Chapter 6

1176 Words
Rose's POV "Okay ka lang?" tanong sa akin ng ekstrang-herong sumagip sa akin sa mga magnanakaw. Napatango ako sa kaniya at napayuko dahil naiilang ako. Grabe kasi ito makakilatis sa akin. Titig na titig ito na para bang kilalang-kilala niya ang pagkatao ko kung makatingin hindi man lang ito nailang. Samantalang ako ay ilang na ilang na sa kaniya. "May masakit ba sa'yo?" tanong niya pa. Napaiwas ako sa kaniya at napalayo. "O-okay lang ako," naiilang na saad ko. "P-pasensiya na, naiilang ka ba? Nag-aalala lang kasi ako. Ako nga pala si Max, isang police officer, matalik na kaibigan ni Hanz." Inilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. Maingat kong inabot ang kamay niya at napangiti sa kaniya ng tipid. "Rose. Rose ang aking pangalan, bago pa lang ako rito galing akong Maynila," wika ko sa kaniya. "Ah talaga, kumusta naman ang pag-stay mo rito?" tanong niya sa akin. Seryoso tatanungin niya ako ng ganitong bagay? Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Maganda naman dahil malapit lang sa beach na siyang gustong-gusto ko talaga dahil I am a swimmer. Kaso nakakatakot din pala rito maraming magnanakaw. Pati building o apartment ay nanakawan na, mabuti na lang at may ka-room mate akong pulis nasagip niyo ako. Maraming salamat sa inyo, Sir Max," ngiti kong saad sa kaniya. Napangiti siya ng matamis sa akin. Kita ko ang kaniyang dalawang dimple sa magkabilaang pisngi. Tila ba na-mesmerize ako sa kaniya. Pareho sila ng ex kong si Andrei- wait! Hindi ko pala siya dapat isipin dahil nag-mo-move on na ako. Pero in fairness mas pogi itong si Max, maganda pa ang hubog ng kaniyang katawan at yummy pa. "Excuse me? Rose? Natulala ka na ata," saad niya sa akin. Napakurap-kurap ako sa kaniya. Biglang uminit ang aking pisngi dahil doon. Oh my gosh! Ano ba 'yan bakit ba ako nakatulala sa kaniya? Nakakahiya tuloy. "Ah, I'm sorry. May naalala lang pala ako, pasensiya na," nahihiyang saad ko sa kaniya. Napakamot siya ng kaniyang ulo at umiling. "S-sige salamat pala sa pagsagip, mauuna na ako." Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang aking braso. Napakunot ang aking noo dahil sa ginawa niya. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Iimbitahan sana kita sa police station-" Hindi ko siya pinatapos at agad na nagtanong sa kaniya. "Huh? Bakit? Wala naman akong ginawang masama," katwiran ko sa kaniya. Natawa siya ng mahina sa aking reaksiyon. Imbis na mainsulto ako sa tawa niya ay para bang nahumaling pa ako rito. "Wala ka ngang ginawang masama ngunit kailangan ka roon para maglahad ng statement," saad niya sa akin. Napabuntong hininga ako. Imbis na maaga akong matutulog napurnada pa. Mayro'n pa naman akong pasok kinabukasan. "Puwede ka bang maanyayahan, Ms. Rose?" tanong niya sa akin. Napatango na lamang ako. "Kung gano'n humayo na tayo," saad niya sa akin. Kaagad ko siyang sinundan pababa. Naku naman talaga. Nang makalabas kami ay pumasok kami sa kaniyang magandang kotse namamangha ako. Mukhang mamahalin ito, siguro ang yaman niya. Hindi ko afford itong kotse, grabe! Pinagbuksan niya ako ng kotse kaya napangiti ako sa kaniya. Gentleman din pala ito. "Salamat," saad ko sa kaniya. "Walang anuman," ngiti niyang saad sa akin at pumasok na sa kaniyang kotse. Buong byahe ay tahimik lamang kami. Minsan ay sumusulyap-sulyap ako mabuti na lang ay naka-focus siya sa daan at hindi niya ako nahuhuli na tumitingin sa kaniya. Mas nakikita ko tuloy ng mas matagal ang mukha niya, napakinis ng kaniyang mukha, daig pa ang nag-i-skin care na babae. Matangos din ang kaniyang ilong at ang kaniyang pilik mata ay ang haba. Kinikilig ako dahil sa sobrang pogi niya. Makalaglag panty ang kaniyang kagwapuhan. Diyos ko, patawarin niyo ako dahil ganito ang naiisip ko. Napapikit ako ng mariin dahil sa aking naiisip. "Narito na tayo." Bigla akong nagitla dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa labas at kita kong nag-aabang si Hanz sa labas. Napatakbo siya papalapit sa aming kotse at napangiti. Mabilis niyang binuksan ang kotse ni Max at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Inabot ko naman ito at lumabas na sa koste. "Salamat, Hanz," saad ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at kumindat. "Walang anuman, kanina pa ako naghihintay sa inyo rito," saad niya sa amin. Pumunta agad kami sa presinto at nakita ko ang dalawang lalaking nakaposas at nakayuko. Nanlalaki ang aking mga matang nakatitig dito. "K-kayo?"gulat kong tanong ko sa kanila. "Kilala mo ba siya, Rose?" tanong ni Max sa akin. "O-oo, sila iyong nakikita kong nakatambay palagi sa building. Minsan nakakasabayan ko rin silang maglakad ngunit hindi ko na lamang sila pinansin," saad ko sa kaniya. "Mabuti na lang at nahuli itong dalawa, kung 'di kung ano pa ang nangyari sa iyo. Hayaan mo may kalalagyan itong dalawang lalaking ito," saad ni Max sa akin. Napatango ako sa kaniya at napangiti. "Salamat sa inyong dalawa, Hanz at Max. Kung hindi dahil sa inyo ay nanakawan na siguro o ako o mas worse nasaktan ako," wika ko sa kanila. "Huwag kang mag-alala, we're just only doing our job,"proud na saad ni Max sa akin. Kinuhaan naman nila ako ng statement at kinumpirmang iyon ba talaga ang nanloob sa akin. Mayamaya ay agad na akong ni-release at iyong dalawang magnanakaw naman ay kinulong na. "Sabay ka na sa akin, Rose," saad ni Hanz sa akin. Napatingin ako kay Max na nakatitig lang sa akin para bang sinasabi nitong huwag akong pumayag pero napa-oo na lamang ako kay Hanz. Baka kasi magtampo iyon, rinig kong napabuntong hininga si Max sa amin at agad na pumasok sa kotse niya. Mayamaya lang ay pinaharurot na niya ito. "Anong problema no'n?" tanong ni Hanz sa akin. Napakibitbalikat na lamang ako sa kaniya at napailing. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pumasok na ako sa mobile niya. Mabilis namang pumasok si Hanz at napatingin sa akin. Agad na kumunot ang kaniyang noo kaya nagtataka ako sa kaniyang ekspresiyon. Anong mayroon? "Seatbelt mo," saad niya at mabilis na lumapit sa akin para ikabit ang seatbelt ko sa katawan. Medyo nailang ako dahil sobrang lapit nito. Naamoy ko ang kaniyang pabango na sumusuot sa aking ilong. Ilang segundo lamang ang lumipas nang makalayo siya sa akin. Napahinga ako ng maluwag. "Ready?" tanong niya sa akin. Nagawa ko na lamang ay tumango dahil sa sobrang ilang sa kaniya. Nang makauwi kami ay kita kong nakaabang naman si Max sa amin. Nang makaparada si Hanz ay mabilis kong binuksan ang pintuan para sana kausapin si Max ngunit tumalikod na ito sa akin. Napabuntong hininga ako. Galit ba siya? "Pasok na tayo?" tanong ni Hanz sa akin. Napatango ako sa kaniya. "Goodnight, Rose. See you tomorrow," ngiting saad ni Hanz sa akin nang makaabot kami sa aming apartment. "Goodnight din, Hanz. Pasabi naman kay Max na goodnight din sa kaniya at salamat ulit sa inyong dalawa," ngiti kong saad at kumaway na sana kaniya. "Sige! Sweet dreams!" saad niya at pumasok na sa kanilang apartmet. Ako naman ay napailing, ilang pa lang ako rito sa Bicol ay marami na akong kilalang tao at masaya na ko roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD