9 am ng umaga nang makarating ako sa Mall, karatig-bayan ng tinutuluyan kong apartment.
I went to salon to trim my hair and bought some clothes and swimsuits na rin and after that I went to my favorite fast-food chain, Mcdonalds. I ordered my favorite fries, burger, and a piece of spicy chicken with rice.
While I’m eating, I received a message from Andrei. I was shocked, I opened the message and read it.
“Hello Rose. First of all, I want to say I’m sorry for what I’ve done to you. I know you can’t forgive me easily but let me talk and see you. I want to explain everything to you. I went to your apartment, and you are not there. Please reply. I love you.”
Matapos kong basahin ang kaniyang message ay napabuntong hininga ako. Should I reply to him? Does he deserve a chance to explain himself?
“No, he doesn’t!” sabi ng aking pride.
“Just let him explain, para na rin sa closure niyo ‘di ba?” sabi naman ng aking konsensya.
“Mamaya na ako magdecide, patapusin niyo muna akong kumain,” bulong ko sa aking isipan.
Matapos akong kumain ay pumunta ako sa Starbucks to buy a coffee and doon na rin ako tumambay. I am contemplating whether I replied to Andrei or not. I am not yet ready to face him baka masampal ko lang ulit siya. Bigla akong nagulat ng magring ang aking cellphone, Andrei is calling. Nanigas ako at hindi ko alam ang gagawin, tinitigan ko lang ito’ng nagriring hanggang sa mawala.
Napagdesisyonan kong magreply sa kaniya. Hindi para makipagkita kung ‘di para tigilan na ako at humingi ng time sa kaniya. Hindi pa kasi ako handa para marinig ang explanation niya. Nagsimula na akong magcompose ng aking message para sa kaniya.
“Hoy Andrei! ---- Ay hindi, erase-erase,” sabi ko sa aking sarili.
“I am not yet ready to face you. Please give me some time to think and heal. Don’t you ever find me because I am in a far place to move on.” I replied to him.
After a second, he replied.
“I won’t bother you Rose promise. I will wait for the time you are ready. I love you so much and I’m sorry.”
Madali lang naman pakiusapan si Andrei, he was very kind and masunurin ‘pag dating sa akin. He loved me so much kaya nga hindi ko matanggap na niloko niya ako at pinagpalit sa ex-best friend kong maldita at spoiled brat na si Dianne. Hindi na ako nagreply sa kaniya at dinilete ko na rin ang number niya.
Kapag ready na ako ay ako mismo ang cocontact sa kaniya para humingi ng closure but now I don’t think I can do it. Nandito pa rin iyong sakit at trauma sa akin. Oo, mahal ko pa rin siya but I know my worth. I won’t stay to someone who hurt me, ayaw kong maging martir at tanga. I am not like that.
I sipped my coffee at pumikit. Pinipilit kong hindi umiyak, I pitied myself. Hindi ko deserve ang maloko. Wala akong ginawang mali, at naging maintindihin naman akong girlfriend, pero bakit ganito ang nangyari? I was drawn by my thought hindi ko alam na may tao na pala sa aking harapan. I composed myself and tiningnan siya.
“Hello, pwedeng makiupo? Wala na kasi bakanteng table, lahat ay puno na. If you don’t mind?” pakiusap ng babae sa akin.
She was wearing a top and a skirt. Ang cute niya, tingin ko kaedad ko lang ito.
“Wala naman. Sige upo ka na.” Pag-aaya ko sa kaniya. Ngumiti siya ng matamis at nagpasalamat sa akin.
“Ako nga pala si Lisa. Ikaw?” tanong niya sa akin.
“Hi! I’m Rose. I’m new here, bagong lipat, galling akong Manila,” reply ko sa kaniya.
“Wow! Pareho pala tayo. Galing din akong Manila, after kong gumraduate ay umuwi ako rito to handle my father’s business,I also have a flower shop and I was looking for a manager right now,” kwento niya sa akin.
“Sakto! I’m looking for a job. Pwede bang mag apply sa flower shop mo?” tanong ko sa kaniya.
“Oo naman! Hired ka na agad!” Nagagalak niyang sabi sa akin.
“Seryoso??” gulat kong tanong sa kaniya.
“Oo naman. You look kind naman at friends na tayo diba?” tanong ni Lisa sa akin.
“Ha? Oo naman.” Natatawa kong sagot sa kaniya.
Grabe itong babae na ito. Ang bilis magtiwala sa tao.
“Saan nga pala iyong location ng flower shop mo?” tanong ko sa kaniya.
“Hm, Katabi lang ng Cubi’s Home. Sikat na apartment diyan sa karatig-bayan.”
Nagulat ako. Sa Cubi’s Home ako nagrerent ng apartment. Ang galing naman. Malapit lang pala.
“Omg! Sa Cubi’s Home ako nakatira.” Excited kong sagot sa kaniya.
“Ako rin! I have my car outside, gusto mo’ng sumabay? Papakita ko na rin saiyo iyong flower shop ko,” naeexcite niya ring’ tugon.
“O sige. Tapos na rin naman akong mamili e.”
Nang matapos kami sa aming coffee ay umuwi na kami. Nakakatuwa at may nakilala akong kaibigan at may bunos pang bigay na trabaho sa akin. ‘Kay swerte ko naman ngayon.
Alas 4 ng hapon nang kami ay nakauwi sa bayan. Pumunta muna kami ni Lisa sa flower shop niya at nilibot ako roon. Ang ganda ng shop niya pati na rin ang mga bulaklak. Nakilala ko rin sina Jenny at Amelia na nagttrabaho rin doon. I signed my contract and I bid my goodbye to Lisa. Start ko na rin ng trabaho bukas.
Umuwi ako sa apartment ko at nakasalubong ulit si Aling Nerisa. Binati ko siya at kaagad ring nagpaalam. Nang makapasok ako sa aking silid ay kaagad akong humiga sa aking kama. Nakakapagod itong araw na’to para sa akin pero masaya naman kasi nakahanap ako ng kaibigan at trabaho. Kailangan ko kasing mag trabaho for my daily needs. Ayoko naming umasa kay Tita kasi matanda na rin naman ako. Mas maiigi na maging independent na ako.
Nagluto ako ng aking dinner, ginawa ang daily routine ko tuwing gabi at nagpahinga. Tomorrow is another day.