Chapter 9

1026 Words
Biglang silang napatigil at napatitig lamang sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ba papagaanin ang sitwasyon. Bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha kaya napangiti ako ng mapakla. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin kasi ang aking sarili dahil sa pagkamatay ng mommy at daddy. Isang trahedya na hindi ko kailanman nalilimutan kaya I’m trying my best to be better and to be alive. “Pareho pala tayo,” ngiting saad ni Rose sa akin. Napalingon naman sina Lisa at Hanz sa kaniya. Halata ang pagkagulat sa mukha nila maliban sa akin. “B-Bakit? Anong nangyari sa iyo, B.F.F?” tanong ni Lisa sa kaniya. Napangiti lamang si Rose ngunit bakas pa rin sa kaniya ang lungkot. “Isa rin ako na wala ng ina at ama. Dahil din sa isang trahedya ay nawala rin sa akin sila, ngunit kagaya rin ni Max ay hindi ako sumuko sa buhay mabuti na lamang at na riyan ang aking Auntie siya ang tumayong magulang sa akin,” ngiting wika ni Rose sa amin.  Maswerte pa pala kaming kompletong pamilya,” saad ni Lisa sa amin. “Tama si Lisa, maswerte kami dahil may mga magulang pa rin kaming handang umagapay at masasandalan namin tuwing mayroon kaming problema,” wika naman ni Hanz. “Kaya nga dapat pahalagahan at mahalin niyo sila. Kung may time kayo ay bisitahin niyo sila o kaya naman ay tawagan man lang, sabihin ninyo na mahal niyo sila, hindi pa naman huli ang lahat,” saad ni Rose na ikinatango ko. Mayamaya lamang ay agad na kinuha ni Lisa ang kaniyang telepono at may tinawagan ito. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya. “Hello, Mom?” bungad na saad ni Lisa. It was her mother. Napangiti ako sa kaniyang ginawa. “Nasaan si Dad, mom?” tanong pa niya. “I just want to say I love you at ingat po kayo palagi,” ngiting saad niya. Mayamaya ay nanlaki ang kaniyang mga mata. “What? No! Wala po akong ginawang problema. Mom! Hindi na po ako makulit!" naiinis niyang saad sa kausap niya. Napatawa lang kami. “Okay, Mom. I’ll promise, I’ll take care of myself. I love you too, mom. Pakisabi rin kay dad na huwag na siyang magbabad sa trabaho, okay? And I love him too. Bye!” Napangiwi naming tumingin sa amin si Lisa. “Sorry si mom kasi masiyadong over-reacting. Everytime kasi akong tumatawag palaging gulo ang sinasabi ko sa kanila. Nagulat daw siya dahil sa sinabi ko ngayon lang akala ata napapatulong naman ako,” nahihiyang saad niya sa amin. “Hello, mom?" Napalingon naman kami nang makita si Hanz na hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Ni-loud speak pa ng gago para siguro marinig  naming ang usapan nila ng mama niya. “Oh, anak? Bakit? May problema ba?” tanong ng mama niya sa kabilang linya. “Hm. Mom, I just want to say na uuwi po ako sa susunod na linggo. Riyan po ako matutulog.” “Totoo, anak? Ano nakain mo? Huwag mong sabihin ipapakilala mo na amin ang nobya mo?" tukso tanong ng mama niya. Napakamot siya ng ulo dahil doon at napatingin sa amin ng masama dahil natatawa kami sa kaniyang ekspresyon. “Wala pa, mom. Gusto ko lang kayong bisitahin. Sige na po, bye na. Mag-iingat po kayo. I love you!” Bigla niyang pinatay ang kaniyang telepono at napahiya ng malalim. “Tawang-tawa kayo ah? “saad ko sa kaniya. “Isa ka pa, Max. Akala ko ba, kaibigan kita?” Tumawa naman ako sa sinabi niya. “Ang O.A mo. Kaibigan nga kita, bakit?” natatawang saad ko sa kaniya. “Bakit hindi mo isama si Lisa? Wala namang gagawin si Lisa ngayong weekend, hindi ba?” tanong ni Rose sa kaibigan niya. Hindi naman mapakali ang babae. “H-ha? Uhm. W-wala nga,” kinakabahang saad ni Lisa sa kaniya. “Oh iyon naman pala, Hanz, may kasama ka na papunta sa inyo, Puwede mong ipakilalang nobya sa kaniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. “Huwag na, ako na lang ang mag-isa, since sinabi ko naman sa kanila na ako lang naman ang bibisita,” saad niya sa amin. Napa-iling-iling na lamang kami sa sinabi niya. "Paano kung sumama ulit kami sa inyo ngayong darating na weekend? Saan ka nga ulit nakatira, bro?" tanong ko sa kaniya. "Sa Sorsogon," saad niya sa akin. "Sa Sorsogon? Magaganda ang mga beach doon, Rose!" na-e-excite na saad niya sa kaibigan. "Talaga? Mukhang gusto ko iyan! Sama tayo kay Hanz, puwede ba iyon?" Napalingon naman sila kay Hanz, hinihintay ang sasabihin niya. "S-sige. Okay lang naman, mas mag-e-enjoy talaga kayo roon dahil ang gaganda ng beach parang Boracay, pino ang buhangin at kulay asul ang dagat," saad niya sa amin. Biglang nagningning ang mga mata ni Rose dahil sa kaniyang narinig. "Hala! Talagang pupunta ako riyan sa inyo kahit wala kayo," saad ni Rose sa amin. Bigla namang tinapik ni Lisa ang kaniyang braso kaya napalingon ang babae sa kaniya. "Bakit?" tanong ni Rose sa kaniya. "Ano ka ba! Sasamahan kita ano," saad ni Lisa kaniya. "Ay sige kasama ka, syempre, palagi." Napangiti si Rose sa kaniya. "Bakit pa kayo nagbabangayan diyan? Eh isasama ko nga kayo papuntang Sorsogon? Ayaw niyo bang sumama sa amin?" tanong ni Hanz sa kanila. Napailing na lamang ako, oo nga naman bakit pa sila nagbabangayan eh, isasama naman pala sila. "Ay oo nga pala, syempre sasama kami sa inyo! Sino bang nagsabing hindi?" tanong ni Lisa sa amin. "Iyon naman pala. Tara shot na!" sigaw ni Hanz sa amin at tinaas ang beer. Kaagad naman nagsitaasan kami ng bote at nag-cheers. Nilagok namin lahat iyon at nagsitawanan. "Kumusta naman pala ang shop niyo, Lisa?" tanong ni Hanz sa kaniya. Kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Napakunot ako ng noo may gusto ba siya kay Hanz? Sa tuwing kinakausap kasi siya ni Hanz ay hindi siya mapakali, minsan pinagpapawisan ito o kaya naman ay namumula ang pisngi. Napangisi ako, siguro nga may gusto ito sa lalaki. Nakita ko kasing napangisi rin si Rose sa kaibigan niya. Mukhang may mamumuong love team dito ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD