Rose's POV
Masaya ako dahil sa pananatili ko rito ay marami akong nakikilalang mga kaibigan. Malaki ang naging pagbabago ko nang makapunta ako rito sa Bicol. Sana nga lang ay tuloy-tuloy na rin ang saya at sana rin hindi na ako guluhin pa ng nakaraan ko.
"Good morning!" masiglang bati sa akin ni Lisa. Napangiti ako sa kaniya at masigla rin siyang binati.
"Good moring din! Ang aga mo ata?" tanong ko sa kaniya.
"Syempre, nakakahiya naman kasi sa'yo dahil ang aga mo 'no," saad niya sa akin. Napatawa ako sa kaniyang sinabi. Ako kasi palagi ang nauuna sa shop niya at ako na ang nagbubukas noon.
"Huwag ka nang mahiya, may-ari ka naman ng shop na ito kaya kahit anong oras puwede kang pumasok," saad ko sa kaniya.
"No, I have to be fair sa mga employees ko, lalo na sa'yo gusto pa rin kitang tulungan isa B.F.F. na tayo hindi ba? Ang mag B.F.F. palaging nagtutulungan," wika niya sa akin. Napailing ako sa kaniya.
"Sige na nga," saad ko at binuksan na ang pintuan ng shop niya. Sabay kaming nag-ayos sa loob. Mayamaya ay nagitla ako nang agad siyang tumili sa gilid ko.
"OH MY GOD!" sigaw niya.
"A-anong mayro'n? Anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Nakita ko ang crush ko!" sigaw niya sa akin. Napalingon ako sa kaniyang tinitingnan, nang maaninag ko na ang dalawang lalaking naglalakad ay biglang nanlaki ang aking mga mata. Si MAX at si HANZ? Sino sa kanila ang crush niya?
"Saan diyan ang crush mo?" curious kong tanong sa kaniya.
"Ayan oh, si Hanz!" saad niya sa akin. Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang kaniyang sinabi, mabuti naman at hindi si Max. Bet ko kasi iyong Max, napangiti ako roon.
"Hoy! Anong mukha 'yan? Huwag mong sabihing bet mo rin si Hanz? Huwag ang Hanz ko Rose ah," masungit niyang saad sa akin.
"Naks! Hindi ko gusto si Hanz mo ano! Kahit lamunin mo na siya wala akong paki," irap kong saad sa kaniya.
"Aba! Ginaganyan mo na ang boss mo?" tanong niya sa akin. Napadila ako sa kaniya at mabilis na lumabas para tawagin sina Max at Hanz.
"MAX, HANZ!" tawag ko sa kaniya. Mabilis namang lumabas si Lisa sa shop at tumabi sa akin.
"Anong ginagawa mo? Nakakhiya, friend!" bulong niyang saad sa akin. Siniko ko siya kaya napa-aray ito. Ang O.A. niya kasi eh. Parang tinawag lang hindi ko naman sinabing crush niya si Hanz.
"Hello, Rose. Shop mo?" tanong ni Hanz sa akin.
"Naku hindi! Trabahante lang ako rito at kay Lisa itong shop," saad ko sa kaniya at napangiti.
"Nga pala, Hanz at Max this is Lisa," dagdag ko pa. Nag-shake hands naman agad sila at napangiti sa isa't-isa.
"Mukhang ikaw iyong palaging dumadaan sa station, natatandaan mo siya Max?" tanong ni Hanz kay Max. Kinilatis naman ni Max si Lisa at napatango.
"Oo nga, siya iyon!" saad niya.
"H-hindi ako iyon! Nagkakamali kayo," saad kina Hanz at Max.
"Ikaw iyon eh! Hindi ba, Bro?" tanong ni Hanz kay Max. Tumango naman ang lalaki.
"Baka nagkakamali ka lang Hanz, marami ang kamukha ni Lisa ako nga noong first time ko siyang nakita, napagkamalan ko siyang kaklase ko dati eh," saad ko sa kanila. Kita ko naman ang pagkamot niya sa kaniyang ulo.
"Hindi eh, pero sabagay baka nagkamali lang kami," saad ni Hanz sa amin at titig na titig talaga ito kay Lisa.
"Halika na sa loob, Lisa," saad ko sa aking kaibigan.
"Wait!" Napahinto kami nang hawakan ni Max ang aking braso.
"Yes?" tanong ko sa kaniya.
"Gu-gusto sana namin kayong yayain mag-beach sa weekend, puwede ba kayong dalawa?" tanong niya sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Lisa. Agad siyang napangisi sa akin at tumingin sa dalawang lalaki.
"Sure! Game kami riyan, hindi ba, friend?" tanong sa akin ni Lisa. Hindi naman ako makapag-react sa sinabi niya.
"Oo daw, sabi niya. Sige na mauna na kami sa inyo. Baka may duty na rin kayo sa station niyo. Bye! See you on Saturday!" masiglang saad niya sa akin at hinila ako papasok ng shop niya.
Sumilip kaagad siya sa labas kita ko ang dalawang lalaking papalayo na sa shop namin. Mabilis kong nilapitan si Lisa at tinapik siya sa braso.
"Ikaw talaga! Hindi pa nga ako nakakapag-agree eh," saad niya sa akin.
"Sus! Alam ko namang mag-oo ka, isa pa balato mo na sa akin ito, friend. Gusto ko kasing mapalapit kay Hanz!"
Napairap ako sa kaniya at hinayaan na lang siya. Nagsimula akong maglinis at mag-arrange ng bulaklak.
"Uy, friend, sorry na! Ikaw naman," saad ni Lisa sa akin at sinundot-sundot ako. Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya.
"Okay lang, isa pa wala naman akong choice kung 'di sumama. Hindi naman ako papayag na ikaw lang ang babae roon," saad ko sa kaniya.
"O.M.G.! Salamat, friend! You're the best talaga! Kaya gustong-gusto kita eh!" masiglang saad niya at mahigpit akong niyakap. Napairap ako sa kaniya at napangiwi.
"Ang O.A. na Lisa," saad ko sa kaniya.
"Sus! Ang K.J. mo talaga kahit kailan!" singhal niya sa akin at napairap. Hindi na lang ako umimik dahil sa sinabi niya. bahala siya riyan.
Ilang oras din kaming busy dahil marami kaming costumers na nagsisibilihan ng mga bulaklak.
"Mukhang ang benta ng bulaklak dito sa Bicol ah," saad ko kay Lisa.
"Oo naman, mga mahilig kasi ang mga tao rito sa bulaklak. Alam mo bang araw-araw kong costumer iyong isang kaibigan ni Hanz," saad niya sa akin.
"Si Max?"
"Oo iyon nga, araw-araw siyang bumibili ng bulaklak dito, nagtataka nga ako baka kako may jowa na iyon. Dahil sa kaniya nakilala ko si Hanz," kinikilig niyang saad sa akin. Napasimangot ako dahil sa kaniyang sinabi. Mukhang may girlfriend na siguro ang aking crush. Kainis naman, minsan lang ako magla-crsuh iyong taken pa. Napairap ako sa hangin.
"Uy! Anong expression 'yan ha? Mukhang may gusto ka ata kay Max, 'no? Bakit nakabusangot ka?" tanong ni Lisa sa akin.
"W-wala ah," saad ko sa kaniya at umiwas ng tingin.
"Sus! Mukhang may crush ang aking friend kay Max! Huwag kang mag-alala sa Sabado, tatanungin natin si Max kung may girlfriend na siya,"tuksong saad niya sa akin.
"Huwag ka ring mag-alala sasabihin ko kay Hanz na may crush ka sa kaniya!" ngisi kong saad kay Lisa. Napasimangot ito sa akin.
"Huwag ka ngang ganiyan, friend! Sekreto lang natin iyon!" saad niya sa akin. Natatawa naman akong tiningnan siya. Ano ka ngayon ha?
Mag-aalas kwatro na ng hapon at kanina pa ako tingin ng tingin sa labas. Naramdaman kong siniko ako ni Lisa kaya napalingon ako sa kaniya. Napakunot ang aking noo dahil sa ginawa niya.
"Sinong inaabangan mo?" ngisi niyang tanong sa akin.
"W-wala naman. Alis ka nga kita mong nag-a-arrange ako ng mga bulaklak eh," saad niya sa akin.
"Asus! Kunwari ka pa, mamaya pa iyon bibili kapag out nila, siguro by this time naglalakad na iyon papunta rito," saad niya sa akin.
Napaismid naman ako sa kaniya.
"Sino ba ang tinutukoy mo? Wala akong hinihintay ano," saad ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at tumingin lamang sa kaniyang relo.
"Narito na siya, in 3, 2, 1."
Narinig namin ang tunog ng chimes sa pintuan. Sabay kaming napatingin sa pintuan na bumukas. Nagulat naman ako nang makita si Max kasama si Hanz. Totoo nga, narito siya. Napakurap-kurap ako sa kaniya.
"Hello," bati niya sa akin.
"Hi, anong k-kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.
"Ah! Isang boquet nga nga ng bulaklak," saad ni Max sa akin. Mabilis ko namang kinuha ang kaniyang tinuro at binigay sa kaniya,
"I-iyon lang ba?" tanong ko sa kaniya. Tumango ito at ngumiti sa akin.
"Salamat, mauuna na kami," saad nito sa akin.
"Bye, Rose and Lisa!" saad naman ni Hanz sa amin at kumaway-kaway.
Napahinga ako ng malalim dahil doon. Iyon lang? Gano'n lang? Hindi man lang sila tumambay nito?
"Ano? Disappointed ka?" tanong ni Lisa sa akin.
"Hindi ah," saad ko sa kaniya at umirap.
"Sus, halatang-halata naman sa ekspresiyon mo. Gano'n talaga siya," saad ni Lisa sa akin.
"Bakit parang kilalang-kilala mo siya?" tanong ko sa kaniya.
"Syempre naman, palagi kaya siyang kinukwento ng mga tauhan ko. Sinasabi ko sa iyo marami kang kaagaw kay Max!" saad niya sa akin.
"Mabuti hindi ka nagkagusto sa kaniya," saad ko.
"Like duh! Hindi ah, loyal lang ako kay Hanz bebe love ko!" saad niya sa akin at napa-flips hair pa.
"Arte nito. Riyan ka na nga!" saad ko sa kaniya at nagsimula nang ayusin ang mga bulaklak.
"Magsasara na tayo?" tanong niya sa akin.
"Oo, boss. Anong oras na oh," saad ko sa kaniya.
"Ay! Oo nga pala, sorry naman po BOSS," natatawang saad niya sa akin.
Ayaw na ayaw niya kasing sinasabihan siya ng boss. Mas prefer niyang sa pangalan niya o kaya friend lang. Ilang minuto lang ay sinarhan na namin ang shop.
"Mag-iingat ka pauwi," saad ko sa kaniya.
"Oo naman, goodnight, friend!" wika niya sa akin at kumaway na. Pumasok siya sa kaniyang kotse at napabusina sa akin. Unti-unti niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan at umalis na. Mabilis naman akong pumasok sa building namin at pumasok sa aking apartment.
Naalala ko ang nangyari kanina. Kanino kaya iyong boquet ng bulaklak na binila niya?
Totoo kayang sa girlfriend niya iyon? Napailing ako at napapikit na lamang.