ALY'S POV
I left my family in the hotel. I didn't mind them shouting and throwing insults at me. There's nothing new to that. Para sa kanila isa akong kahihiyan ng Reomoto at nawawalan na ako ng pakialam sa opinions nila.
I decided to walk in the streets. Wala namang mag-aakala na isa akong mayaman dahil ang suot ko ay very plain and simple lang. Along the way, I saw beggars begging for alms. I am not generous but seeing them in a very down situation, my heart was aching for them. I decided to buy food and distributed it to anyone who asks for it.
Suddenly, a man grabbed me in my arms. I was terrified by his action. Pero nang nakita kong inilahad n'ya ang kamay n'ya para humingi ng pagkain ay na-touch ako. Gusto kong umiyak para sa kaniya.
Bigla akong nakaisip ng kalokohan. Napangiti ako at mabilis na umalis sa area na iyon. I called Roldan and asked him to fetch me. I am excited to play a game with my dad. I am looking forward to see how devastated they will become kapag nakapuntos ako sa laro na ako ang magiging master.
Pagdating ko sa bahay ay tahimik na tahimik iyon. Dad, Tita Karla and Lurica were still at the Reomoto Hotel. I'm sure they're having a good time with the family. I didn't know what to do. Nakaka-blangko kasi ng utak ang napakalaking bahay na ipinatayo ng mga magulang ni mommy. Yes, Reomoto mansion was my mother's own house.
"Miss Aly, pinasasabi po ng daddy mo na huwag ka raw pong aalis mamayang gabi. May pag-uusapan daw po kayong mahalagang bagay," the maid said.
I pouted my lips. I already have an idea of what he's gonna tell me. Lumapit si Mica sa akin at tinanong ako kung ano ang problema dahil nakita n'ya ang pagkulubot ng noo ko.
"I'm getting married soon?" I said.
Sa sobrang gulat ni Mica ay bigla n'ya akong iniharap sa kaniya at nakalimutan n'yang ako ang amo n'ya. Kita ang malaking pagtataka sa mata niya.
"Seryoso ka, Aly"
"Of course I am," I said. "Walang magawa si daddy kaya binebenta n'ya na ako."
"Diyos ko po, Aly. Okay lang ba sa iyo?"
"Mica, Mica Mica, do you think it is okay with me?" sabi ko habang mabagal na nagpapalakad-lakad sa aking malaking silid.
"Ano'ng gagawin mo?"
"Tawagin mo si Roldan. I have something to ask you to do."
"Baka kung ano iyan, ha."
"Shut up and do what I said. Tawagin mo si Roldan, ngayon na!" singhal ko kay Mica.
Palibahasa'y hindi sanay na natataasan ko siya ng boses kaya mabilis na tumalima si Mica. After how many minutes, she's back with Roldan.
"Dito tayo mag-uusap sa silid mo, Aly?" tanong ni Roldan. It was his first time kasi na makapasok sa silid ko.
"Yes. Do you have any violent reaction?" mataray kong tanong.
Hindi na sumagot si Roldan at ganoon din si Mica. Nakatayo lang sila habang naghihintay ng sasabihin ko. I took a deep breath before I started to tell them what's in my head.
"Hanapan n'yo ako ng pulubi but handsome man! I'll marry him as soon as possible!" sigaw ko kina Mica at Roldan. Hindi ko mapigilan ang galit na nasa puso ko kaya wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin.
Nanlaki ang mata ng dalawa. Kitang-kita ko how they looked at each other. They were shocked.
Bahagya akong tumawa dahil sa mga itsura nila. Daig pa nila ang nakakita ng multo. Hindi sila nagsalita ng kahit ano. They were just standing straight in front of me.
"Do you hear me?" mataray kong tanong.
Wala akong pakialam kung natakot sa akin ang alalay at driver ko. Mas nanaig ang kagustuhan kong lalong galitin ang pamilya ko lalo na ang daddy at ang salbahe kong stepmother.
"Aly, huwag kang padalos-dalos," pakiusap ni Mica.
"My decision is final," I laughed. Alam kong kapag ginawa ko ito ay mayayaning ang buong angkan ng Reomoto, at iyon ang gusto kong mangyari.
"Baka atakihin sa puso ang daddy mo," Roldan said.
No! Alam kong walang sakit sa puso ang daddy. Baka mas atakihin pa nga ng high blood niya ang stepmother kong pinipilit palitan si mommy sa buhay namin ni daddy. Sabihin n'yo nang bad ako, but I will be the happiest person kapag nangyari iyon.
"That's my order. Please keep it to yourself. Ayokong lumabas ang tungkol dito dahil ayokong malaman ito nina Tita Karla and Lurica," I said.
Tahimik na lumabas sina Roldan at Mica. Pareho silang hindi makapaniwala sa utos ko sa kanila. Actually, I wasn't sure yet if iyon ba talaga ang gusto ko pero para pahiyain ang pamilyang naging malupit sa akin, handa kong pakasalan kahit pa ang demonyo.
Ang lahat ng oras ko sa maghapon ay ginugol ko sa pag-bake, swimming and chatting with Katrine and Diane. I haven't told them that I'm gonna get married soon because ayoko silang bigyan ng pagkakataon na alipustain ako. They invited me out pero hindi ako sumama. Hindi ko kasi alam if how many hours kaming mag-uusap ni daddy.
Sumapit ang alas-sais ng hapon. Unang dumating si Lurica na parang reyna na pumasok. Agad kinuha ng katulong ang bag niya, dinampot ang sapatos n'yang iniwan lang sa doorstep at inabot sa katulong ang blazer niyang hinubad.
Sinalubong din siya ng isa pang katulong na may dalang healthy juice drink. Kinuha iyon ni Lurica at sumipsip lang ng kaunti. Sinulyapan niya ako na noon ay nakaupo sa couch at nagbabasa ng magazine.
"Hey, Aly, why did you leave so early? Hindi ka na tuloy namin nakasalong kumain ng tanghalian," ipokrita niyang sabi.
I was about to say harsh words dahil sa mga kasinungalingan niya kanina. Gusto kong ipatikim sa kaniya ang natutunan ko sa karate class ko but I know na magmumukha lang akong talunan. So, instead of fighting with her I decided to smile and pretended that I was okay.
"I had so much fun with the bartender guy kaysa ang makasalo ang pamilya Reomoto sa lunch," I said. I was referring to the man na nakita kong kasama ni Lurica. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"I have no relationship with him!" Lurica exclaimed.
"Who?" inosente kong tanong.
"That bartender guy is just a friend. I bumped into him and he helped me to stand up. That's all!"
"Ah, you're referring doon sa lalaking kasama mo when I saw you at the mall, right? Don't worry, kilala ko siya dahil doon siya nagtatrabaho sa bar na pinupuntahan ko madalas. Ma-chicka nga one time."
"Don't you dare talk to my..."
"Sa boyfriend mong bartender?" Nilakasan ko ang boses ko dahil nakita ko si daddy at Tita Karla na papasok na sa malaking pintuan ng mansion. "Don't worry, your bartender boyfriend is all yours."
"Sino ang may karelasyong bartender?" dumadagundong na tanong ni daddy.
"For sure it's Aly. My god! Siya ang palaging nasa bar at halos hindi mahagilap dito sa bahay. I don't know what's wrong with her," maarteng sabad ni Tita Karla.
"Actually…" Sinadya kong bitinin sila para mas lalong kabahan si Lurica. Nang nakita kong halos magmakaawa na ang mga mata niya ay saka lang ako muling nagsalita. "It's none of your business. Call me, dad, if oras na para sermunan mo ako."
Naglakad ako paakyat ng hagdan at sumunod sa akin si Lurica. Panay ang salita niya pero hindi ko siya sinagot o nilingon man lang. Baka kasi maihulog ko pa siya sa hagdan.
Pabagsak na humiga ako sa kama. Babaero ang bartender na karelasyon ni Lurica ngunit hindi ako masaya na masasaktan siya. Bilang isang babae na palagi na lang nasa lugar na iyon ay natakot akong magmahal. Karamihan sa mga lalaki sa bar ay cheaters.
Hindi ako sumabay sa hapunan. Nasa silid lang ako at inimagine ang mukha ng lalaking tumulong sa akin sa bar noong binastos ako ng isang lasing.
"Next time ay iinom akong mag-isa ulit doon. Baka magkita kami ulit," bulong ko.
Muntik na akong makatulog dahil sa kakaisip ko sa lalaking iyon. Ngunit tinawag ako ni Mica dahil naghihintay na raw si daddy sa study room. Hindi na ako nagsuklay ng buhok. Dumiretso ako agad sa silid kung saan naghihintay ang amang dati kong iginagalang at pinahahalagahan.
"Aly, take a seat," bungad ni daddy.
Umupo ako sa couch paharap sa kan'ya. Sa gitna namin ay may maliit na study table. Wala sina Tita Karla at Lurica sa silid. Masaya sana sa pakiramdam na after how many years ay nag-initiate si daddy ng isang usapan na kaming dalawa lang.
"Go straight to the point, dad. Since I already had an idea of what this is all about, kindly start now," naiinip kong sabi.
"We are planning to…"
"Ah, you're planing na ibenta ako kapalit ng mas malaking kita at mas malakas na kapangyarihan. Am I right, dad?"
"Hindi ka ibebenta. Magpapakasal ka lang."
"Ows, that's so funny. Why me? Bakit hindi si Lurica ang ipakasal n'yo sa lalaking iyon? Let me guess, kasi siya lang ang mahal mo."
"That's not true! Mahal ko kayong pareho. Nagkataon lang na matagal ko siyang napabayaan kaya bumabawi ako," katwiran ni Dad. "Masyado lang matigas ang ulo mo kaya hindi mo nakikita ang pagmamahal ko sa 'yo."
"So, kaya pala ako ang nagtiis sa mahabang panahon dahil bumabawi ka sa anak mo sa labas. Sana hindi na lang ikaw ang naging ama ko."
"Aly, Lurica is your sister. Tanggapin mo na iyon dahil iyon ang katotohanan. I already had a DNA test with her and it was confirmed na she and I are blood related. Look, I love you as well. Ayaw mo lang akong papasukin sa buhay mo. You distanced yourself from me na kahit anong reach out ang gawin ko ay nababalewala. Natuto ka na ring gumawa ng mga bagay na ikasisra ng pamilya."
Napahalakhak ako sa sinabi ni dad. Hindi ko kasi nararamdaman ang sinasabi n'yang pagmamahal. Tiningnan ko si dad mula ulo hanggang paa. Tumatanda na siya. Dalaga na rin ako. Napakarami ng panahon ang nasayang. Ngunit kay layo na namin sa isa't-isa. Hindi na kayang ibalik ang dating relasyon naming mag-ama.
Tumayo si dad. Lumapit siya sa may bintana. Tumanaw sa labas kahit madilim na. Hindi ko alam ang iniisip n'ya ngunit may kung ano sa mga mata niya ang hindi ko mawari.
"Bakit naging gan'yan ka, Angel Aly?" tanong ni dad sa malumanay na boses.
"Ako ba talaga ang nagbago o ikaw?" I asked in return. "Kung ikaw ako dad, would you be able to stay kind and obedient kung ang nag-iisang magulang na meron ka ay hindi mo na maramdaman?"
"I'm still here, Aly."
"You're not there for me, dad. Enough of this drama. Since bored ako sa buhay, sige pakakasalan ko ang lalaking sinasabi mo."
Tumingin sa akin si dad na parang hindi makapaniwala. Alam kong nagtaka siya sa mabilis kong pagpayag. But he didn't say a word.
Dahil tingin ko naman ay wala na siyang sasabihin kaya humakbang na ako palabas. Subalit pinigilan n'ya ako. Nagpaalam siya na pupunta raw siyang Taiwan for a business conference. Sanay na ako roon kaya walang pakialam na tuluyan akong lumabas ng silid.
Dumeretso ako ng silid ko. Naligo, nagbihis at naglagay ng kaunting make-up. Excited ako sa laro ng buhay ko kaya magsasaya muna ako. Hindi ko na niyaya sina Katrine at Diana. Magpapakalasing akong mag-isa sa bar.
Nang pababa na ako kay nakasalubong ko si Tita Karla. Agad tumaas ang kilay niya nang nakita n'ya ang sexy kong damit. Isang backless skater dress ang suot ko kaya litaw na litaw ang maganda, makinis at mahaba kong legs. Nakita ko rin ang inggit sa mga mata niya. I am far beautiful to Lurica at lalo na kay Tita Karla.
"Where are you going?" she asked.
"And who are you to ask me a question like that?"
"Aly, I'm your stepmom. I just want to make sure that you're always safe."
Nilagpasan ko si Tita Karla. Kung hindi ko lang alam ang tunay n'yang ugali ay baka naniwala na ako sa makabagbag damdaming linya n'ya.
"Aly, I'm talking to you," pahabol na sabi ni Tita Karla.
"Stop pretending, will you? Baka mahati iyang hagdan at lamunin ka," sabi ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Madilim na. Malamig din ang simoy ng hangin dahil ber months na. Ang litaw kung mga braso ay tila hinaplos ng isang malamig na kamay. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pag-aalinlangan kung tutuloy pa ba ako sa paborito kong bar o hindi na.
"Aly, may lakad ka," tanong ni Roldan. "Nasaan si Mica?"
"Ihatid mo ako sa Diamond Bar. Busy yata si Mica. I haven't seen her since this afternoon."
"Pwede bang magbihis muna ako?"
"No need to change your clothes. Uuwi ka rin agad."
Gusto pa sanang tumutol ni Roldan ngunit wala na s'yang nagawa nang umasim na ang mukha ko. Mabilis niyang kinuha ang sasakyan ko saka ako ipinagmaneho.
"Uwi na, ha. Don't tell anyone in the house na nandito ako."
"Magpapasundo ka ba mamaya?" tanong ni Roldan.
"Let's see. Kung gusto mo, iwan mo ang sasakyan at ako na ang magmamaneho."
Tumawa si Roldan. Alam n'yang impossible iyon dahil hindi talaga ako nagda-drive kahit marunong naman ako. Nang papasok na ako sa bar ay kumaway pa ako sa kan'ya.
Agad akong umupo sa favorite place ko. Kilala na ako ng mga employee sa bar kaya kapag dumadating ako ay pinapaalis nila ang nakaupo na roon.
Balewala sa akin ang malilikot na ilaw, ang maingay na tugtog. Ang mga mata ko ay naghahanap sa lalaking tumulong sa akin noon. May mga lumalapit sa pwesto ko upang magpakilala but after giving them my fake name ay itinataboy ko na sila.
I ordered tequila. It's my favorite drink because it contains fewer calories, zero sugar, and zero carbohydrates. Alam na rin ng mga bartender na iyon ang gusto ko.
I met some acquaintance friends pero konting chicka lang at maiiwan na naman akong mag-isa. Napapabilis at napaparami na rin ang pag-inom ko.
"Whooh, I want more! Let's drink, everyone!" I said. .
Wala namang pumansin sa akin dahil busy ang karamihan sa pagsayaw, pag-inom at pakikipag-usap sa mga kaibigan nila o bagong kakilala.
Tinatalo na ang katawan ko ng alak. Dama ko na ang epekto nito ngunit gusto kong magpakalunod. Panay pa ang ngiti ko kapag naaalala ko ang usapan namin ni daddy kanina. Hindi ako makapaniwala sa salitang mahal niya ako. Parang hangin lang kasi iyong dumaan pero hindi ko naramdaman.
Nagsimula nang umikot ang paningin ko. Ang mga tao sa bar ay nagkaroon na ng maraming ulo. Baliktad na rin sila. Ang ilaw sa paligid ay parang mga mumunting alitaptap na sumasayaw sa saliw ng nakabibinging musika.
Lumapit ang isang lalaki. I can hardly recognize his face. Pero alam kung macho siya dahil ng hawakan ko siya ay naramdaman ko ang tigas ng braso n'ya. Ngumiti ako ng mapang-akit.
"If you want me, take me out of here," sabi ko.
Wala na akong pakialam kung masamang tao ang kaharap ko. Ang mahalaga sa akin ay makalimot sa sakit na dulot ng isang pamilyang hindi ako pinahahalagahan.
Naramdaman kong binuhat ako ng lalaki. I can feel his breath in my ear. There's something in me that urges me to kiss him. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay pilit kong nilalabanan ang epekto ng alcohol. But my body was so hot kaya nang ipinasok ako ng lalaki sa sasakyan niya ay nagsimula na akong hubarin ang damit na tumatakip sa maganda kong katawan.