Chapter 5

1986 Words
Rose Maaga akong nagising dahil may trabaho pa akong dapat puntahan. Tapos na akong maligo at nag-ayos ng aking mukha. I am wearing a pants and a formal white blouse. Nakabun din ang aking buhok. I have to look presentable because this day is my first day. Lumabas na akong aking kwarto at dumiretso sa shop ni Lisa. Nang makarating ako sa Flower shop ay binati ako ng mga staff at pinapapunta ako sa office ng may-ari. I immediately went to the office, and I saw Lisa sitting on her chair. She was busy typing her laptop. “Goodmorning,” I greeted. “Oh my! Goodmorning friend!” she hapilly said to me. “Please take a sit,” patuloy niya. Agad ko namang sinunod ito. “Since today is your first day. Pwede ka naman muna mag observe-observe sa shop. Your schedule is 8:00 am until 12 am. You have 1-hour breaktime, then 1pm start and 3pm naman out mo.” “Okay Ma’am.” Bigla siyang nagulat at hindi ko alam kung bakit. “No! Don’t call me Ma’am. Call by my name or Friend nalang.” “S-sige Lisa,” nahihiya kong sagot sa kaniya. “Yannn. Pero much better kung Friend nalang. Total magkaibigan naman tayo diba?” Ngumiti siya ng napakalapad sa akin. Tumango-tango nalang ako sa kaniya na nangangahulugang sumangayon ako sa gusto niya. “Sige you can leave na, madami pa kasi akong tatapusing papers e. For now, observe ka lang muna kapag nabore ka ay pwede ka namang lumabas, beside it’s Saturday wala naman tao ngayon sa shop.” “Sige Lisa.” Tumayo na ako at lumabas ng office niya. Ang bait niya talaga sa akin. Isipin mo First day ko ngayon expected na magiging hassle ang araw ko turned out hindi naman pala. I decided to observe the shop half day lang. I must buy some groceries kasi wala na akong stock sa apartment. Totoo nga ang sinabi ni Lisa na walang masyadong tao ngayon. After ng out ko sa shop ay kumain na muna ako ng lunch sa isang karinderya malapit sa aking apartment. I went to my apartment to rest for a while at hindi na rin ako bumalik muna a shop. I texted Lisa na half day lang ako ngayon at she gladly said yes. Natatawa nga ako dahil tinanong pa niya kung gusto ko raw sa Monday na pumasokk. Pero sabi ko sa kaniya sobra-sobra na iyong offer niya sa akin at ayoko namang abusuhin siya. Hindi naman ibig sabihing magkaibigan kami ay pwede na akong umabsent kahit kailan ko gusto. Kung trabaho ay trabaho lang. Unfair kasi sa ibang employee kapag may favoritism na magaganap, something. I went to my bed and sleep, mamayang 3pm nalang ako mag-grocery. **** Magdadapit-hapon nan ang ako’y magising. Sabi ko ay 3pm ako mag-grocery pero nilamon ako ng kaantukan, buti nalang ay nagising ako sa ingay ng washing machine ni Aling Nerisa. Agad akong bumangon at naghilamos ng aking mukha. Dali-dali rin akong lumabas ng aking apartment. Nang makarating ako sa grocery store ay nakita ko si Hanz na namimili rin, so I approached him. “Hi.” Ngumiti ako sa kaniya. Bakas sa kaniya ang pagkagulat at natulala pa sa akin. “Hello?” winagay-way ko ang aking kamay sa harap niya. Bigla rin naman siyang natauhan. “H-hi!” nahihiya niyang sabi sabay kamot ng ulo. “Ano palang ginagawa mo rito?” patuloy niya. Lutang ba ito? Malamang mag-grocery! Tinaasan ko siya ng kilay na para bang pinapahiwatig ko na obvious ba? Mamimili ako ng grocery. Bigla naman niyang iniba ang topic. “Hindi ko pa pala naisusuli saiyo iyong panyo mo, pasensiya na hindi ko rin nadala ngayon.” “Okay lang. You don’t need to give it back to me. Marami rin naman akong panyo sa apartment,” natatawa kong sagot sa kaniya. “B-but,” Bigla kong pinutol ang sasabihin niya. “No. Really. Sayo nalang iyon.” Naglakad na ako para hanapin ang mga bibilhin ko. Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin. Bigla ko siyang nilingon. “May bibilhin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya. “W-wala na,” nahihiya niyang sabi. “Bakit mo pa ako sinusundan?” “Wala lang. Gusto ko lang,” saad niya at biglang ngumiti. Ang weird niya talaga. “Okay,” Matapos akong maggrocery ay inagaw niya ang basket sa akin. Wala naman na akong magawa kasi bitbit na niya. Dumiretso siya sa counter at ako naman ay hinabol siya. “You don’t need to carry my basket. Kaya ko naman eh,” I pouted. “Gusto kong makatulong. At isa pa magkaibigan na rin naman tayo, hindi ba?” Pansin ko lang ba’t kaya ang mga tao rito sa bayan ay napaka assuming. At dahil friendly naman ako ay tumango nalang ako sa sinabi niya. Matapos kaming magbayad sa cashier ay lumabas na kami sa store, bitbit niya ang dalawang plastic bag sa magkabila niyang kamay. Isa sa akin at isa rin sa kaniya. “Hatid na kita,” he said. “No, it’s okay. Kaya ko namang umuwi mag-isa,” sabi ko sa kaniya. “Sige na, mag gagabi naman na. Saan ba iyong apartment mo?” tanong niya. “Diyan lang kila Aling Nerisa.” Gumuhit ang pagkabigla sa kaniyang mukha at ngumiti ng napakalapad. Problema nito? “Sakto!! I also live there! Tara sabay na tayong umuwi,” he excitedly said at hinila ako para lumakad na. Aba naman. “T-teka lang—” binawi ko ang aking kamay sa kaniya. “Nag oo na ba ako saiyo?” Napakamot siya sa ulo at umiling-iling. “O hindi pa ‘di ba?” Agad siyang ngumuso at sinabing “Magkaibigan naman tayo eh. Kaya please sabay na tayo,” pagmamakaawa niya. Diyos ko naman, parang bata, naalala ko tuloy si Lisa. Maybe magkakasundo sila kapag nameet nila ang isa’t-isa. Wala na rin naman akong choice kaya napatango nalang ako. Habang kami ay naglalakad pauwi ay nakwento niya na siya ay isang ulila. Galing siyang bahay-ampunan pero nang nakapagtrabaho na siya ay hindi na siya umuuwi roon. Pero bumibisita pa rin siya roon kapag may libreng oras, lalo na kung tuwing Linggo. Kaya nga bumili na siya ng mga pasalubong sa mga bata dahil bukas ay pupunta siya roon. Namangha ako sa kabaitang niya. Naisip kong pareho kaming wala ng mga magulang pero napakaswerte ko pa rin because I have an auntie by my side pero siya wala. Agad naman akong nalungkot pero hindi ko nalang pinahalata sa kaniya. Nang makarating ako sa apartment ko ay laking gulat ko na magkatabi lang pala ang room namin. Siya pala iyong may ari ng nasa dulong room. What a coincidence. “Wow! Magkatabi lang pala tayo ng room!” gulat kong sabi sa kaniya. Bigla naman akong nasiyahan. “Oo nga eh! Ang galing.” Natutuwa niyang sabi sa akin. “Hmm, sige. See you tomorrow nalang. Una na akong pumasok,” paalam ko sa kaniya. “Sige. Goodnight Rose.” He winks at me then smiled. Agad namang uminit ang aking pisngi. “Gosh! Ang cute niya. Landi ko na naman,” bulong ko sa aking isipan. Bigla kong sinarado ang pinto para hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi. Napabuntong-hininga nalang ako at napapikit. Hanz Nang makapasok na si Rose ay pumasok na rin ako sa apartment. Nakita ko ang aking kaibigan na si Max na nanunuod ng NBA. Umupo ako sa kabilang upuan at kinwento na nakita ko at nakasabay ko pauwi si Rose. Sinabi ko rin na magkaibigan na kami. Bigla naman siyang napalingon sa akin. “Karoommate lang pala natin iyong hero mo, Bro,” pagpatuloy ko pa. Nagulat naman siya sabay bawi ng tingin. “Gano’n ba? Halika na at kumain na tayo.” Tumayo siya at pumunta sa lamesa para kumain. Problema ‘non? Sinundan ko siya at kumain na rin. Naglatag ako ng sarili kong pinggan at umupo na sa upuan. “Alam mo ba, Bro---” “Hindi ko alam,” pagputol niya sa sinasabi ko at kumain. Badtrip ata. “Seryoso nga. Ang ganda niya, Bro ‘no? Para siyang anghel na bumaba sa langit,” namamangha kong sabi sa kaniya. Totoo naman eh. Napakaganda ni Rose. Balak ko nga siyang ligawan kapag naging close na kami. “Tapos na akong kumain.” Tumayo siya, kinuha ang kaniyang pinagkainan at inilatag sa lababo. “Ikaw ngayon ang maghuhugas,” patuloy niya pa sabay walkout. Bigla akong napanganga? Napailing nalang ako at nagkibit-balikat. “Baka nireregla,” bulong ko sa aking sarili. MAX Pumasok ako sa aking kwarto at humiga. Nababadtrip ako at hindi ko alam kung bakit. Naiinis ako na natutuwa. Naiinis dahil nakilala na agad ni Hanz si Rose at ako ay hindi pa. Natutuwa namn dahil magka roommate lang pala kami. Gusto ko rin siyang maging kaibigan at mas makilala pa. After kasi ng insidenteng ‘yon ay hindi na kami nagkita pa. Baka nga nakalimutan na niya. Lumabas ako sa aking kwarto at nagpahangin sa labas. Maya-maya ay may nakita akong dalawang lalaking nakabonet na papasok sa building naming. I am not familiar with the two of them maybe they will visit their friends. Siguro isa ring umuupa ng apartment kagaya namin. Mag 11 na rin naman kaya pumasok na ako sa aming room. I went to cr to pee and after that I drunk some water, until I heard a noise outside. Nacurious ako kaya lumabas ako. ROSE Nagising ako nang marinig ko ang ingay sa labas ng aking sala. Para bang may naghahalungkat na gamit sa labas. Napaigtad ako nang makita kong parang sinusubukang buksan ang pintuan ng kwarto ko. Bigla akong kinabahan. “Pare, hindi ko mabuksan itong pintuan, kukuha muna ako ng matulis na itutusok ko rito para mabuksan,” bulong ng tao sa labas. “Sige pare baka sa kusina mayroon. Ako muna magbabantay dito. Bilisan mo baka mahuli tayo.” Natatakot na ako. Pinikit ko ang aking mga mata at nanalangin sa Diyos na sana ay hindi niya ako pabayaan. Unti-unti akong nagmulat at tumayo, pinakinggan ko muna kung may tao pa sa labas ng sala pero wala na. Maingat kong binuksan ang pintuan at nakita kong busy sa kakakalikot ng aking cabinet ang isang lalaking nakabonet. Nakatalikod siya sa akin ngayon kaya hindi niya ako nakita. Maingat akong naglakad para sana ay lumabas ng aking apartment, pero aksidente kong nasagi ang payong sa gilid at nagsimula itong bumagsak na nagsanhi ng ingay para lumingon iyong magnanakaw. Nanigas ako ako sa aking kinatatayuan. “Pare! Iyong babae tatakas!” sigaw ng lalaki. Lumabas din naman ang kasama niya mula sa kusina. Linakasan ko ang aking loob para makatakbo paalis ng aking apartment. Sa pagbukas ko ng pintuan ay may nabangga akong tao. Pagtingala ko ay isang matipunong lalaki ito. Hindi ko naaninag ang kaniyang mukha dahil madilim. “Okay ka lang, miss?” tanong ng lalaki sa akin. Unti-unting bumuhos ang aking luha. “T-tulong!” iyan lang ang aking nabigkas sa kaniya at muling humagulhol. Humahangos namang sumunod sa aming iyong dalawang nanloob sa aking apartment. Nagulat sila at napatingin sa lalaking kasama ko. “Dito ka lang,” sabi ng lalaki sa akin. Napaupo naman ako sa sahig at nanginginig sa takot. Biglang nilapitan ng lalaki iyong dalawa , sinuntok niya ang isa sa nanlabang lalaki. Isang kamao niya ay knockout na agad ito. Bigla niya namang tiningnan ang isa at nanginginig na ito sa takot. Tinaas ng lalaki ang kaniyang dalawang kamay at sinabing “Suko na ako!” Napangiti naman iyong lalaking nagsagip sa akin at pinusasan agad ang dalawa. Pinuntahan niya ako at sinuot sa akin ang kaniyang suot na jacket kanina. “Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?” nagaalala niyang tanong. Sinuri niya ang aking braso kung mayroon ba akong mga sugat. Pero umiling-iling lang ako. “S-salamat,” nauutal kong sab isa kaniya. “Rose!?” Napalingon kaming dalawa sa nagtawag sa akin. Nakita ko si Hanz na nagulat sa nakita niyang nakabulagtang tao sa sahig. “Ihatid mo iyang dalawa sa presinto. Susunod nalang kami saiyo,” utos ng lalaking nagsagip sa akin kay Hanz. Wala namang nagawa si Hanz kung ‘di ay sumunod. Dinampot niya iyong dalawa at may tinawagan sa telepono. Ako naman ay pumasok na rin sa apartment ko, kasama iyong nagsagip sa akin kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD