Chapter 3

1226 Words
Maaga akong nagising at nag ayos ng apartment. Nilinis ko muna ang dingding at pininturahan ito ng color white. Pagkatapos ko sa wall ay s sinunod ko naman ang ceiling, sunod ay ang cr. Alas 3 ng hapon nang ako’y natapos sa paglilinis. Kumain muna ako ng merienda at nagpahinga. After ko kasing magpahinga ay pupunta naman akong dalampasigan para manuod ng sunset at maligo na rin. I prepared my things and then went to the beach. As I was walking and drinking my tea, I accidentally bumped by someone. The tea splashed on his uniform. “Oh my Gosh! I’m sorry Sir,” I apologetically said. “Okay lang miss,” tugon naman ng nakabangga ko. He was wearing a uniform of a police officer. Inabot ko sa kaniya ang aking panyo para mapunusan ang mantsa ng aking tea sa uniporme niya. “Oh no, Im fine,” sabi niya sa akin. “Hindi, okay lang gamitin mo iyan,” pagpupumilit ko sa kaniya. “Sige salamat, saan pala punta mo?” tanong ng ekstranghero sa akin. “Pupunta akong beach, maliligo at manunuod na rin ng sunset,” ngiti kong sab isa kaniya. Maya-maya ay tinitigan niya ako ng napakatagal, para ba’ng sinusuri niya ako. Nagulat ako nang bigla siyang pumitik gamit ang kaniyang daliri. “Ah! Oo nga, ikaw yung hero ni Max!” Ha? Sinong Max? Ang weird naman nitong pulis na’to. “Ah ano pala, I’m a bit lost. May malapit ba na department store dito? Kanina pa kasi ako naghahanap at wala akong makita” tanong ko sa kaniya. “Ah, malapit lang iyon dito. Just go straight from here, turn right at that green house, then left and you’ll see a restaurant, turn right again after that.Gustuhin ko mang Samahan ka kaso on-duty ako ngayon e. Sorry.” Mahaba niyang sab isa akin. “Okay lang. No need na Sir. Thanks. See you!” At agad akong umalis. Straight, turn right, left, restaurant and turn right ulit. Okay! After a minutes na paglalakad ay sa wakas nahanap ko na rin ang Department Store. Salamat naman. Namili ako ng dinner ko para mamaya, after kong mamili ay pumunta na ako sa beach para maligo. Hindi ko man lang natanong iyong pangalan ng lalaki kanina. Cute pa naman siya. “Landi naman Rose,” bulong ko sa aking sarili at natawa. Nakarating na ako sa beach at nilatag ko na ang aking mga gamit. Ang ganda talaga ng scene, kaya gustong-gusto ko talaga dito e lalo na kapag sunset. Sunset is my mom’s favorite, palagi kaming napunta sa dagat noong bata pa ako para mapanuod lang ang paglubog ng araw. Staring out beyond the sea and watching the sun slowly disappear, I become present enough to not only realize but also appreciate the symbolism of a sunset. Sunset made me aware of the simplicity and beauty of life. Sunset is my reminder that yes indeed everything will be alright. As it disappears, so do our problems. It’s a new opportunity to become a better you and at the end of the day—we’re always given the chance to start over again. To live for another sunset. That’s why I always want to see sunset always. Hinubad ko ang aking top at short at nagsimula nang maglangoy. I also love the sea, you know why? Because sea is the symbolism of calmness and peace. It also moves us, shapes us, and support us. It reminds me of being purposeful because I believe that even the smallest pebble of the ocean floor has a purpose, I really hope I find mine. Hay nako, napapapreach na naman ako sainyo. Maggagabi na nang umahon ako sa dagat. Nararamdaman ko na rin ang malamig na ihip ng hangin. I wear my top and short then proceed to fix my things. Hingal-hingal akong nakauwi sa aking apartment. Ang layo ba naman kasi ng aking nilakad pero worth it naman. Nakasalubong ko si Aling Nerisa sa labas at binati ko rin siya. “Magandang gabi Aling Nerisa,” “Magandang gabi naman iha, galing ka ba sa dagat? Aba’y magiingat ka iha, madami pa namang masamang tao sa paligid natin,” paalala niya sa akin. “Opo. Meron din naman akong dalang pepper spray.” Nilabas ko ang aking pepper spray sa aking bulsa at pinakita sa kaniya. “O siya, pumasok ka na sa iyong silid at baka malamigan ka,” turan niya sa akin. “Sige po. Maraming salamat. Pumasok na rin ho kayo.” Napakabait talaga ni Aling Nerisa, pareho sila ni Mom. Pumasok na ako ng aking silid matapos kung makita na nakapasok na rin si Aling Nerisa sa silid niya. Napangiti ako sa aking sarili. Kung buhay lang sana sina Mom, masaya sana kami ngayon, hindi sana ako nag-iisa. Nagluto ako ng paborito kong adobo at nagsaing. Habang ako ay kumakain ay nasa harap ko naman ang aking laptop at gumagawa ng panibagong account sa f*******:. Inadd ko roon ang aking mga matalik na kaibigan sa kolehiyo at si Auntie. Maya-maya ay nag pop-out ang isang notification na nagsasabing meron akong isang friend request. Tiningnan ko ito at binasa. “Hanz Young wants to be friends with you.” Inistalk ko muna ang kanyang profile pero nakalock ito. Tiningna ko ng maagi ang kanyang profile at alas! Iyong lalaki pala kanina. Paano naman niya nalaman ang aking pangalan? Ang weird talaga niya. Inaccept ko ang kaniyang friend request at nagpatuloy sa pagscroll sa f*******:. “You have 1 new message.” Inopen ko ang message at nakita kong si Hanz pala iyon. “Goodevening.” Iyan ang laman ng message niya. “Goodevening din. Papano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?” I asked. Typing siya. Tagal naman magreply. “May pangalan kasi sa panyong binigay mo. Kaya naisip ko na isearch iyon sa f*******:, luckily I found you. Hindi ko kasi alam kung paano ibalik ‘tong panyo sa’yo.” Mahaba niyang paliwanag sa akin. Kaya pala. Akala ko may sa manghuhula na siya eh o kaya pinaimbistigahan ako. Ang OA ko na. “Ah, ganoon ba? Bukas mo nalang isauli pupunta rin naman akong beach ulit, Sige Goodnight na,” reply ko sa kaniya. “Sige. Goodnight!” he also replied. Actually, hindi pa naman ako inaantok, ayaw ko lang na pahabain ‘yong pag-uusap namin. Hindi ko kasi ugali na magbabad sa chat lalo na kapag gabi. Nilibot ko ang aking tingin sa aking apartment, malayo na ito sa dati niyang itsura. Dati ay parang walang kabuhay-buhay ngayon ay lively na siya. I painted the wall white and a touch of blue. Nagdikit din ako sa wall ng mga pictures ng sunset, pictures namin nila Mom, Dad at Aunt and my friends when I was in college. Nagsabit din ako ng pixie lights sa wall to make it more beautiful. Pinalitan ko rin ang aking bedsheets at unan. I also bought a study table and a full-size mirror on Lazada. My favorite spot is at the corner written there is my favorite verse “Jeremiah 29:11”. I smiled, the thought that I made it by myself is achievement. Nakakaproud lang. Matapos akong mag half bath ay sinara ko na ang ilaw at humiga sa aking kama. Maaga pa kasi ako bukas dahil mamasyal ako sa bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD