Magdamag akong inalagaan ni Max. Sobrang saya ko dahil mayroon akong kaibigan na handang mag-alaga sa akin.
Oo kaibigan, kaibigan lang talaga.
Kita ko ang kanyang maamong mukha na nakasandal sa aking bedside table. Lumambot ang aking puso dahil sa kanyang effort kagabi. Tutok talaga siyang magbigay ng pagkain sa akin pati na ang gamot. Hindi ko alam pero I feel bad because i was so rude to him.
Max is somehow a kind of person na hindi ka talaga titigilan hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.
Maya maya ay agad akong bumangon sa aking higaan dahil mag uumaga na. Tiningnan ko ang orasan sa aking tabi at nakita kung alas singko na ng umaga. Okay naman ang aking pakiramdam salamat sa nurse kong si Max.
Paghahandaan ko siya ng almusal para makabawi at magpasalamat sa pag-aalaga niya sa akin kagabi. agad ako pumunta sa kitchen at inihanda ang mga sangkap na gagamitin ko sa pag luto ng almusal. Ang lulutuin ko ngayon ay sinangag at adobo. Hindi naman sa pagmamayabang magaling ako magluto ng mga ulam. dati kasi ay tinuruan ako ng aking ina na sa pagluluto. Palagi niya akong kasama sa kusina sa pagluluto kaya naman ay natututo ako kahit papaano.
Ilang oras lamang akong nakatambay sa kusina ay sa wakas tapos na akong nagluto. Napangiti ako sa nakahanda sa lamesa, sana ay magustuhan niya ito dahil malaki ang aking effort dito.
" Good morning, Michelle. Okay ka ba?" nag-aalalang tanong ni Max sa akin na ikinangiti ko.
"Good morning din. Yes po okay lang po ako. Kain na may inihanda akong almusal sa iyo. Pasasalamat sa pag-alaga mo kagabi sa akin. Maraming Salamat sobrang na-a-appreciate ko lahat nv ginawa mo," saad ni Max at ngumiti. Lumapit ito sa akin at sobrang laki ng ngisi niya.
" Mukhang masasarap ang niluto mo," saad niyang nakangiti sa aking mga niluto.
"Oo naman, tikman mo na para iyan sa iyong lahat."
Nanlalaki ang kaniyang mga mata at tila ba nagkislapan ito.
"Wow! Talaga? Sa akin lahat ng ito?" namamanghang tanong niya sa akin.
"Oo naman, kaya ubusin mo lahat ng yan ah!" seryosong saad ko sa kan'ya.
"Uubusin ko talaga lahat ng ito!" excited njyang saas sa akin..
Ilang minuto lamang ay nagsimula kaming kumain. Napangiti ako dahil sobrang gana niyang kumain. Halos lahat ng ulam ay kinain niya. Hindi man lang ito nag hinay-hinay kaya napapailing ako.
"Maghinay-hinay ka namang kumain!" sita ko sa kaniya.
"Sobrang sarap!!" sigaw niya sa akin at napangiti ng malapad. Napangiti ako sa kaniya.
Ilang minuto lamang kaming nasa hapagkainan. ng matapos na kami. Lahat talaga ay ubos niya kaya natutuwa ako. Siya na rin ang nag-insist na hugasan lahat ng pinggan dahil binusog ko siya ngayon.
"Sana palaging ganito araw-araw. Gusto kong palaging matikman ang luto mo," ngiti niyang saad sa akin.
"Hindi naman iyon puwede, ano ka siniswerte?" natatawang tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang naman makalusot sana," natatawang saad niya.
"Puwede naman," saad ko sa kaniya.
"Talaga? Paano? Sabihin mo nga sa akin.
"Syempre maging kasintahan muna kita," kindat kong saad sa kaniya na nagpanganga sa lalaki. Natawa ako dahil sa kaniyang ekspresyon.
"Nagbibiro lang ako," natatawang saad ko sa kaniya dahil nakatulala na lamang ito. Napakurap-kurap ito sa akin.
"Hindi ka nagbibiro, I'll take that as a truth. Liligawan na kita sa ayaw o sa gusto mo," seryoso niyang saad sa akin. Umiling-umiling lamang ako sa kaniya dahil wala naman akong magagawa ipipilit lamang niya ang gusto niya.
"Masiyado ka namang aggressive," saad ko sa kaniya na ikinatawa niya.
"Hindi ba puwedeng gustong-gusto lang talaga kita?" tanong niya sa akin.
"Ano ang katangian ko na gusto mo? Paano mo ako nagustuhan?" tanong ko sa kaniya. Sumeryoso naman ang kaniyang mukha at napaiwas ng tingin.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ba ikaw nagustuhan. Na-realize ko lang sa aking sarili na gustong-gusto kitang makita araw-araw simula noong dumating ka rito," saad niya sa akin na ikinangiti ko.
"Hindi ba ikaw iyong lalaking nakikita kong tingin ng tingin sa akin habang ako ay nasa dagat? Naalala ko noon kasama mo pa nga si Hanz, eh. Ganoon ka na ba ka-obsessed sa akin Mr. Max?" tukso kong tanong sa kaniya na ikinamula ng kaniyang pisngi. Humalakhak ako dahil doon.
"Why are you laughing?" singhal na tanong niya sa akin.
"Are you blushing?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ah!" saad niya sa akin at tumalikod.
"You are! Namumula meaning kinikilig!" tukso ko sa kaniya.
"I am not blushing, Rose. You are so malicious!"
Mabilis pa sa alas kwatrong nag-iba ang kaniyang ekspresyon. Naging seryoso ito ngunit hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkapula. Pinipigilan ko ang pagngiti ko baka kasi mapiikon ito sa akin, mahirap na. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya kinabahan ako. Napangisi siya nang makita akong naiilang sa kaniya. Napakurap-kurap ako sa kaniyang ginagawa.
"W-What are you doing?" kinakabahang tanong ko sa kaniya ngunit hindi man lang ako nito pinansin. Hanggang sa ilang centimeter na lamang ang pagitan namin sa isa't-isa kaya napapikit ako ng mariin.
"Relax, honey," malamig niyang saad sa akin. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil doon.
"A-anong balak mong gawin?" tanong ko sa kaniya at tinitigan sa kaniyang mga mata. Tila ba ang mga mata nito ay parang nangungusap kaya naliliyo ako. Napakagat ako sa aking labi dahil doon. Nakakapanlaglag naman kasi ng panty ang titig niya ni hindi ako makahinga ng maayos.
"Wala naman, gusto lang kitang-" Bigla ko siyang pinutol?
"A-ano? Gusto mo akong anuhin?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Ramdam ko ang t***k ng aking puso dahil doon. Hindi siya nagsalita ngunit papalit ng papalit ang kaniyang mukha sa akin. Ako naman ay napapaatras ngunit nang makapunta ako sa pader ay agad akong kinabahan.
Napapikit na lamang ako dahil hindi ko na alam kung paano pa ako makakaalis sa harap niya dahil na-corner na niya ako. Hinintay ko kung ano ang gagawin niya ngunit ilang segundo lamang ay may narinigna akong halakhak . Napakunot ang aking noo at agad na napamulat. Kita ko ang tumatawa niyang mukha at nakahawak pa sa kaniyang tiyan ang kaniyang kamay na para bang sumasakit ito sa sobrang halakhak. Napasimangot ako sa kaniya at inirapan siya.
"Letse ka!" sigaw ko at binato siya ng aking tsinelas.