Max's POV
Kakarating lang namin sa beach. Kitang kita ang tuwa at excitement sa mga mata nila Rose at Lisa. Hindi pa nga kami nakakaayos ng mga gamit ay tumakbo na agad ang dalawa para tingnan ang dagat.
"Magdahan-dahan naman kayo. Para kayong mga bata na ngayon lang nakapunta sa dagat eh," pabiro kong sabi sa kanila.
"Ano ka ba naman Max? Ngayon lang ulit kami nakabalik sa beach eh," sagot naman sa akin ni Lisa.
"Tara bro, ayosin na natin itong mga gamit natin. Mukhang walang balak tumulong yung dalawa eh. Enjoy na enjoy sila oh," sabi ni Hanz.
Masyado ata kaming napaaga dahil kakaunti pa lang ang mga nakikita kong tao sa paligid. Inayos naman namin agad ang mga gamit pati ang paglulutuan ng mga dala naming pagkain.
"Max, saan ba rito ang CR? magpapalit lang kami ng damit ni Rose," tanong sa akin ni Lisa.
"Diretso ka lang diyan tapos kaliwa. Pangalawang pinto yung CR ng mga babae," sagot ko naman sa kanya.
Habang wala ang dalawa at nag - aayos naman si Hanz at nagsimula na akong mag - ihaw ng dala kong pusit.
"Hmmmmm ang sarap naman ng amoy ng iniihaw mo Max," sambit ni Rose.
"Talaga? Malapit na ito maluto." sagot ko sa kanya na di man lang nakatingin. Nang siya ay aking madungawan ay nanlaki ang aking mga mata sapagkat ang ganda nya sa kanyang suot na one piece bikini. Sobrang sexy at ganda nya. Para bang nagslow motion lahat habang inaayos niya ang kanyang buhok.
"Hoy! Sunog na ata yang niluluto mo," biglang sabi ni Lisa. Bigla naman akong bumalik sa wisyo at inalis ang iniihaw ko na amoy sunog na nga.
"Maliligo na kayo?" tanong ni Hanz sa kanila.
"Hindi mamaya pa. Magpipicture taking muna kami sa dagat," sagot ni Lisa.
"Tara na Lisa, magpicture na tayo," pag - aaya ni Rose kay Lisa. Agad naman tumango si Lisa at tumungo na sila sa dagat. Picture doon, picture dito. Hindi matigil ang pagpicture ng dalawa na halos mapuno na ng picture nila ang dala nilang camera.
"Hanz, halika nga muna dito," pagtawag ni Rose. "Bakit?"sagot naman nya.
"Pwede bang kuhaan mo kami ng picture nang magkasama?" tanong nya.
"Sige, sandali lang. Taposin ko lang itong ginagawa ko," sagot ni Hanz. Bakit kaya siya pa inayang magpicture? nandito naman ako at patapos na magluto.
"Tara Max, maligo na tayo. Ang sarap magswimming ngayon. Ang init eh," pag - aaya sa akin ni Lisa.
"Sige Lisa, mauna na kayo. Susunod ako," sagot ko naman sa kanya.
Nakita ko siyang nakatingin kay Hanz na tuwang tuwa kasama si Rose na para bang naiinis.
"Saan ko pala pwedeng ilagay itong camera?" tanong nya. "Kahit diyan lang sa table. Wala namang kukuha nyan dito," sagot ko sa kanya. Agad naman niyang iniwan ang camera sa lamesa at umalis para samahan si Rose na naliligo na sa dagat. Si Hanz naman ay hindi na bumalik at naligo na rin sa dagat. Bakit kaya parang nalungkot si Lisa? May problema kaya siya?
"Kakain na!" sigaw ko sa kanila. Halatang nagutom sila sa paglangoy dahil patakbo silang lumapit sa akin.
"Ang dami nating pagkain ah," sambit ni Hanz.
"Oo nga, kaya ba nating maubos yan?" pagsang - ayon naman ni Lisa habang kumukuha ng plato.
"Hanggang mamayang gabi na yan para di n ako magluto mamaya," sagot ko sa kanila. Ngumiti naman si Rose pagkasabi ko nun. Ang ganda talaga niya.
Habang kumakain ay pinag - uusapan nila ang mga nangyari habang nagluluto ako.
"Ang sarap maligo dito. Malakas ng alon. Ang sarap din magsurfing," sambit ni Rose.
"Oo nga eh, buti niyaya mo kami dito Max," sambit naman ni Lisa. Ngumiti nalang ako at sinabing, "Next time pag may oras tayo, babalik tayo dito."
"Sige ah, sabi mo yan. Walang bawian," sagot naman ni Rose.
Pagkatapos namin kumain ang hinayaan naman namin ni Hanz na sila Rose na ang magligpit ng pinagkainan. Halatang madaming nakain si Hanz dahil di man lang siya nagsasalita kanina habang kumakain.
"Dami mong nakain kanina ah," sabi ko sa kanya.
"Oo, favorite ko kasi ang inihaw na pusit," sagot naman niya sa akin at nagtawanan nalang kami.
Pagkatapos noon ay napagpasyahan namin na matulog na muna sa gilid ng aming cottage. Naglagay ako ng higaan at duyan.
"Kayo na muna bahala ah, matutulog na muna ako," sabi ni Hanz. Si Lisa naman ay humiga sa duyan ang natulog na din kaya kaming dalawa nalang ni Rose ang nag - usap sa cottage.
"Buti nakasama ka dito. Akala ko hindi ka pwede eh," sabi ko sa kaniya.
"Ano ka ba? Simula kasi noong nanakawan ako ay hindi na ako nakakapunta ng beach kaya namiss ko na maligo sa dagat. Buti nga niyaya mo kami eh," sagot naman nya sa akin.
"Wala yun. Gusto ko din naman kasi kayo makasama dito," sagot ko naman sa kaniya. Nginitian nalang niya ako.
Mga bandang hapon na ay nagising na din ang dalawa kaya nagyaya na ulit maligo si Rose. Sumama na din ako para lahat na kami ay makaligo. Ang saya namin. Langoy doon, langoy dito. Surf doon, surf dito. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko sila. Kasama ko si Rose.
Papalubog na ang araw nang umahon si Rose para kunin ang camera.
"Kunan mo ako Max ng picture. Ang ganda ng background eh. Sunset,"utos nya sa akin.
"Sige, dun ka oh," sagot ko naman sa kanya. Nagpose naman siya at click din ako nang click ng camera. Ang ganda nya talaga. Sobrang dami kong kinuhang picture sa kanya at kukuha ako ng ilalagay ko sa wallet ko.
Kinagabihan ay nagset na ako ng bonfire. Nagpaalam pa ako sa management kung pwede magset buti naman pumayag dahil kakaunti lang ang naliligo noong araw na iyon.
"Buti nalang pinayagan tayo magbonfire dito," sambit ni Hanz.
"Oo nga eh, ang lamig pa naman ngayon," sabi naman ni Rose.
"Ito pwede nating upuan," sabi ko habang nilalagay sa paligid ng bonfire ang mga kahoy na nakuha ko.
"Salamat Max," pasasalamat ni Rose sa akin. "Hanz, ikaw naman kumuha ng mga beer dun sa cooler," utos ko sa kaniya.
"Pwede mo na din dalhin ang buong cooler para hindi na tayo pabalik balik," dagdag ko.
"Sige, hintayin niyo ako," pagsang - ayon niya. "Samahan na kita," sambit naman ni Lisa.
Kaming dalawa na naman ang naiwan ni Rose.
"Sino pala ang nililigawa mo Max? Sabi kasi ni Lisa araw - araw ka bumibili ng bulaklak sa flower shop," tanong nga sa akin.
Nagulat nan ako dahil iyon agad ang bungad na tanong niya sa akin.
"Ah ehhh wala akong nililigawan," sagot ko. Biglang dumating ang dalawa bitbit ang cooler.
"Oh anong pinag - uusapan niyo? Parang seryoso ah," sambit ni Hanz.
"Tinatanong ko kasi siya kung sino ang nililigawan nya. Araw - araw kasi siyang bumibili ng bulaklak sa shop," sagot ni Rose.
"Di ba Lisa?" dagdag pa niya.
"Oo nga, araw - araw at walang mintis," pagsang - ayon ni Lisa.
"Sino ba nililigawan mo?o baka girlfriend mo na," tanong ni Lisa. Para akong nahot seat sa sitwasyong iyon.
"Aahh ehh hmmm wala akong nililigawan. Wala din akong girlfriend," sambit ko sa kanila.
"Eh bakit araw - araw kang bumibili ng bulaklak?" tanong ni Lisa.
"Sa totoo niyan bumibili ako araw - araw ng bulaklak para sa mga magulang ko. Araw - araw ko silang dinadalaw sa sementeryo para dalhan ng bulaklak," sagot ko sa kanila.
Bigla silang napatigil pagkatapos ko sabihin iyon. "Sorry Max," sambit ni Rose.
"Okay lang iyon, matagal na din naman kasi nangyari iyon," sagot ko sa kaniya.
"Ano ba ang ikinamatay nila?" tanong ni Lisa. "Namatay sila dahil sa iang aksidente," sagot ko.
"Aksidente na ako ang dahilan kaya hanggang ngayon ay sinisisi ko pa ang sarili ko," dagdag ko na nagpalaki ng mga mata nila.