SHANAIA POV
" MIRA, Can we talk?"
" No,"
" Please..."
Napatitig ako sa gwapong mukha ni Luiz.
Nasa tapat kami ngayon ng condo unit ko kagagaling ko lang sa office ng mga oras na yon.
Simula ng makita ako ni Luiz sa reception noong kasal ni Samantha ay hindi na ako tinantanan ng binata pinipilit nyang ako ang fiancee nya. Hindi ko na nga lang sinasabi kay Cain ang about sa pangungulit sa'kin ni Luiz dahil ayokong magkagulo sila.
" Ano pa bang kailangan mo sa'kin Luiz? Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi ako si Mirajane... Shanaia Cuevas ang pangalan ko at hindi ako ang fiancee mo,"
" I know..." Malungkot na sabi nya.
" So, Ano pa ang dapat nating pag usapan?"
" I just want to say sorry," Nakayukong sabi nya.
Naaawa ako kay Luiz dahil sa sobrang pagmamahal nya don sa Mirajane nya na tinakbuhan lang sya ay napagkamalan nya tuloy na ako ang pinakamamahal nyang fiancee.
Bumuntong hininga ako.
" Fine, Get inside.." Sambit ko at binuksan ang pintuan ng condo unit ko.
Dumeretsyo akong kusina para maikuha si Luiz ng maiinom.
" What do you want to drink? Water or beer?," Sigaw ko. Medyo malayo kasi ang kitchen ko sa living area kung nasaan si Luiz.
"Beer please...." Sigaw din nya.
Kumuha naman ako ng dalawang beer sa ref bago naglakad papunta sa sala nakita kong nakaupo na si Luiz sa sofa at nakatingin sa dereksyon ko.
" Pasensya na kung beer ang naialok ko sayo imbes na juice or coffee hindi pa kasi ako nag go-grocery,"
" It's okay hon-, Sorry, I mean Miss Cuevas, Mas gusto ko ring beer ang inumin,"
" Shanaia na lang, Masyadong formal ang Miss Cuevas. Alam mo ako din mas prefer ko pang uminom ng mga inumin na nakakalasing kesa sa mga juice or coffee,"
" So, Lasingera ka pala," Pabirong sabi nya.
" Hmmm... Maybe," kunyaring nag iisip pang sabi ko.
" Lasingero din ako eh," Natatawang sabi nya.
" Edi, Parehas tayong lasingero," Sambit ko bago mahinang tumawa.
" You really looks like her.." Seryosong sabi nya.
" Mag kamukha ba talaga kami?,"
" Yeah, Sa kilay, sa mata, sa ilong, sa labi, sa lahat... Para kayong identical twins. Even... your smile... " Malungkot na sabi nya.
" How about attitude? Anong ugali meron sya ?"
" She's very kind, modest and sweet,"
" Well, Lahat ng yon wala sa'kin. Magkamukha lang kami pero hindi kami magkaugali. Masyado kaya kung ma-attitude,"
" At lasingera," Natatawang dugtong nya sa sinabi ko.
" Lasingero ka rin naman ah..." Natatawang sabi ko rln sa kanya.
" But, Seriously.. May kakambal ako pero hindi ko alam kung identical kami or not. Itinago kasi lahat ng picture namin noong bata pa kami."
" Really.. Why? And where is she?"
" She died long time ago, At dahil sa pagkamatay nya, nagkaroon ng trauma ang mommy ko.. hindi sya pweding makakita ng mga bagay na makakapag-paalala sa kakambal ko dahil baka bigla na lang sya mag hysterical. And until now she's still sick,"
Malungkot na tumingin ako sa kanya.
" I just feel frustrated.. Imbes na ako ang inalagaan nya, ako tuloy ang nag aalaga sa kanya. I know it's bad to feel like this but... I just want to feel her love... Her care for me... Bakit kailangan na magkaganoon sya nang dahil namatay ang kakambal ko... Hindi lang naman ang kakambal ko ang anak nya.. I'm also her daughter... " Umiiyak ng sabi ko sa kanya.
" Hey, Don't cry... Magiging okay din ang mommy mo," Sambit nya at hinawakan ako sa kamay.
"F*ck, I'm so selfish," Naiinis na sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
"No You're not, because you just want to experience being taken care of by a mother,"
" Pero lahat nang pag mamahal at pag aalaga ibinigay sa'kin ng daddy ko.. Parang feeling ko tuloy ang sama-sama ko sa daddy ko dahil sa mga nararamdaman ko,"
" Of course not, Sobra nga siguro ang pagmamahal at pag-aalaga na binigay sayo ng daddy mo pero syempre hahanapin mo pa rin ang pag-aalaga at pagmamahal ng mommy mo dahil yun ang bubuo sa iyo"
"Wow, Ang galing mag advice ah," Natatawang sabi ko.
" Ito naman seryoso tayo pareho eh, tapos babanat ka ng ganyan," Natatawa naring sambit nya.
Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng loob ko kay Luiz. Nasabi ko tuloy sa kanya ang mga bagay na hindi ko masabi sa iba kahit na sa mga malalapit kong kaibigan. Ewan ko ba... Parang may kung ano sa mata nyang nagsasabi na okay lang na maglabas ako ng totoong nararamdaman ko, Namaiintidihan nya lahat ng sasabihin ko. Ang weird lang!
"Ang drama na kasi masyado, Nasisira ang ganda ko...,"
"Well, Oo nga... Ang pangit mong umiyak, Si Mira kasi ang ganda-ganda pa rin pag umiiyak kahit pa puro sipon na sya sa mukha,"
"Puro sipon sa mukha??!!! Yuuuck..! Ang baboy mo," Pairap kong sabi sa kanya.
" Yuck ka din kasi ang pangit mo pag umiirap," Sambit nya sabay tawa ng malakas.
" F*ck you, Ang ganda ko kaya... Kaya nga ako ang napagkamalan mong fiancee mo eh,"
"Pwes, Hindi na ngayon, Nagkamali ako.. Ang pangit mo," Nang aasar pa rin na sabi nya.
" Ang yabang nito.. Ang pangit mo rin kaya..."
" Mas pangit ka,"
Nag asaran pa kami at nag tawanan ng ilang sandali bago may narinig akong tumawag sa cellphone ko. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng bag kong gamit kanina. Nakita kong si Cain ang tumatawag kaya sumignal agad ako kay Luiz na kailangan kong sagutin ang tawag.
Tumango naman ito.
" Hello, Baby..." Sagot ko sa kabilang linya.
" Hi, Baby... How's your day?? Pasensya na kung ilang araw na tayong hindi nag kikita ah... Masyado kasi akong busy sa Alpuerto Empire,"
" It's okay, Baby.. Busy din naman ako sa company namin,"
" Oh, I heard, May nasarado kang close deal sa Thailand,"
" Yeah, Balak ko na kasi talagang ilabas ang mga negosyo namin sa ibang bansa. So, sa Thailand ang unang hakbang ko para palawakin ang Doble S' Corporation sa ibang bansa,"
" I'm happy for you baby.. Congratulations..."
"Thank you...By the way, Baby. We have a party celebration at the mansion tomorrow, I want to invite you,"
" Sure baby, Pupunta ko,"
" Are you sure ? Alam mo na.. My family is there and ang alam ko may mga media na pinapunta si daddy... Ready ka na bang malaman ng buong mundo na ako ang girlfriend mo?"
" Of course, Baby, And i have surprise for you tomorrow,"
" What surprise? "
" Edi hindi na surprise yon pag sinabi ko sayo,"
"Ewan sayo..."
"Basta baby tomorrow you will know, Sige na baby, i have to go.. i loveyou, Bye,"
" I loveyou too, Bye,"
Beep... Beep.. Beep..
" So, What now...?" Tanong ni Luiz nang makabalik ako sa sala.
" Ikaw.... Gusto mo pa bang dagdagan yan?" Sambit ko sabay turo sa bote ng alak na hawak nya.
" Nope, Next time na lang siguro tayo mag inuman, Baka mamaya gahasain mo pa ako pag nalasing ako" Nakangising sambit nya.
" Ang kapal talaga.." Pairap na sabi ko sa kanya.
Tumawa lang sya..
" Ahmm, Naalala ko hindi pa pala ako nakakapagsorry sayo dahil sa panungulit ko simula nung sa reception,"
" Wag mo na isipin yon. Wala na sa'kin yon. Alam ko namang mahal na mahal mo yung fiancee mo kaya nagawa mo yon,"
" Thank you, pangit,"
" Your welcome, Pangit "
Mahina syang tumawa sa sinabi ko.
" Shanaia, Can we be friends?,"
" Nag biruan at nag tawanan na tayo kanina hindi pa ba kaibigan ang tawag mo don?," Mataray ko kunyaring sambit sa kanya.
" Gusto kong marinig sayo mismo,"
" Haynako, Mag pinsan nga kayo ni Cain.. Yes, Oo naman, Friendship na tayo.. Okay na... Happy...?!!"
Natawa na lang sya at tumango bago nag lakad na palabas ng condo ko.
" By the way, Luiz, May party celebration bukas sa mansion namin, Punta ka ah..?!" Yaya ko sa kanya ng makarating kami sa labas ng condo unit ko
"Sige," Nakangiting sabi nya.
" Invite them too," Tukoy ko sa iba pa nyang pinsan.
" Sure, Bye..." Paalam nya sa'kin at naglakad palayo.
" Bye, Take care.." Pahabol kong sigaw sa kanya.
Nakita kong itinaas nya ng kanang kamay nya kaya napangiti ako.
That man, There something on him.
Nag kibit-balikat na lang ako at pumasok na sa loob ng condo ko.
.