Rose' s POV
"Tara, truth or dare tayo!" saad ni Lisa sa amin. Napangiwi ako nang marinig iyon ayaw ko sa lahat iyong larong truth or dare eh. Medyo awkward lang laruin iyon, hindi ko nga alam sa aking sarili.
"Puwede bang iba na lang?" tanong ko kay Lisa.
"Hindi puwede mas enjoy kapag truth or dare game ano, sige na Rose, please," pagmamakaawang saad sa akin ni Lisa. Wala naman akong nagawa kung 'di ay tumango na lamang sa kanila. Mukhang gusto rin kasj ng dalawang lalaki ang larong iyon.
"Okay, ganito ha, kung sino ang dalawang magkabilaang natapatan ng bote sila iyong taya. Iyong natapatan ng bunganga ay ang magtatanong tapos iyong nasa ilalaim naman siya ang magsasagot. Naiintindihan niyo? Kapag hindi nasagot ng taya ang tanong sa kaniya mag-sh-shot ng alak!" na-e-excite na saad ni Lisa sa amin.
"Iyon lang ba? Ang dali naman ng pinapagawa mo," saad ni Hanz sa kaniya.
"Sus, tingnan lang natin kapag ikaw na ang taya," hamon naman ni Lisa sa kaniya.
Nagkatinginan naman kami ni Max kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nakakahiya naman.
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ako sa kaniya at hindi na siya pinansin. Nakakahiya kasi.
"Excuse me, mag-uumpisa na po tayo," saad naman sa amin ni Lisa kaya agad akong napalingon sa kaniya.
"May something ba sa inyo? Mukhang kanina pa kayo nagtititigan ah, kulang na lang maglaplapan kayong dalawa riyan!" walang habas na saad ni Lisa sa amin na nagpalaki ng aking mga mata sa kaniya.
"Hoy! Bunganga mo, Lisa!" saad ni Hanz sa kaniya.
"Sus, totoo naman," saad niya at ngumuso pa.
"Ikaw siguro ang gusto makilaplapan eh, tingnan mo 'yang nguso mo ang talim na," natatawang saad ni Hanz sa kaniya.
Napatawa kaming lahat sa kaniya.
"Gago, hindi ah! Start na nga tayo, alam niyo na ang mechanics ah. Simulan na natin ang laro," wika niya at agad na pinaikot ang bote sa gitna namin. Mayamaya ay huminto ang bote sa pag-ikot at ang natapatan ay kami ni Lisa. Siya nag mag-d-dare. Kabahan na ako, iba rin kasi ang trip nitong babaeng ito. Napangisi si Lisa sa akin.
"Truth or Dare, B.F.F.?" tanong niya sa akin.
"Dare!" matapang kong saad sa kaniya.
"Hmmm." Napaisip ito at napalingon-lingon sa paligid. Wala namang katao-tao.
"I want you to dance seductively in front of Max," ngisi niyang saad sa akin. Napakurap-kurap ako sa kaniya. Agad niyang sinalinan ang isang baso ng alak at punong-puno pa ito. Damn it!
"Ano? Gagawin mo ba or hindi?" ngising tanong ni Lisa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan siya. Naku talaga itong babaeng ito! Makakatikim sa akin mamaya.
Dahan-dahan akong tumayo at ready nang sumayaw ngunit hindi pa ako nakakagiling nang pinigilan ako ni Max. Kinuha niya ang baso na sinalinan ni Lisa at agad itong tinungga. Nagulat kaming lahat sa kaniyang ginawa.
"Whoooa!" saad ni Lisa na tila ba kinikilig.
"Sana all!" dagdag pa nito. Napatampal naman sa akin sa braso si Lisa at nginisian ako.
"Ang daya, hmp!" saad niya sa amin ni Max. Napangiwi na lamang ako sa kaniyang sinabi. Kaagad namang pinaikot ni Hanz ang bote. Magkatapat ang bote sa akin at kay Hanz naman. Napangisi ako nang ako ang mag-uutos o kaya magtatanong. Napalingon ako kay Lisa at nginisian ko siya. Hindi naman siya mapakali sa kaniyang kinauupuan dahil alam niyang gaganti ako sa kaniya. Mukhang ngayon lang ako mag-e-enjoy sa truth or dare ah.
"Hanz, truth or dare?" tanong ko sa kaniya. Matapang naman akong tiningnan ni Hanz.
"Dare!" saad niya sa akin. Kunwari'y nag-i-isip ako ngunit alam ko na ang ipapagawa ko kay Hanz. Ngumisi ako kay Hanz pati na kay Lisa.
"Mukhang hindi ko gusto ang ipapagawa mo sa akin Rose ah," saad ni Hanz sa akin.
"Hindi ah, gusto ko lang namang sayawan mo si Lisa, SEDUCTIVELY," saad ko habang nagpipigil ng tawa. Hindi naman mapakali si Lisa.
"Ay iyon lang pala, magaling diyan si Hanz, hindi ba, bro?" tanong ni Max sa kaniyang kaibigan.
"H-huh? O-oo naman!" saad ni Hanz.
"Eh iyon naman pala, sayaw na!" wika ko sa kaniya at tinulak siya.
"HANZ! HANZ! HANZ!" cheer namin ni Max sa kaniya. Napatingin naman si Hanz sa amin na parang nahihiya ngunit sumayaw na lang ito kay Lisa. Naawa ako kay Hanz ngunit ito lang ang solusyon upang maging close sila sa isa't-isa. Sumayaw naman si Hanz sa kaniya habang nagpapatugtog kami ng slow na musika. In fairness maganda sumayaw si Hanz, napangiti ako sa reaksiyon ni Lisa, pipikit-pikit pa ito ngunit mayamaya ay bubuksan din naman ang mga mata. Gusto rin namang mapanuod. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"WHOHOAAA!" sigaw ko sa kanila dahil nakahiga na si Lisa at si Hanz naman gumiling-giling sa tapat niya. Napatingin ako kay Max na titig na titig lamang sa akin habang kinukuhanan ang dalawa ng video. Napa-snap naman ako sa harapan niya.
"HOY! Nakatulala ka na!" sigaw ko sa kaniya at tumawa ng tumuwa. Nakakatawa kasi ang kaniyang mukha para itong nag-dro-droll sa harap ko kulang na lang laway na tumutulo sa bibig niya. Nagitla siya agad at hindi na ako tiningnan. Nanuod na lang kami habang sinasayawan pa ni Hanz ang aking kaibigan. Ako na ang nagpahinto dahil nasarapan na siguro ang dalawa, kinareer na rin ni Hanz ang pagiging macho dancer niya.
"Tama na, Hanz! Kinareer mo naman, alalahanin mo pulis ka, hindi ka macho dancer," natatawang saad ko sa kaniya. Napakamot naman si Hanz sa kaniyang ulo.
"Oo nga pala, dare lang pala ito, nadala kasi ako sa tugtog eh," saad ni Hanz sa amin at napaupo na sa buhangin. Napatingin ako kay Lisa na pawis na pawis sa aking tabi.
"Oh ano? Okay ba?" bulong kong tanong sa kaniya.
"Gaga! Nakakainis ka," saad ni Lisa sa akin at kinurot ako sa tagiliran.
"Why? Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. Maganda nga iyon eh, nagawan ko ng moment sila ni Hanz.
"Wala!"
"Ginusto mo naman ah," ngisi kong bulong sa kaniya.
"Tigilan mo ako, Rose ah," saad niya sa akin. Napatawa na lamang ako sa sinabi niya. Pikon na pikon ang bruha.
"Ang hot ko bang sumayaw, Lisa?" ngising tanong ni Hanz sa kaniya.
"Tse!" saad ni Lisa sa kaniya. Sus pakipot pa, napailing na lamang ako.
Nagtagal ang aming game ng isang oras at lahat ay sobrang nag-enjoy puro lang tawanan ang aming nagawa. Si Lisa naman at Hanz ay lasing na lasing na dahil sa kanila lamang kadalasan nagtatapat ang bote. Mabuti nga iyon dahil hindi na ako ang matataya. Medyo tips na rin ako pero keri lang naman. May sari-sarili rin kaming tent, iyong isa ay for girls at ang isa naman ay for boys.
"Ohhh! Yeahh! I love youuuu Haa-" Agad kong nilagyan ng karne ang bunganga ni Lisa dahil masiyado na itong madada. Alam ko kasing Hanz ang sasabihin niya, ayaw ko namang mapahiya ang aking kaibigan lalo na't lasing ito. Gusto kong malaman ni Hanz ang nararamdaman niya nang hindi siya lasing. Galing na rin ako sa isang relasyon kaya mas maigi kung hindi na muna ni Hanz malaman na may gusto si Lisa sa kaniya lalo na't kakakilala lang nila. Huwag tayong magmadali lalo na kapag tungkol sa pag-ibig ang usapan. Natutuwa naman ako dahil nagkakasiyahan ang dalawa, mukhang close na rin naman ito sa isa't-isa or dahil lasing lang silang dalawa kaya wala silang hiyaan. Nakaakbay na kasi sila sa isa't-isa.
"Mukhang nag-e-enjoy ang dalawa nating kaibigan," saad ni Max sa akin. Napangiti akong nakatingin sa dalawa.
"Oo nga , mukhang enjoy na enjoy sila , " saad ko sa kaniya.
"May gusto pa si Lisa kay Hanz ? " tanong niya sa akin. Napalingon ako sa kaniya, sasabihin ko ba ? Napangiti ito at napatingin sa dalawa naming kaibigan na kanta ng kanta.
"Kahit hindi mo sabihin , halatang-halata naman sa kilos ni Lisa .
"Talaga ? Halata ba ? " tanong ko sa kaniya.
"Oo naman, observant din kaya ako kagaya mo," saad niya sa akin.
"Bakit ka pala narito sa Bicol?" tanong niya sa akin. Napangiti ako ng mapakla at napatitig sa nagliliyab na apoy sa harap namin.
"To find my purpose in life," ngiti kong saad sa kaniya.
"You really are something, Rose," saad niya sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya.
"Wala lang, basta," saad niya sa akin at tumingin na sa apoy.
"May tanong ako," saad niya sa akin, napalingon naman ako sa kaniya.
"A-ano iyon?" tanong ko.
"M-may nobyo ka ba?" tanong niya sa akin, agad siyang umiwas ng tingin sa akin siguro ay nahiya sa kaniyang sinabi .
" Hmmm. Wala, kaka-break lang namin ng dating nobyo ko. Kaya nga nakarating ako rito sa Bicol eh, para na rin makalimutan siya pati na ang ginawa niya sa akin." Napatingin ako sa aking kaibigan at Hanz na patuloy pa rin ang tawa at kanta, balag naman ang mga boses. Natawa na lamang ako sa kanila.
"B-Bakit ano ba ang ginawa niya sa iyo?" tanong niya sa akin .
"Nakita ko lang naman siyang kasama ang aking best friend na nag-se-s*x sa condo niya, mismong anniversary pa namin. Imbis na siya ang ma-surprise dahil sa inihanda kong cake at gift sa kaniya, ako pala ang nasurpresa," natatawang saad ko sa kaniya.
"I'm sorry about that," saad niya sa akin.
"Nope, okay lang naman. Kinalimutan ko na iyon at wala na iyon sa akin. Wala na rin akong pakialam sa kanila at unti-unti akong nakaka-move on na sa kaniya. Mabuti at narito si Lisa, bago kong kaibigan nito natutulungan niya akong hindi maalala ang dati kong nobyo. Isa pa ang scenery, gusto ko talaga dito sa Bicol dahil sa mga beaches," ani ko sa kaniya.
"You are good at swimming, right? At papa mo isang sikat na Olympic swimmer sa bansa," ngiti niyang saad sa akin na ikinalaki ng aking mata.
"P-paano mo nalaman?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Hmm, idolo ko ang tatay mo noong bata pa ako," wika niya sa akin.
"Talaga?" namamangha kong saad sa kaniya. Tumango ito at napatingin sa akin.
"Halika na? Mukhang tulog na ang dalawa oh, nakahiga na sa buhangin," saad ni Max sa akin. Napalingon ako sa dalawang kaibigan namin. Totoo ngang nakahandusay na sila sa buhangin at magkayakap pa. Bago muna namin sila pinaghiwalay ay pinicture-ran muna namin sila. Tawang-tawa naman ako nang sobrang makapulupot si Lisa kay Hanz. Napaghahalataan talaga ang gaga.
"Halika na, Lisa. Gising na," saad ko sa kaniya ngunit umungol lamang ito. Napailing ako dahil gumulong lamang ito sa buhangin.
"Hintayin mo ako, Rose. Idadala ko lang muna itong si Hanz sa tent namin tapos tutulungan kita riyan kauy Lisa," saad ni Max sa akin na ikinatango ko.
"Hoy gaga! Gising nakakahiya ka talaga, bukas ipapakita ko talaga sa iyo itong picture at video ni Hanz, kala mo ah. Inom pa more kasi!" singhal ko sa kaniya ngunit umungol lamang ito at binanggit ang pangalan ni Hanz. Baliw na talaga ito sa lalaki. Huwag lang sana siyang umasa na magugustuhan siya ni Hanz dahil iba rin naman ang timpla ng mga lalaki. Minsan papaasahin ka lang o di kaya ay sasaktan lang. Hindi naman sa pagiging bitter ngunit iyon ang totoo at na-experience ko na rin naman siya.
Mayamaya lang ay dumating na si Max sa amin. Agad naman niyang inalalayan si Lisa at ako naman ay nakasunod lamang sa kanila. Namamangha akong nakatingin sa kaniya, parang wala itong kahirap-hirap na pinasan si Lisa. Kita rin ang pumuputok na muscle sa kaniyang t-shirt. Oh gosh! Nagiging manyak na ata ako, napapikit ako ng mariin at nanalangin sa Diyos na alisin ang sa aking isipan ang mucle ni Max sa utak ko. Nagitla ako nang bumunggo ako sa isang matigas na bagay, hindi ko alam kung ano nga ba ito. Hinawak-hawakan ko bagay na iyon at medyo matigas-tigas at malambot-lambot. Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata, nanlalaki ang aking mga mata nang makitang si Max pala iyon nakaharap sa akin.
"Oh my God! I'm sorry!" gulat kong saad sa kaniya. Abs pala niya ang nahawakan ko. s**t!