ALY'S POV
Nang nakita ko si Lurica na tila imbistigador at nakisali sa usapan namin ni Mica sy biglang umandar ang paging story teller ko. I wanted to see the envious eyes na palagi na lang tinatakpan ng mapagkunwaring ngiti.
I made up a very interesting story that Lurica won't forget for the whole day. I said na isang gwapong young businessman ang kasama ko sa pictures and because he is some kind of a very private guy kaya we decided to hide his identity.
Paniwalang-paniwala ang bruha kaya lalo akong ginanahan to add more lies pero mukhang hindi katanggap-tanggap sa kaniya na may nagmamahal sa akin.
"I don't believe it. Is it true na that guy is madly in love with you?"
"Why are you shocked by the news that someone is loving me more than anyone else?" tanong ko sa nananantiyang tono.
I already knew the answer to my question but I wanted to hear it loud and clear from Lurica's mouth pero hindi sumagot ang stepsister ko. She shrugged her shoulders and kissed me goodbye. Halos masuka ako sa kaplastikan niya. Hindi ako makakapayag na iiwan n'ya akong talunan at mukhang pinaglaruan.
Bago pa tumalikod si Lurica ay bigla kong hinila ang braso niya at sinipat ko from head to toe ang lalaking kasama niya. I raised my eyebrows while I examined the man beside her. Halata naman na nailang ang lalaki kaya medyo dumikit siya kay Lurica na lalo kong ikinatuwa.
"Who is he?" I asked.
"Uhm, he's a new friend," Lurica answered.
"A new friend, okay,"sabi ko habang patango-tango. "Rich? Famous? Do you know his family background? Saan nakatira? Job? Gaano na kayo katagal na magkakilala?"
"For God's sake, Aly, you're not an investigator. You are just Aly Reomoto, walang posisyon, walang pamilya, a palamunin!"
Nawindang ako sa mga sinabi ni Lurica. Lalong nagngitngit ang kalooban ko pero ayokong gumawa mg eksena. Hindi rin magagalit si Lurica ng ganoon kung hindi ko nakanti ang sensitibong issue niya. Iyon ang nagtulak sa akin para palabasin ang nakatagong demonyo sa katawan niya.
"Lurica Reomoto, is that your real name? Paano kung dumating ang araw na ang feeling prinsesa ay biglang hubaran ng kaniyang pagkatao, kakayanin mo ba? You know what, your life is like your relationship with that man, fake and useless."
"Don't be so sure about that." She smiled while saying those words. "Baka mamaya ikaw pala ang fake."
"Gusto mo bang malaman ang alam ko?" I asked. Kinindatan ko si Lurica para lalo siyang magalit.
Ngunit biglang kinabig ni Lurica ang lalaki and they walked away. Si Mica na nasa likuran ko lang ay pigil na pigil ang tawa. Ako naman ay naiinis dahil hindi ako nakaganti nang ayon sa plano ko.
"Daig mo pa ang detective kung makapag-imbistiga. Halika na nga at baka nag-aalala na si Roldan sa parking lot," yaya sa akin ni Lurica.
"Kilala ko ang kasama niyang lalaki. Isa sa mga bartender sa bar na pinupuntahan namin ng mga kaibigan ko."
"Totoo ba iyan, Aly? Imposible namang papatul sa isang bartender lang ang prinsesa ng Reomoto," sabi ni Mica. "Pero kung totoo iyan, congratulations magaling kong alaga."
Hindi ako pwedeng magkamali. I recognized the man. Ewan kung saan siya napulot ni Lurica. I don't give a damn. Ang alam ko lang ay may pangsabotahe na naman ako sa magaling kong stepsister.
Nagreklamo si Roldan sa tagal namin ni Mica. Ayoko pa sanang umuwi para makapagliwaliw pa ako pero sabi ng dalawa ay kailangan na dahil wala sa bahay sina daddy at Tita Karla. They have meetings with the investors. In that case, walang galit na mukhang sasalubong sa akin.
Pagdating sa mansion ng Reomoto ay walang takot akong bumaba ng sasakyan. Ready na ako sa nag-aapoy na bibig ni Tita Karla at sa punishment na pwedeng ipataw ni Daddy. I'm used to it. Ang bawat mali ko ay may katumbas na parusa. At hindi lang iyon, kahit hindi ko mali ay ako pa rin ang tatanggap ng masasakit na salita.
Ngunit katulad ng sabi nina Roldan at Mica, wala ang dalawa. I felt relieved not seeing them in the mansion. Kung pwede lang na isarado ko na ang gate at hindi na sila papasukin kahit kailan, ginawa ko na.
Sa mansion, I am an ordinary young lady. Hindi katulad noong bata pa ako na sa isang tawag ko lang ay natataranta na ang lahat. Nakuha na ni Lurica ang posisyon ko na iyon bilang prinsesa ng Reomoto. Ngunit masaya ako sa nangyari. Natutunan ko kasing ilapit ang sarili ko sa mga empleyado.
Kahit hindi na ako feeling prinsesa ay well loved pa rin at iginagalang ako ng lahat. Iyan ang isang bagay na kinaiinggitan sa akin ni Lurica. She has everything, money, and attention, but no one in the mansion except dad and Tita Karla respects her the way people respect me.
"Miss Aly, nag-alala kami sa 'yo," salubong sa akin ng chef.
"Naku, wala po kayong dapat alalahanin. Na-miss ko ang luto mo kaya kakain po ako," sagot ko na parang naglalambing. Isa na siyang matandang babae na halos kasing edad ni daddy kaya ganoon na lang kung igalang ko siya.
"Miss Aly, may mga bagong prutas pong dumating galing sa farm. Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ng isang boy.
"May watermelon ba? Gusto kong makakita ng vibrant colors para naman lumiwanag ang madilim kong mundo."
"Meron po, Ms. Aly."
Dahil gusto kong ma-refresh kaya watermelon ang hiningi ko. It's not my favorite fruit dahil I love avocado pero isa rin naman ito sa madalas na kinakain ko lalo na kapag stress ako.
Agad na naghain ng prutas ang chef at inayos niya ito na parang isang ibon. Tuwang-tuwa ako dahil sa effort niya but honestly kung ako ang tatanungin ay hindi niya na kailangan pang gawin iyon dahil hindi naman talaga ako masilan sa bagay na iyon. Ang mahalaga sa akin ay may makain.
Maghapon akong nagpirmi lang sa mansion. Diana and Katrine called me and invited me for a dinner tonight but I refused to go with them. Mainit pa ang ulo ni daddy kaya magpapakabait ako pansamantala.
Inanyayahan ko si Mica to play badminton. She's an expert sa paglalaro ng larong iyon dahil sumasabay siya sa lesson ko noon. It's good kasi may nakakalaban ako kapag gusto kong magpapawis.
Kinagabihan, dumating sina daddy at Tita Karla ngunit wala ang inaasahan kong bonggang pa-welcome sermon. The mansion was so peaceful. Nakapagtataka pero pabor iyon sa akin. During dinner kinumusta ako ni daddy. Ngunit hindi ako kumibo. Kahit ka tingnan siya ay hindi ko ginawa.
Napansin kong wala namang benda si Tita Karla. Meaning, ang lahat ng sakit na naramdaman niya noong nadulas siya sa hotel was purely dramas. Pang-Famas lang talaga ang lahat ngunit hindi siya awarded.
"I'm sorry for what happened in the hotel," sabi ni Tita Karla.
"Is this real or another fake mother and daughter eklabu?" I asked.
"Aly, your Tita Karla is sincere. Will you please shut up and acknowledge her action?" iritadong sabi ni daddy.
Wala akong nakitang sincerity kaya peke rin ang ibinigay kong ngiti. Tumayo ako sa sa hapag kainan kasi hindi ko kayang makipag-plastikan.
"Aalis ako, I have some friends waiting for me. May meeting ako with them. I mean, may party kaming pupuntahan."
"No! You have to stay here dahil may lunch meeting bukas ang Reomoto Family. You have to be there. Kapag umalis ka ngayon, tiyak madaling araw ka na naman uuwi at hindi ka makakasama sa family gathering," tutol ni daddy.
I hate seeing my dad's family. Feeling ko kasi ay isa akong outsider. Lahat ng mata nila ay nakatutok lang kay Lurica. Ngunit nang sinabi ni Daddy na dumating na si Ate Gael from Denmark ay bigla akong na-excite. Anak siya ng panganay na kapatid ni Daddy at bukod tanging hindi nagbago ng pakikitungo sa akin kahit sinasabi ng lahat na isa akong pasaway na Reomoto.
Bago ako umalis ng hapag ay bigla kong naisip na kunwari ay tanungin ang whereabouts ni Lurica. Agad dumipensa si Tita Karla at sinabing nasa isang business trip daw ito sa Laguna. Namilog ang mga mata ko.
"Laguna? Uhm, okay. May nakita kasi akong kamukha niya sa Parañaque at nagkausap kami," sabi ko sa nanunuyang tinig.
"I'm sure hindi si Lurica iyon. Our daughter is so busy expanding Reomoto's business in different areas ng bansa. Wala na nga siya halos pahinga dahil ang kapatid niya ay busy sa paggasta lang ng pera."
"Ouch! I'm hurt. Ang salbahe naman po ng kapatid ng anak mo." Umarte ako na parang labis na nasasaktan para ipakitang nasa panig ako ni Tita Karla at Lurica.
Tumingin sa akin ng masama si daddy. Kahit nakatayo na ako ay sumubo ako ng isang malaking subo at kahit hindi ko pa iyon nangunguya ay nagsalita na ako.
"Beware of crocodiles and snakes, Dad. They might eat you alive!"
Iyon lang at tumuloy na ako sa silid ko. Rinig ko pa ang mga sulsol ni Tita Karla kay daddy habang naglalakad ako palayo sa kanila. Ngunit katulad ng dati ay hindi ko na iyon pinansin pa.
Naabutan ko si Mica sa silid ko na sadyang naghihintay na sa akin. Kinumusta niya ako dahil noong kumakain kami ay inutusan siya ni Daddy na ihanda na raw ang bed ko. Gigil na gigil si Mica ng ikwento ko ang nangyari sa hapag.
"Aly, halika nga." Niyakap ako ni Mica.
Tinapik ko ang balikat niya at tumawa ako. Alam kong she's trying to comfort me pero feeling ko hindi ko naman iyon kailangan. I'm fine! Wala nang epekto sa akin ang mga nangyayari sa mansion.
"Hey, huwag ka ngang emotera. Baka mamaya ako pa ang mag-comfort sa 'yo." I giggled.
Nahiga na ako after kong maglinis ng katawan. Kinumutan ako ni Mica but I requested her to sleep besides me. Hindi na siya nag-atubili at niyakap niya ako. Hindi katulad noon na nanginginig pa siya ng unang beses kong hiniling iyon sa kan'ya.
Past ten in the morning na ako nagising. Mica already prepared breakfast in bed. Salo kami katulad ng dati. Gano'n kami kapag walang matang nakatingin. Gusto kong may kasalo kumain para hindi ko maramdaman na nag-iisa lang ako.
Naghanda ako para sa lunch meeting na gaganapin sa Reomoto Hotel. Pinili ko lang ang pinaka-simpleng bestida na meron ako. Alam ko kasing mag papabonggahan ang mga kamag-anak ni daddy kaya ayokong makisabay kahit may mga damit din naman akong very classy and fashionable.
Naglagay lang ako ng face powder and nude lipstick. I looked at myself in the mirror and smiled. Mukha akong fresh and very innocent.
Sa Reomoto Hotel ay abala ang mga tao. Everyone are busy preparing for the meeting na gagawin doon ng buong angkan. I don't know the agenda dahil hindi naman talaga ako interested.
Nakita ko sina lolo at lola. Bumati ako sa kanila ngunit bigla akong lumayo agad. Kung noong bata pa ako aybhalos ayoko ng umalis sa bahay nila, iba na ngayon. Simula ng dumating si Lurica ay halos ayaw na nila akong makita. Ang tingin na nila sa akin ay isang suwail na apo.
"Bakit nakapambahay ka? My god, what's with your mind again?" Nandidiring tanong sa akin ng bunsong kapatid ni daddy. Her name is Anika. Close sila ni Lurica kaya expected ko na ang ganoong pagbati mula sa kan'ya. Dalaga pa siya kahit mas matanda siya sa akin ng limang taon.
"Angel Aly!" Isang familiar na tinig ang narinig ko. Paglingon ko ay nakita ko agad ang nakabukas na mga braso ni Ate Gael.
I ran into her and hugged her tight. I miss my cousin so much kaya napaiyak pa ako ng makita ko siya.
"Why did you leave me?" I asked habang pinupunas ang luha ko.
"Hey, don't cry. I'm sorry. I didn't have a choice way back then. I need to continue my studies in Denmark because if I don't follow dad and mom, they mightl cut all the privileges I have. Anyways, you look good and stunning."
Nagpasalamat ako sa papuri niya at niyakap ko siyang muli. Sa pagbabalik ni Ate Gael ay may kakampi na ako bukod kina Roldan at Mica.
Hawak kamay kami ni Ate Gael na lumapit sa mahabang lamesa. Si Mica ay nakatayo lang sa hindi kalayuan. Naiinis akong pinagsuot siya ni Daddy ng uniform. Ayoko talagang nakikita si Mica na nakasuot ng ganoon sa labas ng mansion.
Sa harap ay masayang nagkukumustahan ang buong pamilya. Bukod tanging ako ang hindi nila pinapansin dahil brat at salbahe raw ako. Everyone in the table ay galit sa akin except kay Ate Gael na panay ang tanong kung okay lang daw ba ako.
Late dumating si Lurica. As usual, when she entered the room the whole family welcomed her with open arms. Tumayo pa ang mga uncle and aunties ko to greet her and kiss her.
She became the main topic at the table. Her achievements are highly appreciated by the people around her.
"Mabuti pa itong si Lurica kahit late na natin nakilala ay talagang pinandigan na isa siyang Reomoto. Unlike Angel Aly na puro na lang problema ang dala sa pamilya. I received news that she's always at the bar in QC. She's acting like a spoiled brat na walang silbi," mahabang sabi ng lola ko.
"I'm sorry, mommyy. I tried to discipline Aly pero hindi ko po talaga siya kinakaya. Her actions are unpredictable. Noong minsan lang pinaliguan niya kami ni Victor ng malamig na tubig after ko siyang sitahin dahil inabot na siya ng madaling araw sa bar at umuwi ng lasing na lasing," kunwari ay bait-baitang sabi ni Tita Karla.
"May nabanggit sa akin si Lurica. Nakita niya raw si Angel Aly sa hotel na ito. She's sleeping with a man na hindi niya alam kung sino. Natatakot lang daw si Lurica to confront her sister. Alam n'yo na, that girl is evil," sabi ni Auntie Anika.
"Exaggerated naman yata iyan!" tutol ni Ate Gael. "Aly will not do that lalo na't alam niyang maraming makakakita sa kaniya rito."
"Wala ka rito, Gael, kaya wala kang alam!" sigaw ni lola.
Napabuntong-hininga na lang ako. I was looking at daddy, waiting for him to defend me pero tahimik lang siya habang inaatake ako ng mga kamag-anak niya. I felt so helpless pero hindi ako nagpahalata. I ignored them and pretended na wala akong naririnig.
Hanggang sa dumako ang usapan nila sa negosyo. Lahat may opinion at lahat gustong maging successful ang business. Dapat raw ay mas malaki pa ang maabot na lugar ng Reomoto Hotel. But the problem is, they needed money for investment. They came up with the idea of a partnership with the Belldon Family or Xues Family.
Nang marinig ko ang apelyido ng taong pumatay sa mommy ko ay napatayo ako. Sumigaw si lola ngunit hindi ko pinansin. Lalakad na sana ako palabas ng venue ng lunch meeting namin ng magsalita si daddy.
"I've already talked to the Belldon Family. Jorge and Aly will be getting married soon para mas tumaas ang status natin sa hotel industry."
Sa isang iglap ay napapalakpak ako at nanunuyang tiningnan ko ang bawat mukha ng Reomoto Family na kasama ko sa silid na iyon. Sa isip ko ay naglalaro ang mga katagang, "The battle will now begin."