Kakauwi ko lang sa aming apartment since magkatabi lamang ang apartment namin nila Max at Hanz ay kasabay ko silang umuwi.
Napapikit ako ng mariin dahil napaghahalataan kami ni Max kanina. Napahilot ako sa aking ulo nang maalala ang nangyari kani-kanilang.
Habang papauwi na kami ay todo asikaso si Max sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero isa lang ang masasabi ko, naiilang talaga ako sa pinaggagawa niya. Kita ko ang pagngisi ni Lisa sa amin.
" Uy! Ano iyan ha?" ngising tanong ni Lisa sa amin.
"Wala, ikaw talaga Lisa napaka malisyoso mo parang tinutulungan lang ako eh," irita kong saad sa kaniya. Ngunit ngumisi lamang ito.
Kanina pa kasi ako pinagsasabihan ni Max na siya na raw ang magbibitbit ng nga dala ko dahil baka mapano pa raw ako at alam niya ring pagod ako. Ako naman ay todo tanggi sa kaniya dahil kaya ko naman.
Hanggang sa naki-agawan pa siya. Pinipilit niyang sa sasakyan niya ako sasakay. Kaya wala kaming choice kung 'di ay sundin siya dahil hindi talaga kami makakaabot sa apartment kapag hindi siya sinunod. Napakagago.
Si Hanz naman ang nag-drive kay Lisa kaya ayos na rin iyon. Magkaka-moment sila. Pilit din akong kinakausap ni Max kanina ngunit hindi ko man lang siya pinapansin dahil naiinis ako sa kaniya. Letse siya.
Tunog na malalakas ng aking telepono ang pumukaw sa aking atensiyon. Magpapahinga na sana ako ngunit may isturbo na naman.
Napairap ako nang makitang si Max pala iyon. Kaagad kong sinagot ang tawag niya.
"Rose? Okay ka lang ba riyan? If you need something else, don't hesitate to call me, okay?" malambing niyang saad sa akin na ikinamula ko. Kahit nakakainis siya hindi pa ko pa ring maiwasan na kiligin sa mga kunting kilos niya.
"Hm. O-okay na ako, huwag kang mag-alala."
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"I'm sorry if makulit ako ngunit nag-aalala lamang ako lalo na't may nangya—" Agad kong pinutol ang kaniyabg sasabihin.
"Shh! Stop na. Alam ko na, let's forget about it kahit ngayon lang. Magpapahinga pa kasi ako."
Natawa siya sa aking sinabi. Totoo naman kasing magpapahinga ako anong nakakatawa roon? Minsan ang babaw ng kaligayahan nitong lalaking ito.
"Parang hindi ka naman, " pipi kong saad sa aking sarili na ikinangiwi ko.
"Okay, bye na. Magpahinga ka na," saad niya sa akin. Kaagad akong tumango kahit hindi niya nakikita at nag-bye.
Mabilis akong humiga sa aking kama at napangiti ng matamis. Ewan ko ba parang siya ang babae sa amin dahil kung maka-stick ito sa akin ay wagas. I mean dapat 'di ba palaging nadikit ang babae sa lalaki dahil siya ang nakauna sa kaniya ngunit baliktad ang nangyari sa amin. Si Max ang dikit ng dikit sa akin. Napailing na lamang ako sa aking naisip.
Napapikit na lamang ako at nagpahinga.
Hindi ko namalayan ang oras, maggagabi na pala. Ilang oras din akong natulog. Kanina pa ako nilalamig kaya gano'n. Hindi an rin ako nakapagbukas ng ilaw kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga ito. Napapikit ako sa liwanag para bang nag-a-adjust ang aking mga. mata sa ikaw kaya sobrang napapikit ako.
"Damn! Ang sakit ng ulo ko," saad ko sa aking sarili. Kaagad akong nagtalukbong at napapikit ulit. Mayamaya ay mahihinang katok ang pumukaw agad sa akin. Napahilamos ako ng mukha dahil maglalakad na naman ako papuntang sala para pagbuksan ang tao sa labas.
Damn it!
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sofa at marahang binuksan ang pintuan. Sa pagbungad ko ay nakangiti g Max ang nakita ko.
"P-Pasok ka," wika ko sa kaniya. Mabilis akong humiga sa sofa dahil sobra talaga akong nahihilo na hindi ko maintindihan. Gawa siguro ito sa pagod sa outing kanina.
Nag-aalala niya akong tininganan.
"Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha kaya napangiti ako ng matamlay.
"T-totoo ba itong pinapakita mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"Oo naman bakit mo na tanong?"
"W-wala lang para kang babae ang kulit mo. Pumunta ka pa talaga rito para kulitin ako," ngisi kong saad sa kaniya.
"May lagnat ka ba?" tanong niya sabay dampi ng kaniyang palad sa aking noo. Hinayaan ko na lamang siya.
"M-mainit ka! Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin kaya napailing ako. .
"WHAT? Alas otso na! Mabuti na lang at narito ako kung hindi—"
"Shh! Tahimik sumasakit ang ulo ko sa ingay mo," inis kong saad sa kaniya ngunit napailing-iling lamang ito.
.
"Diyan ka lang magluluto lang ako ng sopas."
"You know how to cook?" tanong ko sa kaniya.
"Oo namab since I was a child, tinuruan ako ng mommy," saad niya sa akin.
Mabilis siyang umiwas at pumunta na sa kitchen area para magluto ng sopas. Tinitingnan ko lamang ang galaw niya as if nasa cooking chef siya. Napangiti ako ng matamlay dahil seryoso ito sa paghihiwa kaagad niya namang akong tiningnan at kumindat.
Mabilis akong napapikit at natulog na lanang ako dahil sa kaniyang ka-cutetan. Ilang minuto lamang ay natapos siya sa pagluto.
"Pasalamat ka nariro ako, kung hindj wala sigurong laman 'yang tiyan mo hanggang bukas," saad niya sa akin.
"Maraming salamat," wika ko at kukunin na sana sa tray ang aking kutsara ngunit tinapik lamang niya ang aking kamay. Napakunot ako ng noo dahil doon.
"Ba-bakit? Akala ko ba akin ito?" tanong ko sa kaniya at nagtatakang nilingon siya.
"Susubuan kita," seryosong saad njya sa akin na ikinatanga ko.
"No need kaya ko naman," saad ko sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako pinansin ..Kinuha niya ang aking kutsara at sabay na nagsandok ng sopas . Inihipan muna niya ito bago isinubo sa akin.
Bakit napaka-sweet ng lalaking ito. Napangiti ako sa aking sarili. Napakagwapo na napaka-sweet pa. Kinikilig ang aking kaibutaran dahil sa ginagawa niya.
Ilang beses niya akong sinubuan, aayaw na sana ako dahil baka naiinip na siya ngunit napursigi talaga siyang ubusin ko ang niluto niya.
" Masarap?" tanong niya sa akin na ikinangisi ko.
"Hindi masarap," saad ko na ikinalungkot ng ekspresyon niya.
"Dahil sobrang sarap!" saad ko sa kaniya kaya nawala agad ang lungkot sa mukha niya at napalitan ito ng pagngisi.