Rose's POV
Nagising ako dahil sa lamig na nanunuot sa aking kaibuturan. Napayakap ako sa aking katabi na alam ko namang si Lisa iyon dahil siya naman talaga ang katabi ko sa tent. Medyo napakurap-kurap pa ako dahil medyo blur ang aking paningin. Napasiksik ako sa kaniya at bigla akong nagitla nang maamoy ko ang isang panlalaking amoy na nanunuot sa aking ilong. Napahawak din ako sa mga braso niyang malalaki.
I-It was like a stone sa sobrang tigas. Napapikit ako ng mariin at napamulat. Kita ko ang natutulog na lalaki sa aking harapan.
Oh my God! Bakit siya nandito? Napatingin ako sa ilalim ng kumot at laking gulantang ko na ni isa ay wala akong kasaplot-saplot. Shuta? Anong nangyari kagabi?
Napapikit ako ng mariin tila ba inaalala ang lahat ng nangyari sa akin. Agad na sumiraw ang alala sa aking isipan. Iyong paghalik ko una kay Max at pagpatong ko sa kaniya, lahat-lahat ay naalala ko na. Uminit ang aking pisngi dahil doon. Gustong kong sumigaw ngunit hindi ko magawa. Mahimbing na mahimbing ang tulog ng lalaki kaya ginamit ko na iyong oras para makapagpalit ako. Mabilis akong nakapagbihis at agad na lumabas sa tent. Napahinga ako ng maluwag para bang malalagutan ako ng hininga dahil sa loob at pag-iingat na hindi siya magising.
Napatampal ako ng aking noo dahil sa nangyari kagabi.
" Ang tanga - tanga mo talaga, Rose! " pipi kong saad sa aking sarili.
Sa paghakbang ko ay biglang kumirot ang aking pang-ibaba. Nagpaikang-ikang papuntang dagat para makapagtampisaw. Iyon lang ang paraan para ma-relax at mawala ang pagkirot ng aking pang-ibaba.
Dahan-dahan akong lumubog sa malamig na tubig. Madaling araw pa lang kaya wala pang katao-tao sa beach. Napalingon ako sa tent kung saan naroon sina Hanz at Lisa. Kumusta na kaya sila? Sana ay mahimbing ang tulog nila kagabi kung hindi ay naloko na. Baka narinig nila akong umuungol sa sarap kagabi. s**t .
Wala na akong maihaharap na mukha sa kanila lalo na kay Max. Ano ang sasabihin ko? Hindi ko alam ang kung ano ang sumapi sa aking katawan kaya nagawa ko iyon? Napahawak ako sa aking sentindo at kaagan lumubog sa tubig. Gusto ko nang mawala na parang bula. Nakakahiya talaga!
Nagulat ako nang may humawak sa aking beywang at kaagad akong inangat. Bigla tuloy akong napaubo at napainom ng tubig. s**t! Sino ba itong isturbong 'to? Kita mo namang nag-mo-moment ako!
" Nababaliw ka na ba? Magpapakamatay ka ba? " nag-aalang tanong ng lalaki sa akin. Napahilamos ako ng mukha at kita ko si Max na sobrang takot na takot ang ekspresyon. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya .
" Ano? Hindi ako baliw at hindi ako magpapakamatay! Ano bang pinagsasabi mo riyan? " inis kong tanong sa kaniya.
" H-ha? Akala ko kasi nagpapalunod ka! " saad ni Max sa akin.
" Gago ka ba? Bakit ko naman gagawin iyon? Nawala lang virginity ko pero hindi ibig sabihin no'n kikitilin ko na ang buhay ko!" Napalingon ako sa kaniya . Kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi at taing . Na-realize ko rin naman ang sinabi ko sa kaniya.
Wala na talaga akong ginawa kung 'di ipahiya ang aking sarili sa harap niya. Damn it.
" Uh. About kagabi, Rose— " Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.
" I'm sorry, puwede bang hindi mo na natin iyon pag-usapan? " saad ko sa kaniya na ikinatango niya.
" S-sige kung kailan mo gusto roon na lang natin siya pag-usapan. Pasensiya na," saad ni Max at hindi makatingin sa akin.
" KYAHHHH!"
Rinig namin ang sigaw ni Lisa. Kaagad naman itong lumbas sa tent at nagtatalon-talon.
" Oh my Gosh! Bakit ako nasa tent mo?" tanong ni Lisa sa papalabas na si Hanz. Kamot-kamot niya ang kaniyang ulo at nag-inat-inat pa ito.
" B-bakit nasa loob ako ng tent mo?" tanong ulit ni Lisa sa kaniya. Boring siyang tiningnan ni Hanz.
" Hindi dapat ikaw ang tanungin ko riyan! Bakit ka nasa tent namin ng kaibigan ko? Siguro lumipat ka sa akin at tumabi, ano? ? Anong ginawa mo sa akin?"
" Tanga! Wala akong ginawa sa iyo. Ganiyan talaga ako minsan nag - s - sleep walking ! Wala naman akong kaalam-alam na lumipat pala ako sa iyo!" sigaw ni Lisa sa kaniya.
Agad kaming umahon sa dagat at lumapit sa kanilang dalawa . Kanina pa kasi sila nagbabangayan . Naku ! Mabilis kong hinawakan si Lisa dahil sisipain na sana niya si Hanz.
" Kaya pala sobrang higpit ng yakap mo sa akin," ngising saad ni Hanz kay Lisa.
" Aba't gago ka ! Syempre malamig, kaya yayakap talaga ako. Hindi ko naman alam na ikaw iyon, akala ko si Rose ang katabi ko!" wika ko sa kaniya.
" Tumigil na nga kayong dalawa!" singhal ni Max kaya napatikom sila ng bibig.
"Ano bang deal kung magkatabi kayo? Okay lang naman iyon, mahimbing pa nga ang tulog niyong dalawa eh," saad ni Max sa kanila. Napaiwas naman ang dalawa ng tingin sa isa't-isa. Halatang ayaw makipagbati.
" Aalis na nga lang tayo rito ganiyan pa kayo. Mag-sorry kayo sa isa't-isa," saad ko naman sa kanila.
" Aba! Bakit naman ako mag-so-sorry sa kaniya—" Mabilis kong pinutol ang kaniyang sasabihin.
" Huwag ka nang magdada, mag-sorry na lang kayo para matapos na," saad ko kay Lisa.
" Sorry," saad ni Hanz sa kaniya. Kita ko ang pagyuko nito at pamumula ng kaniyang tainga.
" Sorry rin," wika naman ni Lisa.
Napabuntong hininga ako sa kanila at inalis na ang pagkahawak kay Lisa. Nakakainis parang nga bata, mabuti nga magkatabi lang sila, ako nga nawala ang virginity. Napatingin ako kay Max, kita ko ang pagtitig niya sa akin kaya agad akong napairap sa kaniya.
" Bwisit!" bulong ko sa aking sarili.
" Mas mabuti pang kumain na tayo ng almusal," saad ko sa kanila.
Lahat naman ay tumango at nagsikuhaan ng kanilang mga bag . Iniwan muna namin ang aming tent doon dahil wala namang kukuha noon.
Nang makarating kami sa isang resto ay kaagad kaming nag-order ng almusal. Mayroon din kasing kainan itong beach, hindi lang tinatao ng mga tao dahil hindi pa naman kasi summer ngayon. May iilan lamang ang pumapasok ngunit bilang lang.
Nag-order kami ng iba't-ibang mga pagkain na swak sa aming panlasa. May hotdogs, bacons, tocino, salad, adobo, itlog at iba pa. Nakakatakam ang mga nakahain sa mesa.
Kaagad kaming nagdasal, matapos no'n ay nagsandok na kami ng aming pagkain.
" Kumusta ang tulog mo? Saan ka natulog, Rose?" tanong na bulong ni Aira sa akin. Napalingon ako sa kaniya at napangiwi.
" Malamang sa kabilang tent, lumipat ka kaya ng ibang tent. Inaswang mo si Hanz 'no? Ayan! Pakalasing pa kasi," saad ko, it was by realization na iyong sinasabi ko ay patama na rin sa sarili ko .
" Gaga! Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Sino ang kasama mo sa tent? Si Max?" tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin .
" H-Hindi. Sa may duyan siya natulog."
Para bang hindi ito naniniwala sa akin at inusisa pa ako.
" Weh? Talaga? Sure ka ba riyan? Parang hindi naman iyan ang totoo eh, magkatabi ba kayo ni Max?" bulong na tukso ni Lisa sa akin kaya napairap ako sa kaniya.
" Anong binubulong-bulong niyo riyan?" tanong ni Hanz sa amin kaya napalingon kami sa kanila. Napangisi naman ako.
" Wala naman, tinatanong ko lang kay Lisa kung kumusta ang kaniyang tulog kagabi," pekeng ngiti kong saad sa kanila.
" Mukhang maganda ang tulog niya malamang," saad ni Hanz sa amin.
" Aba! Asa ka!" singhal sa kaniya ni Lisa kaya napatawa na lamang kami sa kanilang dalawa. Ang kulit lang kasi.
" Okay na ba ang pakiramdam mo? " tanong sa akin ni Max. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad, napapatunaw ng kinain. Ang dalawa naman ay naligo muna dahil malagkit daw ang kanilang katawan. Si Lisa naman pinipilit na sinasabi sa amin na may virus daw ang katawan niya kaya kailangan niyang maligo to wash it away .
" Okay naman ako ah," nagtataka kong saad sa kaniya.
"Iyong pang-ibaba mo, hindi ba masakit? Nakita ko kasing paika-ika ka kaninang umaga," saad niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.
"BASTOS!" singhal ko sa kaniya na ikinabigla niya naman.
"I'm just asking, Rose. Wala namang big deal iyon sa akin, gusto ko lang namang alamin kung okay ka lang at hindi kita binabastos," kalmadong saad nito sa akin. Napairap ako sa kaniya.
"Puwede na ba nating pag-usapan iyong nangyari kagabi?" tanong niya sa akin na ikinailing ko.
" Siguro kalimutan na lang natin ang nangyari kagabi," saad ko sa kaniya at mag-wa-walk out na sana nang hilahin niya ako.
"No, I want you be your boyfriend. Papanagutan ko ang nangyari sa ating dalawa. Alam kong ako ang nakauna sa iyo kaya I will take responsibility sa'yo," saad ni Max sa akin ngunit napailing lamang ako. Hindi kasi gano'n kadali, I mean hindi pa ako fully healed sa sakit sa aking nakaraan kahit papa'no masasabi kong hindi pa ako handang buksan ang sarili ko para sa ibang lalaki.
"No, kung kailangang ligawan kita ay gagawin ko. Ayaw kong kalimutan ang nangyari sa atin kagabi, Rose," saad ni Max sa akin. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. Halata sa kaniya ang pagkaseryoso at pagkapusrsigidong makuha ang oo ko.
"Max, hindi pa natin kilala ang isa't-isa, may nakaraan akong hindi ko pa malimot-limot and I'm moving on. Hindi ko pa kayang sumabak sa pag-ibig gayong iyan ang nagpasakit ng aking puso at kalooban. Hindi pa ako handa," saad ko sa kaniya at umiling.
"I will wait, sasamahan kita na hanapin ang purpose mo sa buhay. Hindi kita iiwan, pangako," saad niya sa akin kaya napatawa lamang ako.
"Huwag kang mangako, Max baka mapako lang iyan. I'm sorry pero ayaw ko, kaya ko na ang sarili ko," wika ko sa kaniya at umalis na.
Umupo ako sa duyan at tumingin kina Lisa at Hanz na naglalaro sa buhanginan. Para itong mga bata dahil nagtatayo ito ng sand castle.
"Rose! Halika rito! Huwag kang mag moment-moment diyan para kang tanga! Samahan mo kaming magtayo ng sand castle, dali!" sigaw sa akin ni Lisa kaya napatango ako.
"Ano ba 'yang sand castle niyo? Parang hindi naman 'yan palasyo!" bungad kong saad sa kanila. Napasimangot silang dalawa at napairap sa akin.
"Sige, ikaw nga ang gumawa, parang expert ka rito ah," wika ni Lisa sa akin. Kung hindi lang nila alam, sa sobrang pagkagusto ko sa beach ay natuto rin akong gumawa ng sand castle Noong bata ako ay nanalo pa nga ako ng first place eh.
"Watch me!" saad ko sa kanila at gumawa ng sariling sand castle. Napatunganga na lamang sila sa akin dahil alam na alam ko ang ginagawa ko. Ilang minuto lamang ang nakalipas ay natapos ako. Nagpalakpakan din sila at namamanghang tiningnan ang castle ko.
"See? Sino ngayon ang hindi marunong?" tanong ko sa kanila.
"Wow! Ikaw na , Rose! Lugi kami sa iyo mahilig ka kasing pumunta sa Beach eh, marunong ka rin ba mag-surfing?" interesadong tanong sa akin ni Lisa. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Marunong ako sa lahat ng bagay pag tungkol sa beach ang usapan. Palagi ba naman akong nakatambay sa beach. Halos lahat nga siguro ng beach sa ibang lugar ay napuntahan ko na. Marami rin akong natutunan dahil sa experience ko.
"Grabe ikaw na talaga ang talented! Marunong ka rin ba mag snorkeling?" tanong ni Hanz sa akin.
"Yup!" saad ko sa kanila. Namamangha naman akong tiningnan ni Hanz at napangiti na lang.
"Grabe! Bilib na ako sa iyo, Rose. Ang dami mong alam at talento. Pareho kayo ni Max, sobrang talented din iyon," ngiting saad ni Hanz na napatingin sa duyan. Napalingon kami kay Max kumaway si Hanz sa kaniya, ngumisi lamang ito.
"Gaya ng ano?" tanong ni Lisa sa kaniya.
"Lahat naman ata alam no'n," saad niya sa amin. Agad na binatukan ni Lisa si Hanz kaya matalim ng lalaki siyang tinitigan.
"Ng ano nga?" tanong ulit ni Lisa.
"LAHAT NGA!" singhal naman ni Hanz sa kaniya.
"ANO IYONG LAHAT?" tanong ni Lisa.
"Lahat ng nakapaloob sa Multiple Intillengence!" saad ni Hanz sa kaniya kaya napailing na lamang ako.
"Ewan ko sa iyo, Hanz! Nakaka-i-stress ka! Bwisit!" wika ni Lisa sa kaniya.