration namin.
" Hindi pa siguro, kasi kung dumating na sya nagkagulo na ang mga reporters na nandito," Sagot ni Lyka.
Napatingin ako sa isang katulong sa mansion na papalapit sa'kin.
" Ma'am, Pinapatawag ka po ng daddy mo," Sambit ng katulong nang makalapit sa'kin.
" Excuse me guys, Maiwan ko muna kayo pupuntahan ko lang si daddy,"
" Sure, kanina ka pa hinihintay non ni tito," Ashley.
Ngumiti na lang ako bago tumalikod para iwan ang mga kaibigan.
" Lets go," baling ko sa katulong at pinauna itong maglakad.
Nang makarating ako sa kinaroroonan ng daddy ko ay agad naman itong ngumiti ng makita ako.
" Here you are my princess," Malambing na sabi sa'kin ni daddy.
" Hi, Dad, Sorry kung ngayon lang ako nakababa ah," Sambit ko bago humalik sa pisngi nya.
" It's okay, Naging busy din ako makipagusap sa mga bisita,"
Ngumiti na lang ako sa sinabi nya at tumingin sa mga kasama nya.
" By the way baby, This is Mr and Mrs Chua, they are one of our investors and this is Mr, Curtis one of the directors of D S' Corp. Hindi mo pa sila na me-meet dahil sa ibang bansa sila nakatira, Buti nga't nakapunta sila ngayon sa party," Pakilala ni daddy sa mga kausap nya.
" Hi, I'm Shanaia Cuevas, The vice president of D S' Corporation," Nakangiting Sambit ko sa mga pinakilala sa'kin ni daddy bago ko inilahad ang isang kamay para makipagkamay sa mga ito.
Ngumiti naman ang mga ito at tinanggap ang pakikipagkamay ko.
" Steven hindi mo naman sinabi sa amin na napakaganda pala ng prinsesa mo," Nakangiting sabi Mrs, Chua sa daddy ko.
" Well, kanino pa ba sya magmamana syempre sa pogi nyang daddy," Nakangising pagyayabang naman ni daddy na ikinatawa ng lahat.
" Ilang taon ka na ba iha?," Tanong naman sa'kin ni Mr, Curtis.
" I'm 23 years old po, Mr, Curtis," Magalang na sagot ko sa matanda.
" Wow, She's very young," Sambit naman ni Mr, Chua.
" At sya ang dahilan kung bakit napasok ng D.S' Corp. ang Thailand," Nagmamalaking sambit ni daddy.
"Really, I thought you're the one who closed the deal in thailand," Mr, Curtis said.
" No, My princess did,"
" Congratulations, iha," Bati naman sa'kin ng mag asawang Chua.
" You should be proud of your daughter Steven," Nakangiting sambit naman ni Mr, Curtis.
" Of course, I'm so proud of her and because of that i have an announcement, Excuse me for awhile," Sambit ni daddy sabay tayo at pumunta sa tabi ng emcee.
Natataka man ay nag hintay na lang ako sa kung ano man ang announcement ng daddy ko.
" Excuse me, Ladies and gentlemen.." Sambit ng emcee para makuha ang atensyon ng mga bisita matapos itong kausapin ng daddy ko.
" Mr, Cuevas has an announcement, Let's give him a round of applause," Sambit ng emcee sabay magalang na ibinigay ang microphone sa daddy ko.
Nag palakpakan naman ang lahat ng bisita sa paligid.
" First of all, Thank you for coming to our party celebration," Panimulang sambit ng daddy ko.
Muling nag palakpakan ang mga bisita.
" Ladies and gentlemen, I just want to announce, That my daughter is the new President and CEO of Doble S' Corporation," Sambit ng daddy ko sabay lahad ng kamay para maituro ako.
Natuon naman sa akin ang lahat ng atensyon ng mga bisita habang malakas na pumapalakpak. Habang ang mga reporters naman ay itinutok sa akin ang mga kamerang dala nila.
Oh my god! hindi ko akalain na ganito kaaga ipagkakatiwala agad sa akin ni daddy ang posisyon na iyon.
" What a beautiful daughter... Come here in front Miss, Cuevas," Narinig kong sabi ng emcee.
Gulat man ay pinilit ko pa ring ngumiti at maglakad papunta sa tabi ng daddy ko.
" Thank you, Dad," Sabi ko sa daddy ko ng makalapit ako sa kanya.
" I know you deserve that position my dear,"
" Thank you so much," I said and hugged him.
Matapos kong yakapin ang daddy ko nakangiting humarap naman ako sa camera at sa mga bisita.
" You may want to say something to our guest, Miss Cuevas.... Especially to Mr Cuevas," Sambit ng emcee sabay abot ng mic.
Nakangiting kinuha ko naman iyon.
" Well ... First of all... I am also thankful to all of you for coming here to our party celebration, I hope you enjoy the party..... And for my dear father who always taken care of me and loved me, Thank you so much dad for believing I am worthy of this position. I will never disappoint you..... And for the investors and directors who are here tonight.... I will make sure to all of you that, I'll do everything I can to grow Double S" Corporation even more.... And from now on, I will take the D.S' Corporation to the different countries in the world,"
Malakas silang nagpalakpakan at nag sigawan meron ding mga sumipol.
"Congratulations, Miss Cuevas," Bati ng mga taong lumapit sa'kin.
Ngumingiti at nag pasalamat naman ako sa mga iyon.
Nang matapos na ang announcement ay muling nag kasayahan na ang lahat.
" Excuse me, Dad, Pupuntahan ko lang yung ibang bisita," Paalam ko sa daddy ko.
" Sure, Go ahead my dear,"
Tumango lang ako at nag simula ng maglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
Habang nag lalakad nasalubong ko naman sina Zack, Kharlo at Luiz.
" Hi, Gorgeous," Nakangiting bati sa'kin ni Luiz.
" Hi, Buti nakarating kayo,"
" Masyado kang malakas samin para hindi pumunta," Zack.
" Well, Thank you for that," I said smiling.
" Wow, Your beauty is really incomparable, Shanaia," Kharlo.
" Bolero ka pala," Natatawang sambit ko.
" No, You're really beautiful," Seryosong sabi naman ni Luiz.
" Akala ko ba pangit na ako sa paningin mo,"
" Ngayong gabi ka lang maganda, bukas hindi na," Nakangising sabi nya.
" Ewan sayo," Sambit ko sabay irap sa kanya.
Tumawa naman ang mag pipinsan dahil sa pag irap ko.
" By the way, Nasaan si Cain," Tanong ko sa mga ito. Nang mapansin kong hindi nila kasama si Cain.
" May tinapos lang na meeting sa Alpuerto Empire, Pero papunta na sya ngayon dito." Kharlo.
Tumango na lang ako.
" Zack... Here,"
Napalingon kami sa taong tumawag kay Zack.
" Oh, It's Chance, Andito na pala sila," I said and walk towards them.
" Hey, Sam, Ba't nakasimangot ka dyan?" Sambit ko kay Samantha ng makalapit ako sa kinaroroonan nila.
" Okay naman yan sya kanina eh, Ewan ko.. ba't biglang nagkaganyan yan," Nag tatakang sabi ni Lyka.
Magkakasama kasi sila nila Sam sa iisang table.
Nag tatanong ang mga mata kong tumingin kay Chance. Nag kibit-balikat lang ito kaya napabuntong hininga na lang ako.
" Congratulations, Shai, You are the new President and CEO of D.S' Corporation," Nakangiti nang bati sa'kin ni Samantha.
" Talaga, Ikaw na ang bagong presidente ng D.S'?! Congratulations," Zack.
" Wow, At the young age, Naging presidente kana ng isang kompanya," Kharlo.
" Yes, That's why we're so proud of her, Sobrang layo nya na talaga sa dating Shanaia na puro kalokohan lang ang alam," Lyka.
" I'm so proud of her too, And I'm proud of myself because that woman is mine,"
Napalingon kaming lahat sa boses na nag salita. It was cain's voice, and he was staring at me.
" You already here, kanina pa kita hinihintay," I said.
He walked closer to me and he quickly kiss me in my lips.
" I'm sorry, Baby, May biglaang meeting kasi sa Alpuerto Empire kaya ngayon lang ako nakarating," he said after he kissed me.
" Okay lang, naging busy rin naman kasi ako kanina,"
" Congratulations to your promotion, Baby, I'm so happy for you,"
"Thank you," Sabi ko sa kanya sabay hilig ng ulo sa balikat nya.
" I miss you, Baby," Malambing na sabi nya.
" How sweet bro, Parang hindi ikaw," Natatawang sambit ni Zack.
" Inggit ka lang," Nakangiting sabi naman ni Cain.
" Mag girlfriend ka na rin kasi para hindi ka na mainggit Zack." Kharlo.
" Makapagsalita ka, Eh, isa ka rin namang walang girlfriend," Zack.
Nag tawanan naman ang lahat sa sinabi ni Zack.
" Cain kailan mo sya ipapakilala kay Tito at sa mga elders?" Chance.
" Soon... Very soon.. " Nakangising sambit ni Cain.
" Mukhang may kasalan nanaman kaming dadaluhan ah," Kharlo.
" So, Ako naman ang mag ba-bridesmaid sa kasal mo Shai," Samantha.
" Ay, Gusto ko yan, Ang ganda-ganda ko pa naman maging bridesmaid.. Di ba Love," Maarteng sambit naman ni Lyka sabay hawak sa braso ni Bryan.
" Hindi ba masyadong maaga kung mag papakasal na sila agad?! Eh, Di ba kailan lang naging sila," Ashley.
" Wala sa tagal ng pagsasama yan.. kung gusto mo na talagang makasama habang buhay ang taong mahal mo, Gagawin mo talaga agad yon." Seryosong sabi naman ni Chance.
" Lakas makahugot bro, ah," Zack.
" Because, I'm madly inlove to my dear wife, Right hon," Nakangiting baling ni Chance kay Samantha.
" Wag nga ako, naiinis ako sayo," Sambit ni Samantha sabay pitik sa noo ni Chance.
" Aray ko naman.... Akala ko sa kama ka lang sadista, in real life din pala," Pabirong sabi ni Chance.
" Wiiild.... Mukhang masaya yon ah," Halos magkasabay na sabi ni Kharlo at Zack bago tumawa ng malakas.
" Well... Masaya talaga.." Mayabang na sabi naman ni Chance.
" Mga manyakis," Natatawang sabi ni Sam sabay batok kay Chance.
Dahilan para mag tawanan ang lahat.
Naiiling na lang kami ni Cain sa usapan ng mga kasama.
" Baby si Luiz," Mahinang bulong ko kay Cain.
Napansin ko kasing hindi nakikihalubilo sa kasiyahan si Luiz.
Sumulyap naman si Cain kay Luiz.
Simula ng halikan ako ni Luiz sa reception, alam kong hindi na muling nag usap pa ang mag pinsan.
" Luiz, Are you okay?! Kamusta ka na?" Tanong ni Cain kay Luiz.
" I'm fine, Bro," Nakangiting sagot naman ni Luiz.